2014-06-26

Araro ni Kuya Lando [07]


--- Anong katarantaduhan ang mga nangyayari na ito?!

Iyan ang malaking tanong na tumatakbo sa isip ko habang nakaupo ako sa isa sa mga bangko sa terasa at tinitingnan si Kuya Lando na naghuhugas ng paa sa pinakamalapit na gripo.

Alvin: Eto susi. Pagpasok mo, malapit sa nag-iisang pinto sa kaliwa. May nakasabit na first aid kit.

Mabilis lamang at dala na ni Kuya Lando ang first aid kit. Pumwesto sya sa aking paahan at tiningnan ang aking kanang paa. Ipinatong nya ito sa kanyang hita. Minasahe ng konti at pinisil ang ilan bahagi ng aking bukung-bukong. Masakit sa una ngunit nakakaramdam ako ng ginhawa. Minasahe nya din ng bahagya ang aking talampakan at binti. Magaan ang kamay ng kuya na hindi ordinaryo sa isang sanay sa mabibigat na trabahong bukid. Gayunman, ramdam na ramdam ko ang gaspang at tigas ng balat  ng kamay ni kuya. Kahit mga daliri nya ay may kalyo. Kinuha nya ang ang benda at binalot ang aking bukung-bukong. Napansin nya na may compress pala sa loob ng first aid kit.

Kuya Lando: Kukuha lang ako ng yelo sa bahay ng amang.

Alvin: Huwag na. Meron ako dyan. Sa ref sa may bar sa ilalim ng hagdan.

Dahan-dahan nya ibinaba ang aking paa. Kinuha nya ang compress at nagtangkang tumungo uli sa loob ng bahay. Hinawakan ko sya ng mahigpit sa braso.

Alvin: Sandali. Kanina ka pa. Pwedeng ako naman. Umupo ka.

Bumalik sya sa pagkakaupo. Ipinatong ko sa coffee table malapit sa aking ang first aid kit.

Alvin: Akin na iyang paa mo. Kanan muna. Hindi lang ikaw ang marunong sa first aid. Kaya nga meron ako sa bahay.

Nag-aalangan man ay sumunod sya.

Alvin: Ipatong mo sa sa akin. Sumandal ka sa pagkakaupo para hindi tayo mahirapan pareho.

Nilinis ko ang mga sugat nya sa paa at sinigurong walang mga naiwan na matutulis sa ilalim ng balat nya. Makalyo ang talampakan ni kuya. Malaki ang naitulong nito para hindi masyado masugatan ang kanyang paa. Siguro kung ako yun, hindi lang ganito ang inabot ko na mga sugat. Tapos nakadagdag pa ang bigat ko sa paglalakad nya kanina. Parang barko ang paa ni kuya. Malaki at mabigat. Siguro ay nasa size 12 o mahigit pa. Ang bigat ng kanyang paa ay nadagdagan pa ng bigat ng kanyang binti. Kahit relaxed ang kanyang binti ay kita mo ang hugis ng mga muscles nya. Tininginan ko ang kanyang mga binti paakyat sa malaki nyang tuhod, patungo sa mala-troso na hita nya. Minasahe ko ng kaunti ang kanyang binti at hinagod hanggang hita. Marunong ako magmasahe ng kaunti at alam ko na ang pagitan ng buto at muscles sa binti ang isa sa mga pinaka-masarap na minamasahe. Hinagod ko ang muscles nya sa binti mula sa likod ng taas-baba. Alam ko na nagustuhan ito ni kuya dahil napapikit sya at napa-relax sa kanyang pagkakasandal.

Alvin: Yung kaliwa naman.

Minulat nya ang mata nya at pinagpalit ang kanyang mga paa na nakapatong sa akin. May ilang maliliit na kahoy na nakatusok sa itaas at gilid ng kaliwang paa ni kuya. 'Flesh wound' lang, pero alam ko na ramdam nya ito. Sinimulan ko muna tanggalin ang mga ito. Sa pagsilip ko sa kanya, napapangiwi ng bahagya si kuya habang nakatingin sa ginagawa ko sa paa nya.

Alvin: Bakit mo ako inaaway kaninang hapon sa kubo?

Tinigil ko ng bahagya ang ginagawa ko at tiningnan sya. Nakatingin na sya sa akin. Blanko na parang nawawala ang kanyang reaksyon. Hindi sya nagsasalita. Binalikan ko ang ginagawa ko. Medyo pinisil ko ang ilan bahagi na may sugat at binuhusan ng alcohol.

Kuya Lando: Aahh.

Hinipan ko at pinunasan ang sugat. Tiningnan ko sya. Nakuha nya ang kalokohan na tumatakbo sa isip ko.

Kuya Lando: Hindi kita inaway. Ikaw ang unang nagtaas ng boses sa akin.

Alvin: Eh kasi sinabi mo na ayusin ko kung ayaw ko na ano?

Kuya Lando: Hindi mo ako pinatapos. Nagtaas ka agad ng boses. Kung ayaw mo mabasa. Tapos galit na galit ka na agad na parang gusto mo ako tadyakan palabas ng kubo.

--- pahiya #1

Alvin: Pati yung paghawak ko pinansin mo.

Kuya Lando: Alin? Iyung paghawak mo sa kamay ko? Yun ba? Nakakahiya, ang lambot ng mga kamay mo sa akin puro dumi at magaspang pa.

Alvin: E paano, ayaw mo bitawan yung baso!

Kuya Lando: Maputik na yung labas ng baso dahil sa pawis ng tubig at yung dumi ng kamay ko. Anu ba naman yung tulungan kita uminom?

--- pahiya back-to-back #2

Alvin: Pinilit mo kse ako uminom! Sinabi mo na magagalit ka kapag hindi ako uminom? Sige nga!

Kuya Lando: Sus? Yun ba?! Hayaan mo, hindi na kita lalambingin. Iniisip ko lang na nauuhaw ka, pwede ka naman humindi. Ako? Magagalit? Anong dahilan? May ginawa ka ba? Ikaw ang nagalit ng walang dahilan.

--- ay wow. grand slam. pahiya #3

Kuya Lando: Pakiramdam ko sa iyo parang inis na inis ka sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Kanina ko pa iniisip yan kung ano yung mali na nagawa ko. Yung hinawakan ka, yung lumapit ako. Baka mali o ayaw mo. Baka sobrang baho ko. Hindi ko lang masabi ng diretso sa ama mo na nanliliit ako sa iyo. Pero naisip ko lang na baka kung susunod ako sa gusto nya e makabawi ako sa iyo.

--- bakit ba ang tagal bumuka ng lupa para kainin ako?

Alvin: Sorry...

Mahina ko nasabi.

Kuya Lando: Ano yun?

Alvin. Sabi ko 'Sorry.'

Kuya Lando: Hindi ko madinig eh.

Alvin: Alam ko nadinig mo. Huwag ka abusado.

Sabay pinisil ko ulit ang mga sugat nya.

Kuya Lando: Aray! Aray! Wag po. Hind ka na mabiro.

Natawa na lamang ako sa kanya at nakita ko na naman ang matipid nya na ngiti. Tinapos ko na linisin ang mga sugat nya at binigyan din ng masahe ang kanyang kaliwang binti. Nag-relax ulit sya sa pagkakasandal at ipinikit ang kanyang mga mata. Natutuwa akong tingnan ng ganito si Kuya Lando lalo na at nalinaw na namin ang mga nangyari.

Alvin: Kuya, basang-basa ng pawis yang t-shirt mo. Tanggalin mo na muna.

Tumingin lamang sya sa akin. Napatigil ako. Sa kanyang pagkakaupo ay tinanggal nya ang t-shirt nya. Pinunas nya ito sa kanyang mukha pati sa katawan nya. Ipinatong nya ito sa sandalan ng isa sa mga bakanteng upuan. Walang arte, walang salita, at wala na din pantaas si Kuya Lando. At para bang sa sinasadyang pagkakataon, nag-relax sya sa pagkakasandal at ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Nakaramdam ako ang pagbilis ng tibok ng puso ko at uminit ang aking pakiramdam. Natataranta ako. Nalilibugan ako. Natataranta ako sa libog ko.


Ang laki ng katawan ni Kuya Lando! Ang init nya pagmasdan. Ang kanyang mga bilog na balikat ang nagsimulang magyabang sa porma papunta sa kabuuan ng kanyang braso. Ang mga muscles sa kanyang mga braso ay kurbang-kurba sa pagkakataas nya dito. Halos walang buhok sa kili-kili ang kuya. Lalong lumapad ang kanyang katawan dahil sa kanyang mga muscles sa likod. Kahit may tiyan sya ng kaunti ay hugis pa din ang kanyang mga abs. Ang nipis ng kanyang pusod. Buong-buo ang korte kanyang dibdib. At ano ito?! Gumagalaw ang dibdib nya na parang tinatambol! Para bang nang-eenganyo pa na hawakan ito! Ang sarap saluhin ng kanyang mga dibdib. Laruin taas-baba, sampal-sampalin. Tayong-tayo ang kanyang mga utong na napakasarap kurutin! Mga dede na parang hindi makapaghintay na dilaan, na susuhin, na paulit-ulit na laruin ng dila at mga labi. Parang hindi ko yata kaya na hindi igapos ang kuya at hindi pagsamantalahan.

Medyo inilayo ko ang kanyang paa sa akin at baka tumama sa ngayon ay tigas na tigas ko na na ari. Ginanahan akong i-masahe sya. Gusto ko syang makitang nasasarapan sa kanyang ayos. Muli ko ibinaling ang pagmasahe sa kanyang binti habang nakatitig lamang ako sa kanyang hubad na katawan. Unti-unti ko hinagod ang kanyang mga muscles, at bahagya ko nilakasan ang diin ng aking mga kamay para mas swabe at maramdaman nya ang pagdaloy ng dugo sa kanyang laman..

Kuya Lando: Uhmm...

Habang humahagod pababa ang aking kanang kamay ay sumunod agad ang aking kaliwa sa parehong daloy. Para maramdaman nya ng mahaba ang kakaibang ginhawa sa mga muscles ng masahe.

Kuya Lando: Hah...

Parang nilalabasan ang mga munting halinghing ni kuya sa aking pandinig. Nakakalibog ang Kuya Lando. Parang gusto ko idikit ang aking katawan kahit man lang sa kanyang paa. Gusto ko hagurin ang kanyang binti paakyat sa hita para kapain ang bayag sa ilalim ng kanyang short. Gusto ko sya tigasan at maramdaman ang laki nito. Gusto ko diinan ang kanyang abs, at haplusin ang kanyang dibdib at mga balikat. Gusto ko hagurin ang kanyang buhok. Gusto ko dilaan ang kanyang leeg paakyat sa kanyang mga tenga. Gusto ko matikman ang kanyang mapupulang labi. Gusto ko hawakan nya ako; yakapin ng mahigpit, buhatin at ipatong sa kanya, haplusin sa likod paakyat sa ulo, dilaan ang dibdib ko, tawagin ang aking pangalan...

Gusto ko... Gusto ko! Gusto ko makipag-sex kay Kuya Lando!

Patuloy ko lang syang minasahe na may halong pagnanasa at kumukulong libog. Napansin ko na parang umuunat ang kanyang mga daliri sa paa at ang kanyang mga utong ay parang naninigas; mas lalong tumatayo. Hindi kaya nalilibugan sya sa sobrang sarap ng masahe? Napatigil ako. Idinilat nya na ang kanyang mga mata.

Kuya Lando: Ah. Pasensya na. Ngayon lang ako nakaranas ng ganyang masahe. Ang galing mo.


2014-06-24

Araro ni Kuya Lando [06]


Natapos ang hapunan kila ama. Natuloy sa pribadong usapan. Malalim na ang gabi. Pero parang nagsisimula pa lamang ang gabi sa akin. Hindi na ako nakipagtalo at hindi man lang nagtangka na humindi.

Kuya Lando: Amang, tutuloy na ho kami.

Alvin: Ama.

Ama: Sige.

Nagsimula na kami ni Kuya Lando maglakad papunta sa aking bahay para ihatid nya. Nang umabot kami sa poste ng ilaw ay lumingon ako patalikod habang patuloy na naglalakad, umaasang nakatanaw pa din ang ama pero ang nakita ko lamang ay ang sarado na na pinto. Ang laki ng tiwala ng ama para hindi man lang ako ihatid ng tanaw. Dati ay ako pa ang nagsasabi sa kanya at sumesenyas na 'Ok' na ako at pumasok na sya.

Alvin: Ay putek!

Dapat talaga tinitingnan ko ang nilalakaran ko lalo na kapag madilim. Nakakalimutan ko na may pagka flat-footed ako. Bigla ako napatingin sa harap agad sa pagkakatisod.

Kuya Lando: Oops!

Yumakap ang isang braso ni Kuya Lando mula sa aking dibdib papunta sa likod at ang naging reaksyon ng aking kamay ay yumakap din sa kanya para hanapin ang balanse at iwasan tuluyan bumagsak. Tumama ang ulo ko sa dibdib ni kuya habang nakasukbit ang aking kanang kamay sa kanyang batok at balikat.

Alvin: Ang bango mo kuya...

Kuya Lando: Hah?

Naloko na. Nawala ako sa sarili at nakalimutan na ang pagkakatisod. Pero ang bango talaga ng dibdib ni kuya. Flat lamang ang amoy ng t-shirt nya, amoy malinis pero hindi amoy bareta. At ang manipis nyang pawis amoy sabon panlalake na nahaluan ng singaw ng alak. Tama na. Kalokohan ito. Ikapapahamak ko ito. Isa pa nasa may ilawan kami at baka may makakita. Kung ano pa ang isipin. Tinanggal ko ang pagkakayakap ko kay kuya at bahagya sya itinulak palayo. Pinilit ko na i-apak ng maayos para makatayo ng tuwid.

Alvin: AH. Arg!!

Ang sakit ng bukong-bukong ko! Na-twist yata sa pagkakatisod at pag-ikot ko sa pagtayo. Dadausdos ako pababa sa daanan.

Kuya Lando: Alvin!

Muli ay niyakap ako ni Kuya Lando, pero ginamit nya ang pareho nyang braso at nagmula sya sa bewang sa likod.

Kuya Lando: Alvin, dumudulas ka. Ilagay mo yung mga braso mo sa leeg ko.

Alvin: Hah?!

Kuya Lando: Yumakap ka sa akin!

Medyo napataas na ang boses ni kuya at naramdaman ko na medyo nawawalan na din sya ng balanse. Ayoko naman madisgrasya kami ng sobra kaya wala ng inisip pa ay yumakap ako sa leeg ni Kuya Lando. Matapos ang ilang galaw ng mga hita at paa ni kuya ay nahanap nya na din ang balanse namin. Humigpit ang yakap nya sa akin para siguraduhin ang aming posisyon. Hindi kami gumagalaw. Nasa ganun ayus kami; si Kuya Lando yakap ako mula sa bewang at ako yakap sya mula sa leeg. Sa higpit ng kanyang yakap sa akin ay lapat na lapat ako sa kanya. Nakapahinga ang ulo ko sa pagitan ng kanyang dibdib at balikat, habang nakatingala sa direksyon ng kanyang leeg. Naramdaman ako ang bawa't tibok ng puso ni Kuya Lando; malakas pero normal ang ritmo. Kalmado ang dibdib nya. Tagos na tagos ang init ng katawan nya sa kanyang damit at kahit pa sa damit ko. Dala siguro ng alak na ininom nya. Naamoy ko lalo ang kanyang pawis; malinis na lalakeng-lalake. Kakaiba ang amoy nya sa malapitan; para ba may halong tamis. Nakapagitan ang isa sa aking hita sa kanyang mga hita; diin na diin ang aking kanyang burat sa akin. Ramdam ko ang laki ng bahagi ng hita ko na dinidikitan ng burat nya. Ang laki, ang lapad. Halos abot na ito sa buto ko sa bewang ko. Madalas sa mga ganitong pagkakataon ay tigas-titi agad ako. Pero parang hindi lang libog ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya.

Alvin: Kuya Lando...

Yun lang ang kaya ko sabihin ng pagkakataon na yun. Napahinga ako ng malalim sa kanyang mga leeg.

Kuya Lando: Alvin. A-a-ayos ka lang ba dyan?

Napansin ko na yuyukuin sana ako ng tingin ni Kuya Lando pero medyo dumampi ang labi ko sa ibabaw ng kanya baba. Tumingin lamang sya ng direcho ulit.

Alvin: Kuya...

May hangin sa bawat salita na binibigkas ko. Gusto ko sa mismong tenga nya magsalita, tawagin sya at yayain sya. Naramdaman ko gumalaw ang kanyang mga hita, at unti-unti lumuwag sa pagkakayakap.

Kuya Lando: Sandali. Huwag mo tatatanggaling ang pagkakayakap mo agad. Alin ang masakit, yung kanan o yun kaliwa?

Alvin: Tingin ko kaya ko na. Alalayan mo na lang ako, kakandirit na lang ako. Balik na lang tayo kila ama.

Kuya Lando: E kung pagkandirit mo dyan sakto sa bato? Mas lalo ka madidisgrasya. Ihahatid kita sa bahay mo. Kaliwa o kanan?

Alvin: Dahan-dahan naman yung lakad.

Kuya Lando: Ang tigas ng ulo mo.

Tinanggal nya ang pagkakayakap nya sa akin. Habang nakayakap pa din ako sa kanya ay nilayo nya ng bahagya ang kanyang katawan at yumuko. Bigla ay inilagay nya ang kanyang kanang braso sa likod ng aking tuhod at ang kanyang kaliwang braso sa itaas na bahagi ng aking likod. Alam ko ang ayos na yun.

Alvin: Kuya 'wag. Mabigat ako!

Wala na ako nadinig sa kanya. Mula sa aking pagkakatayo ay binuhat nya ako na parang bata; sapo-sapo sa kanyang mga braso. Hindi ko tinangkang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg dahil sigurado ako na madidisgrasya kami. Wala akong magawa kundi ang humilig na lamang sa kanyang mga balikat. Naramdaman ko na naglalakad na sya; habang karga ako. 

Alvin: Kuya.. Lando...

Nahihiya ako na naiinis sa kanya. Ang helpless ko sa sitwasyon at ang martir nya. Alam ko na nahihirapan sya dahil nag-iba ang kanyang paghinga.

Alvin: Tigil mo muna.

Patuloy lang sya sa paglakad. Nararamdaman ko ang tensyon sa kanyang mga balikat. Yung pagod at bigat ko. Dumadaloy ang pawis sa kanyang mga leeg.

Alvin: Lando! Anu ba. Inuutusan kita.

Kuya Lando: Mamaya mo na ako utusan. Kita mo nang importante itong ginagawa ko. Mamaya pagdating mo sa bahay mo, utusan mo ako ng utusan! Kung ano gusto mo iutos gagawin ko!

Nagtaas sya ng boses habang patuloy sa paglakad. Alam ko mahirap para sa kanya iyon dahil hinahabol nya na ang paghinga nya sa pagbuhat sa akin. Iniipon at tinitipid nya ang lakas nya para buhatin ako. Lumalakas ang tibok ng kanyang dibdib.

Alvin: Sorry.

Kuya Lando: Malapit na tayo.

Patuloy syang naglalakad. Unti-unti ay nag-iiba na ang liwanag sa aming daanan. Alam kong malapit na kami at alam kong mag-iiba na ang lalakaran.

Alvin: Kuya Lando. Nakikiusap ako, ibaba mo na ako sa huling poste ng ilaw bago ang bahay. Mabato yung daanan. Baka madisgraysa tayo sa lagay natin. 

Bumagal ang paglakad ni kuya. Natanaw ko na ang poste ng ilaw sa labas ng hardin. Ilang lakad nya pa ay aabot na kami sa poste. Tinungo nya ang ilalim nito. Tumigil sya. Naintindihan nya yung sinabi ko. Unti-unti syang yumuko para makaapak ako sa daanan. Pag-apak ko ay dahan-dahan syang tumayo ng tuwid habang patuloy pa din akong inaalalayan. Pawis na ang Kuya Lando.

Kuya Lando: Huwag kang bibitaw. Humawak ka lang sa balikat ko at baka mabuwal ka.

Ganoon nga ang ginawa ko; sya nakatayo ng tuwid habang ako ay nakahawak sa kanyang balikat. Isinandal nya ang kanyang kabilang kamay sa poste habang nakatingin lang ng diretso sa bahay. Pawisan ni kuya mula sa kanyang ulo at leeg. Mabilis ang kanyang paghinga. At dikit ang damit sa kanyang dibdib dala ng pawis. Medyo nanginginig ang kanyang mga braso at balikat.

Alvin: Pawis na pawis ka.

Hindi ko alam kung kaninong malanding espiritu ang sumapi sa akin. Pinunasan ko ng aking mga kamay ang mga pawis sa noo ni Kuya Lando para hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Ganun din ang mga pawis sa gilid ng kanyang mga mukha. Napatingin sya bigla sa akin. Tinulak ng kanyang kamay ang sa akin ng pababa.

Kuya Lando: Ako na.

Ipinunas nya ang pawis ng kanyang mukha sa magkabilang manggas at ang kwelyo sa pawis nya sa leeg. Basang-basa na ng pawis ang kanyang t-shirt. Kawawa naman si Kuya Lando. Pero sa kabilang banda, ang sexy nya sa itsura nya. Nakatayo habang ang isang kamay ay nakahawak sa poste. Pawisan. Hubog na hubog ang katawan sa damit; malalaking dibdib, at bilugan mga balikat. Macho. Matangkad, kayumanggi, at gwapo. Ano pa ba ang hahanapin mo sa kanya? Ang hindi na lang kumpirmado ay ang laki ng kargada at kakayahan nya sa kama. Pero sa lakas at tatag nya, malamang kesa hindi, tirik na ang araw tirik pa din ang burat nya! At tirik din ang mga mata sa ligaya na kanyang idudulot. Pamatay na sarap! Hehehe. Sarap nya hagurin ng tingin mula ulo hanggang paa. Pero teka...

Alvin: Asan ang tsinelas mo?

Kuya Lando: Alalayan kita. Dahan-dahan lang at kumapit ka lang sa akin.

Alvin: Tinatanong kita. Bakit ka nakaapak.

Kuya Lando: Kelangan natin matingnan agad 'yan.

Alvin: Huwag mo ibahin ang pinag-uusapan natin!

Kuya Lando: Iniwan ko kanina nang binuhat kita. Kuntento ka na ba?

Alvin: Napaka-adelantado mo sumagot! Bastos!

Nakalimutan ko agad ang kabutihan at pagsisikap nya kanina. Sa inis ko ay bumitiw ako sa kanya na may halong pagtulak sa kanya. Tinalikuran ko sya para magsimulang maglakad kahit papaano ngunit hinawakan nya agad ako sa aking braso.

Kuya Lando: Mahirap ba intindihin na mas importante ka? Ang hirap mo pagsilbihan.

Natunaw man ang puso ko sa sinabi nya, pride na lang na ayokong ipakitang nadadala ang damdamin ko sa kanya. Kinalas ko ang pagkakahawak nya sa aking braso.

Alvin: Hindi ako nagpapa-importante at lalong hindi ko hiningi na pagsilbihan mo ako.

Nagsimula na akong maglakad nang biglang naramdaman ko muli ang braso nya sa likod ng tuhod ko at ang isa pa sa aking likod sa bandang taas. Tulad ng kanina. Sa bilis ng pangyayari ay karga nya na agad ako at naglalakad na sya mabatong daanan papunta sa bahay.

Alvin: Kuya! Anu ba kuya! Baka masugatan ka! Nasasaktan ka!

Alam ko sa mga biglaan at pailan-ilan na ika nya habang mabilis na naglalakad ay nasasaktan sya sa matutulis na bato. Napakabilis namin na nakarating sa terasa bago ang pinto ng bahay. Gulat ako sa ginawa nya kaya't natulala ako. Ibinaba nya ulit ako ng dahan-dahan nang makarating na kami sa may terasa, pero tulala pa din ako. "Bakit?" Iyan ang tanong na naglalaro sa isipan ko. Bakit nya ginagawa ng sobra ito? Bakit nya pinapahirapan ang sarili nya para sa akin? Hinarap ko sya ng dahan-dahan, tinitigan, tulala lamang sa kanyang mukha. Kita ko ang pagod at kahit ang sakit na pilit nya itinatago. Hindi ko alam kung sa naiinis ako sa kanya o sa sobrang nag-aalala. Nasasaktan ba ako dahil sa hindi namin pagkakasundo o dahil nasasaktan ako para sa kanya. Nangingilid na ang luha sa aking mata.

Alvin: Umalis ka na.

Kuya Lando: Alvin... Sorry.

Alvin: Umalis ka.

Kuya Lando: Sorry talaga Alvin...

Alvin: Umalis ka na Lando! Hindi kita kailangan dito! Alis!!!!

Sinisigawan ko na siyang umalis, pero nandun lamang sya.

Kuya Lando: Hindi ako aalis. Dito lang ako. 


Araro ni Kuya Lando [05]


Kuya Lando: Ayos ka lang ba Alvin?

Alvin: Ayos lang ako.

Ama: O kayo, upo na din. Sabay-sabay na.

Kinilala ng mga kasambahay ang utos ng ama at isa-isa na din sila umupo. Nagsimula na ang hapunan. Nag-angatan na ang mga babasagin at nag-abutan ito sa mga kamay namin. Lahat ay inuna ang para kay ama bilang nasa kabisera at pagkilala sa kanya bilang punong-ama. Magagaan ang mga usapan sa hapag-kainan. Sumusulyap-sulyap ako sa kumakain na Kuya Lando. Madalas ay bahagyang nakayuko lamang sya habang kumakain ng tahimik.

Alvin: Kain pa.

Umangat sya ng tingin patungo sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakasuklay ng maayos ang kanyang buhok na medyo basa pa. Halatang bagong ligo si Kuya Lando. Preskong-presko ang kanyang itsura kumpara sa pawisan nyang lagay nang una kami magkita. Ang bango nya tingnan. Ang linis nya tingnan sa manipis nya na kamisa. Hindi ko maiwasan lalong humanga sa kakisigan at kagwapuhan nya. Kumukurba ang kanyang damit sa mga bilugan nyang balikat habang namumutok ang kanyang mga biceps at triceps sa manggas. Kita mo ang cleavage sa kanyang mga malalapad na dibdib. Hindi pang body-building contest ang katawan nya pero masasabi ko na matitigas ang mga ito dahil sabak sya sa trabahong-bukid. Napansin nya yata na tinitingnan ko syang maigi kaya't dumirecho sya ng upo. Parang ipinagmalaki nya pa lalo ang kanyang pangangatawan sa akin. Sa nipis ng kanyang kamisa ay halos kitang kita ko na ang kulay at kabuuan ng kanyang utong. Kung kayumangging-kaligatan ang balat ng Kuya Lando, ang kanyang mga utong ay higit pa ang pagkakakulay sa tsokolate. Humuhulma sa ka-machohan nya ang kanyang suot na kamisa. Higit na katakam-takam ang kuya kesa sa hapunan namin.

Ama: Si Kuya Lando mo, anak sya ng Tiya Minda mo. Kilala mo naman sya hindi ba?

Alvin: Po? Opo...

Ama: Pinsan buo sya ng iyong ina kaya kayo e magpinsan kamakalawa na.

Alvin: Ngayon ko lang sya nakita.

Ama: Kung lumalabas ka dito sa atin at nakikisalamuha sa iba, baka nagkakilala na kayo noon pa. Panay ang kulong mo sa bahay kapag nandito ka. Minsan, pumasyal-pasyal ka at nang maging pamilyar ka. Magpasama ka sa kuya mo.

Alvin: Huwag na po.

Ama: 'Wag na? E paano mo sisimulan kausapain ang mga tao? Paano mo lalapitan aber? Alam mo kung saan ka pupunta?

Alvin: Ako na po bahala. Ayoko din makaabala.

Kuya Lando: Okay lang sa akin.

Ama: Nagkausap na kami kanina ng kuya mo habang nag-aantay sa iyo dito. Patapos na din ang mga gawain nya sa bukid kaya sa mga darating na araw ay sasamahan ka nya para mas maging pamilyar ka dito. At para din makilala mo pa ang iba mo kamag-anak. Malinaw ba?

Alvin: Wala na po ba iba na pwede?

Kuya Lando: Amang, pasensya na ho. Pwede ko naman ho sya ihabilin sa iba nya pa na pinsan. Baka lang ho ayaw nya sa akin. Wala naman ho problema. Pasensya ka na Alvin ha.

Ama: Lando, sandali. Anak, nandito na ang Kuya Lando mo. Kinausap ko na dahil alam ko na pamilyar sya sa palakad sa nasasakupan at hindi natin nasasakupan. Kilala nya ang mga tao lalo pa ang mga kamag-anak mo. Isa pa, sigurado ako na hindi ka nya pababayaan.

Alvin: Sana sinabi nyo muna agad sa akin.

Kuya Lando: Amang, nasabi ko na ho sa inyo kanina. Nahihiya din ako kay Alvin.

Ama: Alvin! Ano ba ang problema?! Sabihin mo sa akin kung meron at kung ano. Napapahiya sa iyo ang kuya mo. Lando, nasabi ko na din kanina ang ugali ng pinsan mo. Etong usapan na ito ay pabor na hinihingi ko sa Kuya Lando mo. Walang tatagal sa iyo kung lagi ka ganyan, gusto mo paraan mo. Matuto ka makisama at magpakumbaba!

Kuya Lando: Huwag nyo na po sya pagalitan, amang. Iniisip nya lang yung alam nya na mas tama at mas makabubuti sa kanya.

Ama: Kita mo na! Ngayon pa lang pinagpapasensyahan ka na, iniintindi ka. Sige! Kung meron ka dyan na pwede na ibang tao, iharap mo sa akin at papayagan kita masunod ang gusto mo! Puro ka kapritsohan kahit sa maliit na bagay, pati sa mga tao.

Hindi ko alam kung ginagago ako lalo nitong si Kuya Lando. Parang santo sa harap ng ama! Parang gusto ko na nga din maniwala na totoo ang kanyang pagmamalasakit. Pero kapag naaalala ko yung baso kanina, parang gusto ko syang sampalin at bayagan... tapos siguro halikan.

Alvin: Sorry ama.. sige na po. Payag na ako.

-- Payag ako basta may kasamang romansa. Kung hindi, lalatigohin ko sya.

Ama: Pinahaba mo na naman ang usapan... O sya. Sige, tapusin nyo na yan pagkain.

Tahimik na sa hapagkainan habang tinatapos namin ang aming pagkain. Hindi ko pa din alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa nangyaring usapan. Una, inimbitahan ng ama ang Kuya Lando. Ito malamang yung kaninang hapon kaya hinabol pa sya ni ama. Tapos eto, nakapag-usap agad sila bago magsimula ang hapunan. Kampante at tiwala ang ama. Ibig sabihin matagal na syang nakikitungo sa ama, dahil siguro sa trabahong-bukid. Hindi ko din alam kung totoong nahihiya sya o alam nya lang talaga kung ano ang dapat nya sabihin. Gayunman, matalino sya para makapag-isip at maglakas-loob magsalita sa ama ng ganun.

Ama: Pagkatapos nyo dyan, sumunod kayo sa terasa.

Alvin: Tapos na din po ako.

Tumayo si Kuya Lando, ipinatong ang pinagkainan ng ama sa kanya at matapos ay tumayo sa tabi ko.

Kuya Lando: Kung tapos ka na din, i-uurong ko na yang sa iyo.

Alvin: I-uurong?

Hindi ko naintindihan ang sinabi nya hindi lang dahil sa hindi ko talaga alam ang ibig nya sabihin, pero lalo na dahil naka-shorts sya at nasa eye-level ko ang kanyang bewang. Ang kamisa nya ay bahagya lamang lumagpas mula sa kanyang bewang, at sa nipis nga nito ay kita ko ang butones ng kanyang shorts pati na rin ang pusod. Hindi ko maiwasan hindi tumingin pababa. Naka-kupas na maong short si Kuya Lando, mukhang maong na pantalon ito na ginupit lamang. Maganda ang sukat sa kanya ng short; hindi maluwag, hindi mahigpit. Sapat para damitan sya na hindi maging bastos at sapat para sa i-enganyo ang imahinasyon. Maumbok ang bahagi sa pagitan ng kanyang mga bilugan na hita. Zipper nga lang ba yun na naka-kurba dahil sa pagkakaupo o hugis mismo ng ari ni Kuya Lando? Gusto ko sana pindutin para makita kung lulubog o hindi. Tumingala ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin pababa. Ang laki talaga ng mga dibdib nya na buong-buo ang tikas. May kaunti man syang tyan, dalang-dala ang ka-machohan nya dahil sa dibdib nya at balikat. Para syang si Bong Revilla nung rurok ng pangangatawan nito noon. Pero hindi. Panalalait siguro para kay Kuya Lando ang makumpara sa artista na yun. "Tall, dark, and handsome" ang Kuya Lando.

Kuya Lando: Yung plato mo, kung tapos na dalhin ko na sa kusina at hugasan. I-urong, ibalik sa pinagkunan.

Alvin: Ah okay.

Kasambahay: Kami na lang Lando. Iwan nyo na yan dyan.

Hindi nagpapigil ang kuya at inabot pa din ang aking plato. Dinala nya na ito sa kusina. Sandali lang at bumalik na sya sa hapag-kainan. Inabot ang pitsel ng tubig at sinalinan ang aking baso. Tahimik lang sya na nagsisilbi sa akin. Nakakatuwa at nakakakilig. Mukhang magandang ideya ang gusto ng ama kung laging ganito si kuya. Siguro, mahihiya ako sa kanya kung ganito sya kabait. Hindi pala sya nakakainis, sa ganito nyang kilos ay ka-respe-respeto sya. Magkakasundo kami. Ininom ko na ang sinalin nyang tubig. Mabagal ako uminom kaya't tumayo na ako dala pa din ang aking baso.

Alvin: Tara Kuya Lando.

Sinenyasan ko syang sumunod pero hindi man lang sya gumalaw.

Alvin: Ayos ka lang ba?

Kuya Lando: Ha?

Alvin: Kako, ayos ka lang ba?

Sa loob ko ay natatawa ako dahil parang ganito lang ang nangyari kaninang tanghali, baligtad nga lang. Ibig bang sabihin nito, ako naman ang aakbay sa kanya? Saan ko naman sya dadalhin, sa bahay ko? E hindi naman maaraw, ibig sabihin huhubaran ko sya? Ay! Ahahahaha. Ang harot ng ideya ko bigla.

Lumakad na din sya kasabay ko papunta sa terasa kung nasaan ang ama.

Kuya Lando: Tinawag mo kasi akong 'kuya'.

Alvin: Bakit paano mo ba gusto tawagin kita, 'ate'?

Napangiti sya, pero ubod ng tipid habang patuloy lang sa paglakad. Gayunman, nakita ko pa din ang kanyang mga dimples.Nakakilig hanggang betlog ang pagkapogi nya tapos sasamahan pa ng dimples? Nakakapanlata! Makalaglag panty! Parang gusto ko maglupasay sa kilig!

Pagdating namin sa terasa ay nakatayo sa balkonahe ang ama. Nagpapahangin. Nang mapansin nya ang aming pagdating ay lumapit sya coffee table kung saan may nakapatong na dalawang baso at bote ng alak. Sinalinan nya ang dalawang baso hanggang kalahati. Uminom sya sa isa sa mga baso at iniabot ang isa kay Kuya Lando.

Ama: Heto. Uminom ka.

Kuya Lando: Salamat ho. Si Alvin po?

Ama: Hindi pa ako sanay makita sya na umiinom. Isa pa, magkaiba kami ng panlasa sa alak.

Naglakad ang ama papalayo sa akin dala ang kanyang baso at bote ng alak. Kilala ko ang ama sa kanyang kilos. Tuwing nagsasalin ang ama ng alak para sa dalawang baso lamang ay gusto nya makausap ng masinsinan ang tao na pinagbigyan nya ng baso. At gusto nya itong gawin din ng pribado, usapan sa pagitan lamang ng dalawang baso at tao. Sinenyasan ko ang Kuya Lando na sumunod sa ama. Tumalima naman sya at iniwan na ako. Nasa kabilang dulo sila pumwesto ng ama. Ako naman ay umupo na muna sa balkonahe. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang kasambahay na dala ang isang kopita ng malamig na alak. Para sa akin. Habang iniinom ang matamis na puting alak at tinitingnan ang ama at Kuya Lando, napapaisip ako kung ano pa ang sinasabi ng ama. Malamang ay magaan lamang ang usapan nila kanina bago kumain, mukhang ito yung seryoso talaga. Tumingin ang ama kung saan ako nakaupo. Sumunod ng tingin si Kuya Lando. Patuloy lamang ang kanilang pag-uusap. Habang hawak ng ama ang kanyang baso ay kinukumpas nya ang kanyang daliri kay Kuya Lando. Ibig sabihin 'ikaw', patungkol kay Kuya Lando mismo. Ang kuya naman ay nakayuko lang at paminsan-minsan ay tumitingin ng diretso kay ama. Nang isang kumpas ng daliri ni ama kay Kuya Lando ay tumingin sila ulit sa akin. Tinuro ako ng ama at muling hinarap ang kuya. Tungo lamang ang sagot ni kuya. Patuloy ang pagsalin ni ama ng alak sa mga baso. Habang tumatagal ang kanilang usapan ay diretso na ang tingin ni Kuya Lando kay ama. Pailan-ilan ay nagsasalita sya at tumutungo ang ulo para kay ama. Bilin. Mga bilin ang sinasabi ng ama. Malamang din ay pinapangunahan at pinapaalalahanan na sya ng ama. Kailangan nya yan, kailangan nya mag-ingat sa akin.

Palapit na ang ama at Kuya Lando sa akin. Tumingin ako sa aking relos at napansin na mahigit isang oras din pala sila nag-usap.

Alvin: Ama, uuwi na po ako para makapagpahinga.

Kuya Lando: Amang.

Ama: Sige.

Kuya Lando: Tara na Alvin.

Alvin: Seryoso?


2014-06-19

Araro ni Kuya Lando [04]


Sinalo ko ang baso kasama ang kanyang mga kamay at dahan-dahan itong ibinaba. Hindi namin inaalis ang tingin sa sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang gusto mangyari ni Kuya Lando; kung ano ang gusto nya ipahiwatig o kung meron man sya gustong ipahiwatig. Hindi sya ang Ka Lando na nakilala ko kanina sa kanyang mga kilos ngayon.

Alvin: Uhaw ka din.

Kuya Lando: Baka gusto mo na tanggalin ang mga kamay mo. Kanina ka pa nakahawak sa mga kamay ko.

Nabigla ako sa sinabi nya at akmang bibitawan ang kanyang kamay ng patulak.

Kuya Lando: Ayusin mo. Kung ayaw mo ma...

Alvin: Ayaw ko ng ano!?!!

Nawala na ang kaba at pagkabigla ko sa kanya. Nagtaas ako ng boses pero sapat lamang para sa amin dalawa.

Alvin: Ayaw ko ng ano?! Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka! Kaya kong gawin kung anu man ang gusto ko gawin sa iyo.

Kuya Lando: Talaga. Ano ba ang problema mo? Ano ba ang gusto mo?!

Sa inis ko ay binitiwan ko ng patulak ang kanyang kamay na naging dahilan para tumapon ang tubig mula sa baso sa kanyang damit. Napatayo si Kuya Lando at nabitawan ang baso. Saktong papalapit na pala ang ama.

Ama: Ano nangyari dyan?!

Kuya Lando: Nadulas ho yung baso amang. Pasensya na. May bilin pa ho ba kayo?

Pinulot na ni Kuya Lando ang baso habang kinakausap ang ama. Parang wala lang nangyari na sagutan sa pagitan namin sa pananalita ni Kuya Lando kay ama.

Ama: Iwan mo na 'yan dyan sa lamesa. Wala na. Yung para bukas, dumaan ka muna dito.

Kuya Lando: Mauuna na ho ako.

Sabay nagmano sya sa ama at umalis na. Hindi pa sya masyado nakakalayo nang tawagin sya muli ng ama.

Ama: Lando. Teka.

Lumapit ang ama at kinausap ang Kuya Lando habang naglalakad papalayo. Nakita ko na lang na napatigil sila sa paglalakad habang umiiling ang Kuya Lando habang kinakausap ang ama. Tanaw ko ang buka ng kanilang mga bibig ngunit hindi ko malaman kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Lumayo sya ng bahagya sa ama at yumuko ang ulo. Sa pagtaas nya ng ulo ay muli sya umiiling habang patuloy na kinakausap ang ama. Tumalikod na ang ama at nagsimulang lumakad pabalik sa akin. Sa kanyang likod ay kita ko ang Kuya Lando na nakatingin sa amin. Gusto ko isipin na sa akin sya nakatangin; na gusto nya akong sulyapan bago sya umalis. Tumalikod na ang Kuya Lando at nagsimula na muli maglakad palayo sa amin.

Ama: Alvin. Alas-syete y medya. Sa hapag-kainan.

Tumungo ako sa aking bahay. May mahigit limang minuto din na lakad ang layo ng akin sa bahay ng ama. Maliit lamang ang aking bahay kumpara sa ama pero masaya ako, dahil ang disenyo nito ay mula sa akin. Simple lamang sya. May maliit na hardin na nasa gilid ng lakaran patungo sa terasa sa labas ng bahay. May mataas ito na bubong dahil may ikalawang palapag ito na sakop lamang ang kalahati ng buong sukat. Sala ang unang bubungad sa iyo pagpasok ng bahay. Sa dulo ay ang hagdan papunta sa kwarto. Pag-akyat mo ng hagdan ay kwarto na mismo; walang pinto walang dingding. Tanaw mo mismo sa kwarto ang sala na nasa ibaba. Ang kabuuan ng kuwarto ay nasa itaas ng banyo. Kasing-laki ng kwarto ang banyo na nasa baba na nagsisilbi na din na kwarto para sa mga damit.

Sa patuloy ko na paglalakad patungo sa bahay, hindi ko ubos-maisip ang mga pangyayari kanina.

Gago si Kuya Lando. Mabait at malalahanin sa isang pagkakataon, tapos sa susunod ay babastusin ka. Bakit sya kumilos ng ganun? Ano problema nya? Porke tinulungan ko sya sa pagsuot ng jacket nya, ganun na lang ang gagawin nya? Yun ba problema nya?! Bakit, wala naman ako ginawang masama a! Dahil ba tinulungan nya ako e pwede nya na ako bastusin?! Ang salbahe nya! Wala syang pinag-aralan at hindi man lang sya nahiya na nandito sya sa amin!!! Pinsan makalawa? Pwe!! Paano nangyari yun? Ngayon ko nga lang sya nakilala. Hindi ko din gugustuhin magka-pinsan na bastos... laki nga ng katawan nya pero bastos! Ano ba akala nya, madadaan nya ako sa gulat... at sa ka-machohan nya?! Pero... kahit sa pagiging bastos nya kanina ay hindi ko pa din makalimutan kung gaano sya ka-gwapo. Parang ang sarap nya mang-abuso... Sira. Sira na talaga ulo ko para maghalo ang galit at pagnanasa ko.

Huminga ako ng malalim pagpasok ng bahay. Nakaramdam ako ng kaluwagan ng loob. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Mag-aalas-sais na. Hinubad ko ang aking mga damit at tinimpla ang temperatura ng tubig na lumalabas sa shower bago tuluyan naligo sa ilalim nito. Mainit ang tubig, nakakaalis ng pagod. Ang sarap ng pakiramdam ng tubig mula sa shower habang pumapatak ito sa aking mukha. Yumuko ako para makahinga ng malalim. Matapos ang ilan segundo, muli ay hinarap ko ang tubig mula sa shower. Itinukod ko ang aking mga palad sa pader sa aking harap. Ibinuka ko ng bahagya ang aking pagkakatayo ng tuwid.

Alvin: Ka Lando... Kuya Lando... Haahh.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, ang higit na init na nagmumula sa aking loob. Hinagod ng aking kanang kamay ang aking balikat at leeg. Umakyat ito sa aking labi para laruin ng hintuturo. Dinama nya ang init ng aking labi sabay sa init ng tubig. Inilabas ko ang aking dila at hinagod ang aking hintuturo. Muling naglakbay ang aking mga kamay sa aking leeg, pababa sa aking dibdib, patungo sa tayong-tayo na kaliwang utong. Isa-isang dumaan ang mga daliri ko sa aking utong na para bang gumigitara. Dahan-dahan. Pababa at paakyat.

Alvin: Ka Lando... Lando... kuya...

Nagsimulang laruin ng kaliwang hintuturo ang aking kaliwang utong habang bumababa ang aking kanang kamay sa aking bayag. Hinaplos ng aking kamay ang aking bayag, paakayat sa puno ng aking ngayon ay galit na ari. Dinama ng aking palad ang init ng aking pag-aari mula puno hanggang ulo. Pinilit ko ituro ito pababa, para bitawan at pumalo ng taas-baba sa sobrang tigas.

Alvin: Kuya Landoo... Oohh...

Tuluyan ko nang sinakal ang kabuuan ng aking ari sabay hagod ng taas baba, habang patuloy sa paglaro ng aking utong.

Alvin: Hayup ka Lando... Hayup ka Kuya Lando.

Naglaro sa aking isipin ang kagwapuhan ni Kuya Lando pati na din ang init ng kanyang katawan na tumatagos sa kanyang mga damit; ang kanyang mga mata na may singkit sa dulo, ang mga mapupula na labing napakasarap halikan, ang kanyang makakapal na buhok na masarap sabunutan, ang kanyang kulay putik at amoy araw na balat, ang kanyang malalapad na balikat at mayayabang na dibdib.


--- Gagawin ko ang gusto ko sa iyo Kuya Lando. Huhubaran kita at papahirapan. Bababuyin ko ang ka-machohan mo. Uubusin ko ang pagkabastos mo. Hindi kita titigilan hanggang hindi ka nanghihina. Alam mo kung bakit? Jajakolin at chuchupain kita ng paulit-ulit hanggang hindi ka na tinitigasan. At kapag hindi na tumitigas ang burat mo, itatali kita sa kama para balikan kapag kaya na ulit tumigas ng burat mo. Kapag tumigas na ulit ang burat mo, pagsasamantalahan ko ng paulit-ulit ang ka-machohan at pagkalalake mo. Uubusin ko ang lakas mo hanggang sa sumuko ka na, hanggang maubos ang bango mo. Hanggang sa sumunod ka sa lahat ng gusto ko. Dahil ang macho mo at ang gwapo mo Kuya Lando. Hayup ka.

Alvin: Aahhh... Aah. Haahh.

Hindi ko na napigilan ang pagtilamsik ng malapot at napakadaming tamod mula sa aking alaga. Napaka sarap ng pagjajakol na ito lalo na sa pampagana ko na si Kuya Lando. Sinaid ko ang pagjajakol hanggang sa huling patak at huling sarap. Tiningnan ko ang mga buo-buong tamod na umaagos kasama ang tubig.

Alvin: Para sa iyo Kuya Lando. Sarap mo. Sarap ng pagkalalake mo.

Napawi ang galit ko kay Kuya Lando dala na din siguro ng pagod. Talagang mainam ang sex dahil makakalma ka pagkatapos. Hehehe. Paano pa kaya kung talagang mangyari sya? Paano kung maging sunud-sunuran ang kuya sa aking mga gusto? Paano kung jakolin nya ako ng paulit-ulit, paano kung romansahin nya ako?

Alvin: Ohh... Kuya Lando.. Kaya mo pa ba?

--- Sa gitna ng bukid, sa ilalim ng araw. Nagtatago kami ni Kuya Lando sa mga dayami; sa mga labi ng katawan ng palay. Sinimulan nya nang hubarin ang kanyang maong na jacket. Lumuhod sya at inilatag ang jacket sa lupa. Matapos ay humiga sya sa tabi ng jacket ng patagilid, ang kanyang kaliwang siko nakatukod sa lupa habang salo ng kanyang palad ang kanyang ulo. Humiga ako sa nakalataga nya na jacket. Pagkahiga na pagkahiga ko ay pumaibabaw si Kuya Lando sa akin. Tinukod nya ang kanyang mga palad sa lupa malapit sa aking magkabilang tenga. Sa lapad ng kanyang katawan ay nasilungan nya ako sa init ng araw. Tinitigan ko ang gwapo na si Kuya Lando. Si Kuya Lando na ngayon ay nakatingin sa akin; ang kanyang nangungusap at maamong mga mata, ang mga panga na hinahalikan ng bagsak at makapal na buhok, ang mamasa-masang mga labi, ang mga pawis na namumuo at naguunahan tumulo mula sa kanyang mukha. Unti-unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naamoy at naramdaman ko ang malinis at mainit nyang paghinga. Unti-unti, may kuryente na dumadaloy sa pagdampi ng itaas na bahagi ng kanyang labi sa ibabang bahagi ng aking labi. Ngunit iniwas nya ang kanyang mga labi at dumiretso sa aking tenga. "Alvin.." Ibinulong nya ng buong lalim at puno ng hangin. Ang kiliti ay sobrang nagpahina sa akin. Muli ay bahagya nya idinampi ang kanyang mga labi sa akin. Ngunit muli din ay iniwas nya ito at umangat. Niyakap ko ang kanyang mga balikat mula sa ilalim ng kanyang mga braso. Naramdaman ako ang tindi ng init ng araw na tumatagos sa kanyang damit. Ibinaon ko ang aking mga daliri sa kanyang balikat. "Aahh..." ang nasabi ng Kuya Lando. Mahapdi, masakit. Yan ang bagay sa iyo. Napaluhod sya sa aking ibabaw para makawala ang kanyang mga balikat sa akin.

Alvin: Laruin mo ang kaliwa kong utong ng mga daliri mo at jakolin mo ang titi ko habang suot ang mga damit ko. Kelangan masarapan ako kung ayaw mo itali kita ulit sa kama!


--- Sunud-sunuran ang Kuya Lando sa lahat ng gusto ko. Nakikita ko syang pinapawisan at nahihirapan sa pagjakol sa akin. Sige lang. Mas lalo ako ginaganahan sa itsura mo. Ramdam ko ang kanyang mga daliri sa ilalim ng aking t-shirt. Ang gaspang at ang sarap! Nakakabaliw ang hayup na si Kuya Lando. Pinagpapawisan sya lalo sa init ng araw. Bakat na ang kurba ng katawan nya sa kanyang damit dala ng kanyang pawis. Nalalapit na ako sa sarap.


Alvin: Ikaw ang humalinghing at sumigaw ng kasarapan para sa akin!


Dinakma ng aking mga kamay ang kanyang dibdib at sabay kinurot ng buong gigil ang kanyang mga utong. "AAHHHH!!! AHH! AAHHHHH!!!" Sabay nagsimulang mamasa ang aking salawal dahil sa nagpupumilit na lumabas na tamod.


Alvin: Aah. Haahh.

Napakasarap pagpantasyahan ni Kuya Lando. Muli ay naramdaman ko ang tubig mula sa shower sa aking katawan habang tinitignan ang umaagos at humahalong tamod.

Alvin: Lando. Kuya Lando.

Nakaramdam ako ng bahagyang panghihina dala na din siguro ng sobrang libog. Tinapos ko na ang paliligo, nagbihis lamang ng kamisa de chino at puruntong, at tumungo na sa sala. Alas-sais y medya na. Maaga pa naman siguro kaya nagdesisyon ako na mahiga muna sa sala. Hindi ko maiwasan na hindi isipin ang Kuya Lando at kung gaano kasarap pati ang bigkasin ang kanyang pangalan.

Alvin: Ka Lando..

Alvin: Kuya Lando.

Alvin: Lando...

Napapikit ako.

Biglang may kumatok sa pinto at nagsalita. "Kuya, hinahanap na po kayo ng amang."

Alvin: Hah?!

Muli ko tiningnan ang orasan. Pasado alas-syete y medya na pala! Ang akala ko na pagpikit ng aking mata ay kurap lamang. Pero nakatulog na pala ako! Humangos ako palabas ng bahay sa nag-aabang na kasambahay. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa bahay ng ama. Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa hapagkainan. Nakaupo na sa kabisera ang aking ama. Nagmano agad ako.

Ama: Ano ba ang nangyayari sa iyo?! Hindi ba't sabi ko sa iyo na alas-syete y medya? Kanina pa kami naghihintay sa iyo.

Alvin: Pasensya na po. Napa-idlip lang.

Ama: Umupo ka na.

Umikot ako sa likod ng ama papunta sa upuan sa kanyang kanan. Hindi ko inaasahan ang naka-upo na katapat ng aking silya.