2014-06-24

Araro ni Kuya Lando [05]


Kuya Lando: Ayos ka lang ba Alvin?

Alvin: Ayos lang ako.

Ama: O kayo, upo na din. Sabay-sabay na.

Kinilala ng mga kasambahay ang utos ng ama at isa-isa na din sila umupo. Nagsimula na ang hapunan. Nag-angatan na ang mga babasagin at nag-abutan ito sa mga kamay namin. Lahat ay inuna ang para kay ama bilang nasa kabisera at pagkilala sa kanya bilang punong-ama. Magagaan ang mga usapan sa hapag-kainan. Sumusulyap-sulyap ako sa kumakain na Kuya Lando. Madalas ay bahagyang nakayuko lamang sya habang kumakain ng tahimik.

Alvin: Kain pa.

Umangat sya ng tingin patungo sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakasuklay ng maayos ang kanyang buhok na medyo basa pa. Halatang bagong ligo si Kuya Lando. Preskong-presko ang kanyang itsura kumpara sa pawisan nyang lagay nang una kami magkita. Ang bango nya tingnan. Ang linis nya tingnan sa manipis nya na kamisa. Hindi ko maiwasan lalong humanga sa kakisigan at kagwapuhan nya. Kumukurba ang kanyang damit sa mga bilugan nyang balikat habang namumutok ang kanyang mga biceps at triceps sa manggas. Kita mo ang cleavage sa kanyang mga malalapad na dibdib. Hindi pang body-building contest ang katawan nya pero masasabi ko na matitigas ang mga ito dahil sabak sya sa trabahong-bukid. Napansin nya yata na tinitingnan ko syang maigi kaya't dumirecho sya ng upo. Parang ipinagmalaki nya pa lalo ang kanyang pangangatawan sa akin. Sa nipis ng kanyang kamisa ay halos kitang kita ko na ang kulay at kabuuan ng kanyang utong. Kung kayumangging-kaligatan ang balat ng Kuya Lando, ang kanyang mga utong ay higit pa ang pagkakakulay sa tsokolate. Humuhulma sa ka-machohan nya ang kanyang suot na kamisa. Higit na katakam-takam ang kuya kesa sa hapunan namin.

Ama: Si Kuya Lando mo, anak sya ng Tiya Minda mo. Kilala mo naman sya hindi ba?

Alvin: Po? Opo...

Ama: Pinsan buo sya ng iyong ina kaya kayo e magpinsan kamakalawa na.

Alvin: Ngayon ko lang sya nakita.

Ama: Kung lumalabas ka dito sa atin at nakikisalamuha sa iba, baka nagkakilala na kayo noon pa. Panay ang kulong mo sa bahay kapag nandito ka. Minsan, pumasyal-pasyal ka at nang maging pamilyar ka. Magpasama ka sa kuya mo.

Alvin: Huwag na po.

Ama: 'Wag na? E paano mo sisimulan kausapain ang mga tao? Paano mo lalapitan aber? Alam mo kung saan ka pupunta?

Alvin: Ako na po bahala. Ayoko din makaabala.

Kuya Lando: Okay lang sa akin.

Ama: Nagkausap na kami kanina ng kuya mo habang nag-aantay sa iyo dito. Patapos na din ang mga gawain nya sa bukid kaya sa mga darating na araw ay sasamahan ka nya para mas maging pamilyar ka dito. At para din makilala mo pa ang iba mo kamag-anak. Malinaw ba?

Alvin: Wala na po ba iba na pwede?

Kuya Lando: Amang, pasensya na ho. Pwede ko naman ho sya ihabilin sa iba nya pa na pinsan. Baka lang ho ayaw nya sa akin. Wala naman ho problema. Pasensya ka na Alvin ha.

Ama: Lando, sandali. Anak, nandito na ang Kuya Lando mo. Kinausap ko na dahil alam ko na pamilyar sya sa palakad sa nasasakupan at hindi natin nasasakupan. Kilala nya ang mga tao lalo pa ang mga kamag-anak mo. Isa pa, sigurado ako na hindi ka nya pababayaan.

Alvin: Sana sinabi nyo muna agad sa akin.

Kuya Lando: Amang, nasabi ko na ho sa inyo kanina. Nahihiya din ako kay Alvin.

Ama: Alvin! Ano ba ang problema?! Sabihin mo sa akin kung meron at kung ano. Napapahiya sa iyo ang kuya mo. Lando, nasabi ko na din kanina ang ugali ng pinsan mo. Etong usapan na ito ay pabor na hinihingi ko sa Kuya Lando mo. Walang tatagal sa iyo kung lagi ka ganyan, gusto mo paraan mo. Matuto ka makisama at magpakumbaba!

Kuya Lando: Huwag nyo na po sya pagalitan, amang. Iniisip nya lang yung alam nya na mas tama at mas makabubuti sa kanya.

Ama: Kita mo na! Ngayon pa lang pinagpapasensyahan ka na, iniintindi ka. Sige! Kung meron ka dyan na pwede na ibang tao, iharap mo sa akin at papayagan kita masunod ang gusto mo! Puro ka kapritsohan kahit sa maliit na bagay, pati sa mga tao.

Hindi ko alam kung ginagago ako lalo nitong si Kuya Lando. Parang santo sa harap ng ama! Parang gusto ko na nga din maniwala na totoo ang kanyang pagmamalasakit. Pero kapag naaalala ko yung baso kanina, parang gusto ko syang sampalin at bayagan... tapos siguro halikan.

Alvin: Sorry ama.. sige na po. Payag na ako.

-- Payag ako basta may kasamang romansa. Kung hindi, lalatigohin ko sya.

Ama: Pinahaba mo na naman ang usapan... O sya. Sige, tapusin nyo na yan pagkain.

Tahimik na sa hapagkainan habang tinatapos namin ang aming pagkain. Hindi ko pa din alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa nangyaring usapan. Una, inimbitahan ng ama ang Kuya Lando. Ito malamang yung kaninang hapon kaya hinabol pa sya ni ama. Tapos eto, nakapag-usap agad sila bago magsimula ang hapunan. Kampante at tiwala ang ama. Ibig sabihin matagal na syang nakikitungo sa ama, dahil siguro sa trabahong-bukid. Hindi ko din alam kung totoong nahihiya sya o alam nya lang talaga kung ano ang dapat nya sabihin. Gayunman, matalino sya para makapag-isip at maglakas-loob magsalita sa ama ng ganun.

Ama: Pagkatapos nyo dyan, sumunod kayo sa terasa.

Alvin: Tapos na din po ako.

Tumayo si Kuya Lando, ipinatong ang pinagkainan ng ama sa kanya at matapos ay tumayo sa tabi ko.

Kuya Lando: Kung tapos ka na din, i-uurong ko na yang sa iyo.

Alvin: I-uurong?

Hindi ko naintindihan ang sinabi nya hindi lang dahil sa hindi ko talaga alam ang ibig nya sabihin, pero lalo na dahil naka-shorts sya at nasa eye-level ko ang kanyang bewang. Ang kamisa nya ay bahagya lamang lumagpas mula sa kanyang bewang, at sa nipis nga nito ay kita ko ang butones ng kanyang shorts pati na rin ang pusod. Hindi ko maiwasan hindi tumingin pababa. Naka-kupas na maong short si Kuya Lando, mukhang maong na pantalon ito na ginupit lamang. Maganda ang sukat sa kanya ng short; hindi maluwag, hindi mahigpit. Sapat para damitan sya na hindi maging bastos at sapat para sa i-enganyo ang imahinasyon. Maumbok ang bahagi sa pagitan ng kanyang mga bilugan na hita. Zipper nga lang ba yun na naka-kurba dahil sa pagkakaupo o hugis mismo ng ari ni Kuya Lando? Gusto ko sana pindutin para makita kung lulubog o hindi. Tumingala ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin pababa. Ang laki talaga ng mga dibdib nya na buong-buo ang tikas. May kaunti man syang tyan, dalang-dala ang ka-machohan nya dahil sa dibdib nya at balikat. Para syang si Bong Revilla nung rurok ng pangangatawan nito noon. Pero hindi. Panalalait siguro para kay Kuya Lando ang makumpara sa artista na yun. "Tall, dark, and handsome" ang Kuya Lando.

Kuya Lando: Yung plato mo, kung tapos na dalhin ko na sa kusina at hugasan. I-urong, ibalik sa pinagkunan.

Alvin: Ah okay.

Kasambahay: Kami na lang Lando. Iwan nyo na yan dyan.

Hindi nagpapigil ang kuya at inabot pa din ang aking plato. Dinala nya na ito sa kusina. Sandali lang at bumalik na sya sa hapag-kainan. Inabot ang pitsel ng tubig at sinalinan ang aking baso. Tahimik lang sya na nagsisilbi sa akin. Nakakatuwa at nakakakilig. Mukhang magandang ideya ang gusto ng ama kung laging ganito si kuya. Siguro, mahihiya ako sa kanya kung ganito sya kabait. Hindi pala sya nakakainis, sa ganito nyang kilos ay ka-respe-respeto sya. Magkakasundo kami. Ininom ko na ang sinalin nyang tubig. Mabagal ako uminom kaya't tumayo na ako dala pa din ang aking baso.

Alvin: Tara Kuya Lando.

Sinenyasan ko syang sumunod pero hindi man lang sya gumalaw.

Alvin: Ayos ka lang ba?

Kuya Lando: Ha?

Alvin: Kako, ayos ka lang ba?

Sa loob ko ay natatawa ako dahil parang ganito lang ang nangyari kaninang tanghali, baligtad nga lang. Ibig bang sabihin nito, ako naman ang aakbay sa kanya? Saan ko naman sya dadalhin, sa bahay ko? E hindi naman maaraw, ibig sabihin huhubaran ko sya? Ay! Ahahahaha. Ang harot ng ideya ko bigla.

Lumakad na din sya kasabay ko papunta sa terasa kung nasaan ang ama.

Kuya Lando: Tinawag mo kasi akong 'kuya'.

Alvin: Bakit paano mo ba gusto tawagin kita, 'ate'?

Napangiti sya, pero ubod ng tipid habang patuloy lang sa paglakad. Gayunman, nakita ko pa din ang kanyang mga dimples.Nakakilig hanggang betlog ang pagkapogi nya tapos sasamahan pa ng dimples? Nakakapanlata! Makalaglag panty! Parang gusto ko maglupasay sa kilig!

Pagdating namin sa terasa ay nakatayo sa balkonahe ang ama. Nagpapahangin. Nang mapansin nya ang aming pagdating ay lumapit sya coffee table kung saan may nakapatong na dalawang baso at bote ng alak. Sinalinan nya ang dalawang baso hanggang kalahati. Uminom sya sa isa sa mga baso at iniabot ang isa kay Kuya Lando.

Ama: Heto. Uminom ka.

Kuya Lando: Salamat ho. Si Alvin po?

Ama: Hindi pa ako sanay makita sya na umiinom. Isa pa, magkaiba kami ng panlasa sa alak.

Naglakad ang ama papalayo sa akin dala ang kanyang baso at bote ng alak. Kilala ko ang ama sa kanyang kilos. Tuwing nagsasalin ang ama ng alak para sa dalawang baso lamang ay gusto nya makausap ng masinsinan ang tao na pinagbigyan nya ng baso. At gusto nya itong gawin din ng pribado, usapan sa pagitan lamang ng dalawang baso at tao. Sinenyasan ko ang Kuya Lando na sumunod sa ama. Tumalima naman sya at iniwan na ako. Nasa kabilang dulo sila pumwesto ng ama. Ako naman ay umupo na muna sa balkonahe. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang kasambahay na dala ang isang kopita ng malamig na alak. Para sa akin. Habang iniinom ang matamis na puting alak at tinitingnan ang ama at Kuya Lando, napapaisip ako kung ano pa ang sinasabi ng ama. Malamang ay magaan lamang ang usapan nila kanina bago kumain, mukhang ito yung seryoso talaga. Tumingin ang ama kung saan ako nakaupo. Sumunod ng tingin si Kuya Lando. Patuloy lamang ang kanilang pag-uusap. Habang hawak ng ama ang kanyang baso ay kinukumpas nya ang kanyang daliri kay Kuya Lando. Ibig sabihin 'ikaw', patungkol kay Kuya Lando mismo. Ang kuya naman ay nakayuko lang at paminsan-minsan ay tumitingin ng diretso kay ama. Nang isang kumpas ng daliri ni ama kay Kuya Lando ay tumingin sila ulit sa akin. Tinuro ako ng ama at muling hinarap ang kuya. Tungo lamang ang sagot ni kuya. Patuloy ang pagsalin ni ama ng alak sa mga baso. Habang tumatagal ang kanilang usapan ay diretso na ang tingin ni Kuya Lando kay ama. Pailan-ilan ay nagsasalita sya at tumutungo ang ulo para kay ama. Bilin. Mga bilin ang sinasabi ng ama. Malamang din ay pinapangunahan at pinapaalalahanan na sya ng ama. Kailangan nya yan, kailangan nya mag-ingat sa akin.

Palapit na ang ama at Kuya Lando sa akin. Tumingin ako sa aking relos at napansin na mahigit isang oras din pala sila nag-usap.

Alvin: Ama, uuwi na po ako para makapagpahinga.

Kuya Lando: Amang.

Ama: Sige.

Kuya Lando: Tara na Alvin.

Alvin: Seryoso?


No comments:

Post a Comment