2014-06-24

Araro ni Kuya Lando [06]


Natapos ang hapunan kila ama. Natuloy sa pribadong usapan. Malalim na ang gabi. Pero parang nagsisimula pa lamang ang gabi sa akin. Hindi na ako nakipagtalo at hindi man lang nagtangka na humindi.

Kuya Lando: Amang, tutuloy na ho kami.

Alvin: Ama.

Ama: Sige.

Nagsimula na kami ni Kuya Lando maglakad papunta sa aking bahay para ihatid nya. Nang umabot kami sa poste ng ilaw ay lumingon ako patalikod habang patuloy na naglalakad, umaasang nakatanaw pa din ang ama pero ang nakita ko lamang ay ang sarado na na pinto. Ang laki ng tiwala ng ama para hindi man lang ako ihatid ng tanaw. Dati ay ako pa ang nagsasabi sa kanya at sumesenyas na 'Ok' na ako at pumasok na sya.

Alvin: Ay putek!

Dapat talaga tinitingnan ko ang nilalakaran ko lalo na kapag madilim. Nakakalimutan ko na may pagka flat-footed ako. Bigla ako napatingin sa harap agad sa pagkakatisod.

Kuya Lando: Oops!

Yumakap ang isang braso ni Kuya Lando mula sa aking dibdib papunta sa likod at ang naging reaksyon ng aking kamay ay yumakap din sa kanya para hanapin ang balanse at iwasan tuluyan bumagsak. Tumama ang ulo ko sa dibdib ni kuya habang nakasukbit ang aking kanang kamay sa kanyang batok at balikat.

Alvin: Ang bango mo kuya...

Kuya Lando: Hah?

Naloko na. Nawala ako sa sarili at nakalimutan na ang pagkakatisod. Pero ang bango talaga ng dibdib ni kuya. Flat lamang ang amoy ng t-shirt nya, amoy malinis pero hindi amoy bareta. At ang manipis nyang pawis amoy sabon panlalake na nahaluan ng singaw ng alak. Tama na. Kalokohan ito. Ikapapahamak ko ito. Isa pa nasa may ilawan kami at baka may makakita. Kung ano pa ang isipin. Tinanggal ko ang pagkakayakap ko kay kuya at bahagya sya itinulak palayo. Pinilit ko na i-apak ng maayos para makatayo ng tuwid.

Alvin: AH. Arg!!

Ang sakit ng bukong-bukong ko! Na-twist yata sa pagkakatisod at pag-ikot ko sa pagtayo. Dadausdos ako pababa sa daanan.

Kuya Lando: Alvin!

Muli ay niyakap ako ni Kuya Lando, pero ginamit nya ang pareho nyang braso at nagmula sya sa bewang sa likod.

Kuya Lando: Alvin, dumudulas ka. Ilagay mo yung mga braso mo sa leeg ko.

Alvin: Hah?!

Kuya Lando: Yumakap ka sa akin!

Medyo napataas na ang boses ni kuya at naramdaman ko na medyo nawawalan na din sya ng balanse. Ayoko naman madisgrasya kami ng sobra kaya wala ng inisip pa ay yumakap ako sa leeg ni Kuya Lando. Matapos ang ilang galaw ng mga hita at paa ni kuya ay nahanap nya na din ang balanse namin. Humigpit ang yakap nya sa akin para siguraduhin ang aming posisyon. Hindi kami gumagalaw. Nasa ganun ayus kami; si Kuya Lando yakap ako mula sa bewang at ako yakap sya mula sa leeg. Sa higpit ng kanyang yakap sa akin ay lapat na lapat ako sa kanya. Nakapahinga ang ulo ko sa pagitan ng kanyang dibdib at balikat, habang nakatingala sa direksyon ng kanyang leeg. Naramdaman ako ang bawa't tibok ng puso ni Kuya Lando; malakas pero normal ang ritmo. Kalmado ang dibdib nya. Tagos na tagos ang init ng katawan nya sa kanyang damit at kahit pa sa damit ko. Dala siguro ng alak na ininom nya. Naamoy ko lalo ang kanyang pawis; malinis na lalakeng-lalake. Kakaiba ang amoy nya sa malapitan; para ba may halong tamis. Nakapagitan ang isa sa aking hita sa kanyang mga hita; diin na diin ang aking kanyang burat sa akin. Ramdam ko ang laki ng bahagi ng hita ko na dinidikitan ng burat nya. Ang laki, ang lapad. Halos abot na ito sa buto ko sa bewang ko. Madalas sa mga ganitong pagkakataon ay tigas-titi agad ako. Pero parang hindi lang libog ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya.

Alvin: Kuya Lando...

Yun lang ang kaya ko sabihin ng pagkakataon na yun. Napahinga ako ng malalim sa kanyang mga leeg.

Kuya Lando: Alvin. A-a-ayos ka lang ba dyan?

Napansin ko na yuyukuin sana ako ng tingin ni Kuya Lando pero medyo dumampi ang labi ko sa ibabaw ng kanya baba. Tumingin lamang sya ng direcho ulit.

Alvin: Kuya...

May hangin sa bawat salita na binibigkas ko. Gusto ko sa mismong tenga nya magsalita, tawagin sya at yayain sya. Naramdaman ko gumalaw ang kanyang mga hita, at unti-unti lumuwag sa pagkakayakap.

Kuya Lando: Sandali. Huwag mo tatatanggaling ang pagkakayakap mo agad. Alin ang masakit, yung kanan o yun kaliwa?

Alvin: Tingin ko kaya ko na. Alalayan mo na lang ako, kakandirit na lang ako. Balik na lang tayo kila ama.

Kuya Lando: E kung pagkandirit mo dyan sakto sa bato? Mas lalo ka madidisgrasya. Ihahatid kita sa bahay mo. Kaliwa o kanan?

Alvin: Dahan-dahan naman yung lakad.

Kuya Lando: Ang tigas ng ulo mo.

Tinanggal nya ang pagkakayakap nya sa akin. Habang nakayakap pa din ako sa kanya ay nilayo nya ng bahagya ang kanyang katawan at yumuko. Bigla ay inilagay nya ang kanyang kanang braso sa likod ng aking tuhod at ang kanyang kaliwang braso sa itaas na bahagi ng aking likod. Alam ko ang ayos na yun.

Alvin: Kuya 'wag. Mabigat ako!

Wala na ako nadinig sa kanya. Mula sa aking pagkakatayo ay binuhat nya ako na parang bata; sapo-sapo sa kanyang mga braso. Hindi ko tinangkang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg dahil sigurado ako na madidisgrasya kami. Wala akong magawa kundi ang humilig na lamang sa kanyang mga balikat. Naramdaman ko na naglalakad na sya; habang karga ako. 

Alvin: Kuya.. Lando...

Nahihiya ako na naiinis sa kanya. Ang helpless ko sa sitwasyon at ang martir nya. Alam ko na nahihirapan sya dahil nag-iba ang kanyang paghinga.

Alvin: Tigil mo muna.

Patuloy lang sya sa paglakad. Nararamdaman ko ang tensyon sa kanyang mga balikat. Yung pagod at bigat ko. Dumadaloy ang pawis sa kanyang mga leeg.

Alvin: Lando! Anu ba. Inuutusan kita.

Kuya Lando: Mamaya mo na ako utusan. Kita mo nang importante itong ginagawa ko. Mamaya pagdating mo sa bahay mo, utusan mo ako ng utusan! Kung ano gusto mo iutos gagawin ko!

Nagtaas sya ng boses habang patuloy sa paglakad. Alam ko mahirap para sa kanya iyon dahil hinahabol nya na ang paghinga nya sa pagbuhat sa akin. Iniipon at tinitipid nya ang lakas nya para buhatin ako. Lumalakas ang tibok ng kanyang dibdib.

Alvin: Sorry.

Kuya Lando: Malapit na tayo.

Patuloy syang naglalakad. Unti-unti ay nag-iiba na ang liwanag sa aming daanan. Alam kong malapit na kami at alam kong mag-iiba na ang lalakaran.

Alvin: Kuya Lando. Nakikiusap ako, ibaba mo na ako sa huling poste ng ilaw bago ang bahay. Mabato yung daanan. Baka madisgraysa tayo sa lagay natin. 

Bumagal ang paglakad ni kuya. Natanaw ko na ang poste ng ilaw sa labas ng hardin. Ilang lakad nya pa ay aabot na kami sa poste. Tinungo nya ang ilalim nito. Tumigil sya. Naintindihan nya yung sinabi ko. Unti-unti syang yumuko para makaapak ako sa daanan. Pag-apak ko ay dahan-dahan syang tumayo ng tuwid habang patuloy pa din akong inaalalayan. Pawis na ang Kuya Lando.

Kuya Lando: Huwag kang bibitaw. Humawak ka lang sa balikat ko at baka mabuwal ka.

Ganoon nga ang ginawa ko; sya nakatayo ng tuwid habang ako ay nakahawak sa kanyang balikat. Isinandal nya ang kanyang kabilang kamay sa poste habang nakatingin lang ng diretso sa bahay. Pawisan ni kuya mula sa kanyang ulo at leeg. Mabilis ang kanyang paghinga. At dikit ang damit sa kanyang dibdib dala ng pawis. Medyo nanginginig ang kanyang mga braso at balikat.

Alvin: Pawis na pawis ka.

Hindi ko alam kung kaninong malanding espiritu ang sumapi sa akin. Pinunasan ko ng aking mga kamay ang mga pawis sa noo ni Kuya Lando para hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Ganun din ang mga pawis sa gilid ng kanyang mga mukha. Napatingin sya bigla sa akin. Tinulak ng kanyang kamay ang sa akin ng pababa.

Kuya Lando: Ako na.

Ipinunas nya ang pawis ng kanyang mukha sa magkabilang manggas at ang kwelyo sa pawis nya sa leeg. Basang-basa na ng pawis ang kanyang t-shirt. Kawawa naman si Kuya Lando. Pero sa kabilang banda, ang sexy nya sa itsura nya. Nakatayo habang ang isang kamay ay nakahawak sa poste. Pawisan. Hubog na hubog ang katawan sa damit; malalaking dibdib, at bilugan mga balikat. Macho. Matangkad, kayumanggi, at gwapo. Ano pa ba ang hahanapin mo sa kanya? Ang hindi na lang kumpirmado ay ang laki ng kargada at kakayahan nya sa kama. Pero sa lakas at tatag nya, malamang kesa hindi, tirik na ang araw tirik pa din ang burat nya! At tirik din ang mga mata sa ligaya na kanyang idudulot. Pamatay na sarap! Hehehe. Sarap nya hagurin ng tingin mula ulo hanggang paa. Pero teka...

Alvin: Asan ang tsinelas mo?

Kuya Lando: Alalayan kita. Dahan-dahan lang at kumapit ka lang sa akin.

Alvin: Tinatanong kita. Bakit ka nakaapak.

Kuya Lando: Kelangan natin matingnan agad 'yan.

Alvin: Huwag mo ibahin ang pinag-uusapan natin!

Kuya Lando: Iniwan ko kanina nang binuhat kita. Kuntento ka na ba?

Alvin: Napaka-adelantado mo sumagot! Bastos!

Nakalimutan ko agad ang kabutihan at pagsisikap nya kanina. Sa inis ko ay bumitiw ako sa kanya na may halong pagtulak sa kanya. Tinalikuran ko sya para magsimulang maglakad kahit papaano ngunit hinawakan nya agad ako sa aking braso.

Kuya Lando: Mahirap ba intindihin na mas importante ka? Ang hirap mo pagsilbihan.

Natunaw man ang puso ko sa sinabi nya, pride na lang na ayokong ipakitang nadadala ang damdamin ko sa kanya. Kinalas ko ang pagkakahawak nya sa aking braso.

Alvin: Hindi ako nagpapa-importante at lalong hindi ko hiningi na pagsilbihan mo ako.

Nagsimula na akong maglakad nang biglang naramdaman ko muli ang braso nya sa likod ng tuhod ko at ang isa pa sa aking likod sa bandang taas. Tulad ng kanina. Sa bilis ng pangyayari ay karga nya na agad ako at naglalakad na sya mabatong daanan papunta sa bahay.

Alvin: Kuya! Anu ba kuya! Baka masugatan ka! Nasasaktan ka!

Alam ko sa mga biglaan at pailan-ilan na ika nya habang mabilis na naglalakad ay nasasaktan sya sa matutulis na bato. Napakabilis namin na nakarating sa terasa bago ang pinto ng bahay. Gulat ako sa ginawa nya kaya't natulala ako. Ibinaba nya ulit ako ng dahan-dahan nang makarating na kami sa may terasa, pero tulala pa din ako. "Bakit?" Iyan ang tanong na naglalaro sa isipan ko. Bakit nya ginagawa ng sobra ito? Bakit nya pinapahirapan ang sarili nya para sa akin? Hinarap ko sya ng dahan-dahan, tinitigan, tulala lamang sa kanyang mukha. Kita ko ang pagod at kahit ang sakit na pilit nya itinatago. Hindi ko alam kung sa naiinis ako sa kanya o sa sobrang nag-aalala. Nasasaktan ba ako dahil sa hindi namin pagkakasundo o dahil nasasaktan ako para sa kanya. Nangingilid na ang luha sa aking mata.

Alvin: Umalis ka na.

Kuya Lando: Alvin... Sorry.

Alvin: Umalis ka.

Kuya Lando: Sorry talaga Alvin...

Alvin: Umalis ka na Lando! Hindi kita kailangan dito! Alis!!!!

Sinisigawan ko na siyang umalis, pero nandun lamang sya.

Kuya Lando: Hindi ako aalis. Dito lang ako. 


No comments:

Post a Comment