2018-05-14

Tagis ng Tigas [13]


Matapos ang dalawang bote ng alak ay nagsimula na tumayo sila ama. Nag-usap sila ama at engineer habang naglalakad patungo sa labas ng bahay. Sa di kalayuan ay ang van na gamit ni engineer.


Ama: Salamat sa pagbisita mo, at sa alak.


Engr Danny: Walang anuman ho. Ako nga ang dapat magpasalamat sa pagpatuloy n'yo sa akin. Salamat sa mga kwento.


Ama: Medyo mahina na nga ako uminom talaga. 


Engr Danny: Salamat ho ulit. 


Lumabas si Kuya Junior mula sa bahay. Nagulat ako nang makita ko na may dala syang maliit na maleta. Lumapit ako sa kanya.


Alvin: Ano yan?! Saan punta mo kuya?


Kuya Junior: Yung trabaho kila engineer. Driver ng isa nyang van.


Alvin: Ngayon na yun?


Kuya Junior: Oo.


Medyo may kurot ng lungkot dahil aalis na sila Kuya Junior. Hindi ko man lang natikman ang kagwapuhan ni Danny.


Ama: Ayusin mo trabaho mo Junior ha.


Engr Danny: Ako na ho bahala kay Jun. 


Ama: Ingat sa byahe. 


Pumasok na si ama sa bahay at naiwan kaming naglalakad papalayo ng bahay. 


Engr Danny: Alvin. Ihatid ka na namin sa inyo. Gusto ko din sana makita bahay mo.


Alvin: Sige po. Salamat. Tara.


Sumakay na kami sa van; si Kuya Junior ang driver at sumakay na ako sa isa sa mga upuan sa likod. Isasara ko na sana ang pinto nang pinigilan ito ni Danny.


Engr Danny: Tabi na tayo.


Alvin: Po? 


Engr Danny: Wag ka mag-alala. Oks lang yan kay Jun.


Tumigin sya sa rear mirror kung saan nakatingin din si Kuya Junior. Tumango lang ng isa si kuya bago sumagot at pinaandar ang van.


Kuya Junior: Oo sir. Ikaw bahala.


Hindi ko sigurado pero parang sumimangot ng bahagya ang tingin ni Danny sa sagot o pagsagot ni Kuya Junior. Lumingon si Danny sa akin at may ngiti na ulit sa mukha nya.


Engr Danny: Isa pa, matagal-tagal na kami nagkasama ni Jun. At matagal-tagal pa na magkakasama. Ikaw ngayon lang. 


Alvin: Oks lang naman po.


Pagsandal ko sa upuan ay umakbay sa akin si Danny. Naamoy ko ang mabango at alam ko na mamahaling deodorant na humahalo sa amoy alak nya na pawis. Ang init ng mga mabibigat nya na braso. Nakaramdam ako ng pagkislot at kuryente na hindi ko napigilan lumabas.


Muli ako nilingon ni Danny mula sa kanyang pagkakaupo at nilapit ang mukha sa akin.


Engr Danny: Okay ka lang ba Alvin?


Ang init ng hininga ni Danny. Amoy alak. Ang pungay ng mga mata nya. At mamula-mula ang pisngi. Napakagat ako sa mga labi ko. Niyakag nya ang aking balikat ng mahina at ngumiti.


Engr Danny: Wag ka matakot Alvin. 


Nakarating na din kami sa bahay. Nauna ako para buksan ang pinto ng bahay. Inikot ko si Danny sa loob habang umupo lang sa sofa si kuya. Mabilis lang ang pag-ikot. Lumabas na kami ng bahay ni Danny at sumunod lang si kuya.


Engr Danny: Maganda ang bahay mo Alvin.


Alvin: Salamat.


Ginagala ni Danny ang kanyang mata sa teresa.


Engr Danny: Meron ka pang malaking veranda.


Alvin: Para kapag may bisita din.


Engr Danny: Talaga? Para sa mga tulad ko? Pwede bang makiupo?


Alvin: Ah... eh. Sige lang po. Upo lang po kayo.


Engr Danny: Maganda mga upuan at lamesa. Komportable at relaxing. Parang open garden ang desenyo ng lugar at mga gamit. Magaling pagkaplano mo.


Napangiti lang ako sa mga papuri nya, habang kinikilig sa loob.


Alvin: Tubig po o kape? Baka gusto nyo. 


Tumayo si Danny, lumapit at tumayo sa harap ko.


Engr Danny: Ang totoo nyan, gusto sana kita yayain pa uminom. Dito sa inyo. 


Alvin: Po?


Tumingin si Danny ng diretso sa akin mata. Nakakalunod ang kanyang titig.


Engr Danny:: Kung okay lang naman.


Alvin: Sige po. Maliit na bagay.


Engr Danny: Okay ka talaga Alvin. Tingin ko magkakasundo talaga tayo.


Sabay patong ng kanyang kaliwang kamay sa aking kanan balikat. 


Engr Danny: Jun, halika. Pamilyar ka naman dito siguro. Bumili ka nga ng 10 bote ng beer. Pale. Ito pera.


Nilabas ni Danny ang kanyang wallet at nagsimulang bumunot ng pera


Alvin: Naku. Ikaw pa po ang gagastos. Ako na. Bisita ko kayo.


Engr Danny: Okay lang yan Alvin. Mas matanda naman ako at ako din ang nagyaya. Utusan ko lang si Kuya Jun mo. 


Inabot ni kuya ang pera mula kay Danny.


Kuya Junior: Sir, walang pale dito. Red horse madalas.


Engr Danny: Walang problema. Kung ano meron. Yan yung malalaki hindi ba?


Kuya Junior: Oo. Dalawa lang. Konti lang. Malakas tama nyan.


Engr Danny: Ikaw Alvin, may gusto ka ba ipabili?


Alvin: Ayos na ako sa inyong dalawa.


Engr Danny: Ano yun?


Alvin: Ah, eh. Kung ano na ang gusto nyong dalawa. Ayos na ako. 


Sinimulan nya ibulsa ang kanyang wallet habang pinatong nya muling ang kanyang kamay sa akin balikat.


Engr Danny: Dagdagan mo kung ano pulutan Jun. Ikaw na bahala


Sumenyas lang ng 'okay' si kuya at nagsimula na maglakad.


Engr Danny: Tara Alvin. Upo muna tayo habang inaantay si Jun. 


Isang tatluhan at dalawang isahan ang mga upuan sa terasa. Uupo na sana ako sa isahan nang maramdaman ko kasunod ko si Danny. Ang kanyang parehong kamay na nakapatong sa aking balikat ay parang minamaneobra ako papunta sa tatluhan.


Engr Danny: Pasensya ka na kung Jun ako ng Jun. Nasanay na ako sa tawag ko sa kanya.


Inupo nya ako at sunod na umupo malapit sa akin.


Engr Danny: Junior ano? Kuya Junior ang tawag mo sa kanya, tama?


Alvin: Opo.


Engr Danny: At tiyuhin mo pala sya?


Alvin: Opo.


Engr Danny: Nakwento nga ng ama mo na medyo malapit kayo. Okay kasama si Jun ano?


Alvin: Opo.


Engr Danny: At ang macho nya. Tinikman mo na din ba sya?


Alvin: O-


Napatigil ako. Pilit ko tinago ang pagtaka at pagkabigla ko. Tiningnan ko si Danny. May manipis na ngiti sa kanyang mga labi. Kita sa kanyang mga mata ang lalim sa kanyang tanong. Sinusukat ang sagot sa akin. Nilapag nya ang kanyang kamay sa aking hita.


Engr Danny: Ako din. Natikman ko na sya. Pero ikaw, ikaw hindi pa.


3 comments: