2014-06-26

Araro ni Kuya Lando [07]


--- Anong katarantaduhan ang mga nangyayari na ito?!

Iyan ang malaking tanong na tumatakbo sa isip ko habang nakaupo ako sa isa sa mga bangko sa terasa at tinitingnan si Kuya Lando na naghuhugas ng paa sa pinakamalapit na gripo.

Alvin: Eto susi. Pagpasok mo, malapit sa nag-iisang pinto sa kaliwa. May nakasabit na first aid kit.

Mabilis lamang at dala na ni Kuya Lando ang first aid kit. Pumwesto sya sa aking paahan at tiningnan ang aking kanang paa. Ipinatong nya ito sa kanyang hita. Minasahe ng konti at pinisil ang ilan bahagi ng aking bukung-bukong. Masakit sa una ngunit nakakaramdam ako ng ginhawa. Minasahe nya din ng bahagya ang aking talampakan at binti. Magaan ang kamay ng kuya na hindi ordinaryo sa isang sanay sa mabibigat na trabahong bukid. Gayunman, ramdam na ramdam ko ang gaspang at tigas ng balat  ng kamay ni kuya. Kahit mga daliri nya ay may kalyo. Kinuha nya ang ang benda at binalot ang aking bukung-bukong. Napansin nya na may compress pala sa loob ng first aid kit.

Kuya Lando: Kukuha lang ako ng yelo sa bahay ng amang.

Alvin: Huwag na. Meron ako dyan. Sa ref sa may bar sa ilalim ng hagdan.

Dahan-dahan nya ibinaba ang aking paa. Kinuha nya ang compress at nagtangkang tumungo uli sa loob ng bahay. Hinawakan ko sya ng mahigpit sa braso.

Alvin: Sandali. Kanina ka pa. Pwedeng ako naman. Umupo ka.

Bumalik sya sa pagkakaupo. Ipinatong ko sa coffee table malapit sa aking ang first aid kit.

Alvin: Akin na iyang paa mo. Kanan muna. Hindi lang ikaw ang marunong sa first aid. Kaya nga meron ako sa bahay.

Nag-aalangan man ay sumunod sya.

Alvin: Ipatong mo sa sa akin. Sumandal ka sa pagkakaupo para hindi tayo mahirapan pareho.

Nilinis ko ang mga sugat nya sa paa at sinigurong walang mga naiwan na matutulis sa ilalim ng balat nya. Makalyo ang talampakan ni kuya. Malaki ang naitulong nito para hindi masyado masugatan ang kanyang paa. Siguro kung ako yun, hindi lang ganito ang inabot ko na mga sugat. Tapos nakadagdag pa ang bigat ko sa paglalakad nya kanina. Parang barko ang paa ni kuya. Malaki at mabigat. Siguro ay nasa size 12 o mahigit pa. Ang bigat ng kanyang paa ay nadagdagan pa ng bigat ng kanyang binti. Kahit relaxed ang kanyang binti ay kita mo ang hugis ng mga muscles nya. Tininginan ko ang kanyang mga binti paakyat sa malaki nyang tuhod, patungo sa mala-troso na hita nya. Minasahe ko ng kaunti ang kanyang binti at hinagod hanggang hita. Marunong ako magmasahe ng kaunti at alam ko na ang pagitan ng buto at muscles sa binti ang isa sa mga pinaka-masarap na minamasahe. Hinagod ko ang muscles nya sa binti mula sa likod ng taas-baba. Alam ko na nagustuhan ito ni kuya dahil napapikit sya at napa-relax sa kanyang pagkakasandal.

Alvin: Yung kaliwa naman.

Minulat nya ang mata nya at pinagpalit ang kanyang mga paa na nakapatong sa akin. May ilang maliliit na kahoy na nakatusok sa itaas at gilid ng kaliwang paa ni kuya. 'Flesh wound' lang, pero alam ko na ramdam nya ito. Sinimulan ko muna tanggalin ang mga ito. Sa pagsilip ko sa kanya, napapangiwi ng bahagya si kuya habang nakatingin sa ginagawa ko sa paa nya.

Alvin: Bakit mo ako inaaway kaninang hapon sa kubo?

Tinigil ko ng bahagya ang ginagawa ko at tiningnan sya. Nakatingin na sya sa akin. Blanko na parang nawawala ang kanyang reaksyon. Hindi sya nagsasalita. Binalikan ko ang ginagawa ko. Medyo pinisil ko ang ilan bahagi na may sugat at binuhusan ng alcohol.

Kuya Lando: Aahh.

Hinipan ko at pinunasan ang sugat. Tiningnan ko sya. Nakuha nya ang kalokohan na tumatakbo sa isip ko.

Kuya Lando: Hindi kita inaway. Ikaw ang unang nagtaas ng boses sa akin.

Alvin: Eh kasi sinabi mo na ayusin ko kung ayaw ko na ano?

Kuya Lando: Hindi mo ako pinatapos. Nagtaas ka agad ng boses. Kung ayaw mo mabasa. Tapos galit na galit ka na agad na parang gusto mo ako tadyakan palabas ng kubo.

--- pahiya #1

Alvin: Pati yung paghawak ko pinansin mo.

Kuya Lando: Alin? Iyung paghawak mo sa kamay ko? Yun ba? Nakakahiya, ang lambot ng mga kamay mo sa akin puro dumi at magaspang pa.

Alvin: E paano, ayaw mo bitawan yung baso!

Kuya Lando: Maputik na yung labas ng baso dahil sa pawis ng tubig at yung dumi ng kamay ko. Anu ba naman yung tulungan kita uminom?

--- pahiya back-to-back #2

Alvin: Pinilit mo kse ako uminom! Sinabi mo na magagalit ka kapag hindi ako uminom? Sige nga!

Kuya Lando: Sus? Yun ba?! Hayaan mo, hindi na kita lalambingin. Iniisip ko lang na nauuhaw ka, pwede ka naman humindi. Ako? Magagalit? Anong dahilan? May ginawa ka ba? Ikaw ang nagalit ng walang dahilan.

--- ay wow. grand slam. pahiya #3

Kuya Lando: Pakiramdam ko sa iyo parang inis na inis ka sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Kanina ko pa iniisip yan kung ano yung mali na nagawa ko. Yung hinawakan ka, yung lumapit ako. Baka mali o ayaw mo. Baka sobrang baho ko. Hindi ko lang masabi ng diretso sa ama mo na nanliliit ako sa iyo. Pero naisip ko lang na baka kung susunod ako sa gusto nya e makabawi ako sa iyo.

--- bakit ba ang tagal bumuka ng lupa para kainin ako?

Alvin: Sorry...

Mahina ko nasabi.

Kuya Lando: Ano yun?

Alvin. Sabi ko 'Sorry.'

Kuya Lando: Hindi ko madinig eh.

Alvin: Alam ko nadinig mo. Huwag ka abusado.

Sabay pinisil ko ulit ang mga sugat nya.

Kuya Lando: Aray! Aray! Wag po. Hind ka na mabiro.

Natawa na lamang ako sa kanya at nakita ko na naman ang matipid nya na ngiti. Tinapos ko na linisin ang mga sugat nya at binigyan din ng masahe ang kanyang kaliwang binti. Nag-relax ulit sya sa pagkakasandal at ipinikit ang kanyang mga mata. Natutuwa akong tingnan ng ganito si Kuya Lando lalo na at nalinaw na namin ang mga nangyari.

Alvin: Kuya, basang-basa ng pawis yang t-shirt mo. Tanggalin mo na muna.

Tumingin lamang sya sa akin. Napatigil ako. Sa kanyang pagkakaupo ay tinanggal nya ang t-shirt nya. Pinunas nya ito sa kanyang mukha pati sa katawan nya. Ipinatong nya ito sa sandalan ng isa sa mga bakanteng upuan. Walang arte, walang salita, at wala na din pantaas si Kuya Lando. At para bang sa sinasadyang pagkakataon, nag-relax sya sa pagkakasandal at ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Nakaramdam ako ang pagbilis ng tibok ng puso ko at uminit ang aking pakiramdam. Natataranta ako. Nalilibugan ako. Natataranta ako sa libog ko.


Ang laki ng katawan ni Kuya Lando! Ang init nya pagmasdan. Ang kanyang mga bilog na balikat ang nagsimulang magyabang sa porma papunta sa kabuuan ng kanyang braso. Ang mga muscles sa kanyang mga braso ay kurbang-kurba sa pagkakataas nya dito. Halos walang buhok sa kili-kili ang kuya. Lalong lumapad ang kanyang katawan dahil sa kanyang mga muscles sa likod. Kahit may tiyan sya ng kaunti ay hugis pa din ang kanyang mga abs. Ang nipis ng kanyang pusod. Buong-buo ang korte kanyang dibdib. At ano ito?! Gumagalaw ang dibdib nya na parang tinatambol! Para bang nang-eenganyo pa na hawakan ito! Ang sarap saluhin ng kanyang mga dibdib. Laruin taas-baba, sampal-sampalin. Tayong-tayo ang kanyang mga utong na napakasarap kurutin! Mga dede na parang hindi makapaghintay na dilaan, na susuhin, na paulit-ulit na laruin ng dila at mga labi. Parang hindi ko yata kaya na hindi igapos ang kuya at hindi pagsamantalahan.

Medyo inilayo ko ang kanyang paa sa akin at baka tumama sa ngayon ay tigas na tigas ko na na ari. Ginanahan akong i-masahe sya. Gusto ko syang makitang nasasarapan sa kanyang ayos. Muli ko ibinaling ang pagmasahe sa kanyang binti habang nakatitig lamang ako sa kanyang hubad na katawan. Unti-unti ko hinagod ang kanyang mga muscles, at bahagya ko nilakasan ang diin ng aking mga kamay para mas swabe at maramdaman nya ang pagdaloy ng dugo sa kanyang laman..

Kuya Lando: Uhmm...

Habang humahagod pababa ang aking kanang kamay ay sumunod agad ang aking kaliwa sa parehong daloy. Para maramdaman nya ng mahaba ang kakaibang ginhawa sa mga muscles ng masahe.

Kuya Lando: Hah...

Parang nilalabasan ang mga munting halinghing ni kuya sa aking pandinig. Nakakalibog ang Kuya Lando. Parang gusto ko idikit ang aking katawan kahit man lang sa kanyang paa. Gusto ko hagurin ang kanyang binti paakyat sa hita para kapain ang bayag sa ilalim ng kanyang short. Gusto ko sya tigasan at maramdaman ang laki nito. Gusto ko diinan ang kanyang abs, at haplusin ang kanyang dibdib at mga balikat. Gusto ko hagurin ang kanyang buhok. Gusto ko dilaan ang kanyang leeg paakyat sa kanyang mga tenga. Gusto ko matikman ang kanyang mapupulang labi. Gusto ko hawakan nya ako; yakapin ng mahigpit, buhatin at ipatong sa kanya, haplusin sa likod paakyat sa ulo, dilaan ang dibdib ko, tawagin ang aking pangalan...

Gusto ko... Gusto ko! Gusto ko makipag-sex kay Kuya Lando!

Patuloy ko lang syang minasahe na may halong pagnanasa at kumukulong libog. Napansin ko na parang umuunat ang kanyang mga daliri sa paa at ang kanyang mga utong ay parang naninigas; mas lalong tumatayo. Hindi kaya nalilibugan sya sa sobrang sarap ng masahe? Napatigil ako. Idinilat nya na ang kanyang mga mata.

Kuya Lando: Ah. Pasensya na. Ngayon lang ako nakaranas ng ganyang masahe. Ang galing mo.


No comments:

Post a Comment