2014-05-08

Araro ni Kuya Lando [03]


Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Hindi agad ako maka-sagot sa kanyang mga kilos at tanong. Nararamdaman ko sa palad ko ang init ng kanyang mga kamay, pero higit sa aking mga pisngi. Ramdam ko ang makapal at magaspang nya na palad sa aking pisngi ngunit ayoko syang bumitiw. Naaamoy ko ang kanyang mga palad; amoy lupa at amoy pawis ng lalakeng magsasaka. Sa lapad ng kanyang mga palad ay dumudampi nang bahagya ang aking mga labi. Nakakakuryente. Sa haba ng kanyang mga daliri ay natatabig nya ang aking mga tenga. Nakakakiliti. Napapapikit ako sa kakaibang nararamdaman ko. Para bang gusto ko tuluyan ipikit ang aking mata at damahin ang kanyang mga palad. Gusto ko maglakbay sa kanyang mga kamay at hagurin ang kanyang mga daliri gamit ang aking labi. Gusto ko haplusin nya ako. Gusto ko hawakan ng mahigpit ang kanyang kamay at braso habang patuloy nyang hawak ang aking pisngi. Gusto ko humilig sa mga palad ng isang Ka Lando.

Ka Lando: Alvin.

Sa kanyang muling pagbigkas ay napatingin ako sa kanyang mukha. Nakita ko ang mga pawis sa kanyang mukha. Ang mga mata nya na puno ng lalim, nakakalunod ang kanyang titig. Ang bawa't paggalaw ng kanyang labi ay parang nag-aanyaya ng halik. Halos isang hakbang na lang ang pagitan namin. Nararamdaman ko ang sumisingaw na init ng kanyang katawan. Naaamoy ko ang pagkalalake ni Ka Lando. Nakakabaliw.

Ka Lando: Alvin.

Nang madinig ko ulit ang aking pangalan na binibigkas ng kanyang malalim na boses ay nagbalik ang diwa ko sa katinuan. Napabitiw ako sa pagkakahawak ko sa kanyang mga braso at umatras. Tumitig ako sa kanyang mga mata ng seryoso. Para bang nagulat din sya at dali-dali nyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak sa aking pisngi. Umiwas na sya ng tingin at nagsimula na maglakad pabalik sa kanyang kalabaw. Tumigil sya ng bahagya ng halos makalagpas sa akin sa paglalakad.

Ka Lando: Pasensya na. Hindi ko sinasadyang maputikan ka, o kahit hawakan ka man lang.

Naramdaman ko na naglalakad na sya ulit palayo.

Alvin: Ka Lando.

Naglakad ako papalapit sa kung saan ko itinabi ang nakatiklop nya na jacket. Pinulot ko ito at lumapit sa ngayon na nakaharap na ulit sa akin na Ka Lando. Nang tangka nya na abutin ito mula sa aking kamay, pero inilatag ko ito sa hangin at ipinagpag ng kaunti. Hinawakan ko ito sa porma na para ma-isuot nya. Natigilan sya sandali.

Lando: Ako na.

Hinawakan nya ang kanyang jacket ngunit hindi pa din ako gumalaw. Alam ko na nakatingin sya ulit sa akin, ngunit tumingin lang ako lagpas sa kanyang mga balikat. Naramdaman ko na lamang na nagsimula na nyang ipasok ang kanyang kaliwang kamay sa manggas ng jacket. Noon ay tiningnan ko na sya para mas maalalayan sa kanyang pagsuot. Bahagya na siyang nakatalikod ulit sa akin at nagsisimulang kapain ang  kanang manggas ng jacket. Hinawakan ko ito para mas madali nya makita at mas madaling maisuot. Nang nakapasok na ang kanyang mga braso ay inikot nya ang kanyang mga balikat para umayos ng lapat ang jacket. Sinabayan ko iayos ang mga kwelyo nya mula sa likod. Itinaas ko ito hanggang sa kanyang leeg at tinupi ng maayos. Mula sa kwelyo ay hinagod ko ang jacket papunta sa kanyang mga balikat, pababa sa kanyang braso. Nang makita ko maayos na ito ay hinagod ko naman mula kwelyo pababa sa kanyang likod.

Humarap sya sa akin. Napansin ko na nakatupi pa papaloob ang ilang bahagi ng jacket na malapit sa kanyang dibdib. Hindi nya pa ito inayos. Lumapit ako sa kanya at yumakap papunta sa kwelyo sa kanyang batok. Diretso lamang ang tingin nya. Hinagod ko ang kwelyo mula sa batok papunta sa harap at pababa sa laylayan ng damit. Nang makita ko na wala nang nakatupi ay ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang mga balikat. Mula sa diretso nya na tingin sa malayo ay binaba nya ito sa akin. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Tinitingnan ko na lang kung nasaan ang aking kamay sa kanyang jacket. Dahan-dahan mula sa kanyang malalapad na balikat ay inilalapat ako ang kanyang jacket. Dahan-dahan. Pababa sa kanyang mga dibdib. Unti-unti ko naramdaman ang tibok ng kanyang dibdib. Palakas ng palakas. Hanggang nakapahinga na ang aking mga kamay sa matipuno nyang dibdib. Ang lakas ng bawa't tibok ng puso ng Ka Lando. Nadinig ko ang isang malalim na hinga ng Ka Lando. Patuloy ko pa din dinadama ang tibok ng puso nya sa aking kanang kamay. Hindi ko napansin na bumaba na pala ang kaliwang kamay ko sa kanyang mga utong. Naramdaman ito ng aking mga palad. Sinagi ko ulit ang kanyang mga utong nang mabilis ng paakyat at muli ay pababa ng dahan-dahan.

Ka Lando: Ah.

Tiningnan ko sya at nakita ko na bahagya sya napasinghap; naningkit ang kanyang mata at kumunot ang kanyang noo kasabay ng maliit at biglaan na paghinga. Saglit lamang at tinitigan nya muli ako. Malalim ang kanyang tingin at napansin ko na bahagya pa din nakakunot ang kanyang mga noo. Bumitiw na ako at naglakad paatras. Nakatingin pa din sya. Nagungusap ang kanyang mga mata. Ngunit hindi ko masabi kung galit o pandidiri ang kanyang titig. Nahihiya ako. Nadala ako ng aking nararamdaman. Lalake nga pala ang Ka Lando. Hindi ko sya dapat hinahawakan ng ganoon. Mali. Hindi ko sya dapat pinagsasamantalahan. Tumalikod na sya at tinungo ang kinaroroonan ng kalabaw. Walang salita. Gusto ko sya sigawan na kausapin ako. Pero kausapin tungkol saan? Tungkol sa mga haplos ko sa kanya? Tungkol sa kung gaano sya ka-gwapo at ka-macho para sa akin? Tungkol sa kung ano ang nais ko sa kanya? Hindi pa ako baliw.

Tinatanaw ko sya habang pinapastol ang kalabaw na humihila sa karwahe na lulan ng palay. Direcho ang tingin, direcho ang lakad. Wala man lang sulyap. Hindi ko na sya makita matapos dumaan sa mga puno. Naiwan ako na nag-iisip. Nagtatalo ang aking nararamdaman at iniisip. Sabi ng utak ko sa puso ko, "wag mo akong pagmukhain na tanga" at "hindi mo ba alam ang pwede mangyari, hindi ka na din naawa dun sa tao" higit pa ay "nasa probinsya ka, sa lupa ng ama mo, hindi ka na natakot!". Sumagot ang puso ko "ano ang mali sa paghanga ko sa isang tulad nya?", "hindi ko sya pinagsamantalahan dahil hindi ko sya pinaghubad!" at lalo na "lalake sya at bakla ako, sinong bakla ang hindi madadala ng isang lalake na tulad nya?"

Patuloy ako sa aking pag-iisip at pakikipagtalo sa sarili. Natanaw ko sya sakay sa kanyang kalabaw na muling tumutungo sa mga sako ng palay sa gitna ng bukid. Hindi sya lumilinga. Patungo lamang sa gitna ng bukid.

--- Ka Lando...

Tauhan: Tumawag po ang amang. Samahan ko daw po kayo umuwi.

Tanaw ko na muli nang nagkakarga ng mga sako ang Ka Lando sa karwahe. Yun lang at tumungo na ako pabalik sa aming bahay. Pagdating sa kalsada ay natanaw ko ang elf truck kung saan iniipon ang mga palay. Sinabihan ko ang pahinante na mauuna na muna ako at aabangan sila sa bahay. Nagbilin din ako sa tagapangasiwa ng kung anu-ano pa para masiguro na maayos ang lahat kahit wala ako. Sumakay na ako sa sasakyan na nag-aantay sa akin at tumungo na pauwi ng bahay.

Papasok pa lang ako ng bahay ng ama ay humangos na sya papunta sa akin.

Ama: Anu bang nangyari sa iyo?!?!

Alvin: Po?

Ama: Tumawag ang tauhan dito at pinsasabi daw ni Lando na masama ang pakiramdam mo at nasa gitna ka pa daw ng arawan! Hindi ko naman sinabi sa iyo na magpa-araw ka!

Alvin: Pasensya na ama. Hindi lang siguro ako sanay sa sobrang mainit. Ok na po ako. Dun na muna po ako sa may bodega.

Ama: O sige. Pasusundan kita ng inumin dun. 

Pagdating ko sa bodega ay nakita ko na abalang-abala ang mga tao sa pagsalansan ng mga sako. Binati ako ng mangilan trabahador. Sinilip ko ang loob at tiningnan ang ayos. Ipinakita sa akin ng katiwala ang kasalukuyan na mga bilang, pinanggalingan, at mga parte na inilalaan para sa mga bayarin at buwis. Pinag-aralan sandali at nakipag-usap kung gaano ito kumpara sa nakaraan na mga ani. Organisado ang tauhan ng ama at ipinakita nya ang mga datos mula sa nakaraang ani at mga basehan ng parte. Patuloy pa kami nag-usap tungkol sa mga palay nang dumating ang kasambahay ng Ama.

Kasambahay: Magandang hapon po. Pinadadala po ng ama nyo. Kumain daw muna po kayo.

Alvin: Dalhin mo sa kubo at doon na lang ako. Manong, sabihan mo ang mga tao na mag-meryenda muna.

Kasunod din ng kasambahay namin ang ilang may-bahay sa aming lugar na naghanda ng meryenda para sa mga tauhan. Ang kubo ay nasa tabi lamang ng bodega. Isang malawak na kubo ito na may isang mahabang lamesa sa gitna na gawa sa kawayan. Sa mesa ay nakapaikot ang upuan na gawa din sa kawayan na sya din bahagi at nagsisilbing pader ng kubo. Dito ginaganap ng ama at ng iba pang mga tao ang anu man mga pulong. Umupo ako sa harap kung saan ibinaba ang aking pagkain. Nagpasya ako na dito na muna pumwesto at mamahinga tutal kita ko din naman ang pagdating ng mga tao at mga palay sa aking kinauupuan.

Nagbalik agad ang mga tao sa trabaho matapos ang saglit na meryenda. Alas-singko pasado na nang dumating ang elf truck na nasa istasyon ko kanina. Tumayo ako at kinausap ang tauhan na aking pinagbilinan; nagtuos ng numero habang sinimulan na ng iba na isalansan ang mga palay sa bodega.

--- madami pala kaya natagalan, lalo na kung mag-isa lang si Ka Lando galing sa bukid na nag-dadala papunta sa truck.

Nang matapos sa pag-tuos, bumalik na ako sa kubo. Naalala ko ang Ka Lando. Humiga ako sa mga upuan at nagsimulang sariwain ang mga nangyari. Naaalala ko ang mga matitigas na braso ni Ka Lando. Ang kanyang bilugan na mga balikat. Ang kanyang malalapad na dibdib. Naalala ko ang kanyang mga akbay na parang yakap. Ang kanyang amoy ng pagkalalake. Ang kanyang mata na nangungusap. Ang mga labi na nakakauhaw. Ang gwapo ng Ka Lando, at ang sarap ng katawan nya. Sana nang ini-aayos ko ang kwelyo nya ay niyakap ko sya. Sana humiga ako sa dibdib nya para lubos na madinig ang tibok ng puso nya. Sana hinagod ko pababa ang kanyang damit; pababa patungo sa pwet nya para paluin. Sana ganun din sa harap para dakmain... para makita kung hanggang saan ang ka-machohan ng isang Ka Lando. Gusto ko punitin ang kanyang pantalon para makita ang ipinagmamalaki nya. Gusto ko sya  magalit at mahiya. Gusto ko sya maging sunud-sunuran sa akin. Gusto ko makita ang nararamdaman nya. Gusto ko maghubad ang Ka Lando... Gusto ko... Gusto ko... Gusto ko angkinin ang pagkalalake ng Ka Lando!

Ama: Nandito lang yun. Sandali at para makilala ka nga. Asan ang Alvin?

Nadinig ko ang boses ng ama na parang may kasama. Napaupo ako mula sa aking pagkakahiga dahil hinahanap na ako sa mga tauhan. Baka hindi ako mapansin. Lumabas na ako ng kubo at lumapit sa ama.

Ama: Nandyan ka lang pala.

Ka Lando: Kamusta na pakiramdam mo?

Alvin: Hah??

Ama: Ang Kuya Lando mo pala.

Alvin: Po??

Ama: Anu ba nangyayari sa iyo? Kako, ang Kuya Lando mo. Pinsan kamakalawa mo yan! 

Kuya Lando: Kamusta ka na? Ano na ang pakiramdam mo?

Ama: Ipinatawag nya kanina sa akin na nasa gitna ka daw ng bukid at hindi na maayos ang kilos mo. Baka dala daw ng init kaya pinabalik na kita dito. Pasalamat ka at nakita ka nya, baka kung anu na nangyari sa iyo.

Alvin: Kaya ko po sarili ko.

Ama: Lando, pasensya ka na dyan at medyo hindi pa sanay dito at hindi masyado kilala ang mga kamag-anak. Salamat sa paghakot sa palay at dyan sa anak ko. Magmeryenda ka na muna. Anak, samahan mo si Kuya Lando mo dyan sa kubo. Iiwan ko muna kayo sandali. Dito muna ako sa bodega.

Tinitigan ko sa mukha si Kuya Lando. Nabibigla pa din ako. Ang bilis ng pag-uusap, naimpatso yata utak ko. Nakatitig lang din sya sa akin.

Kuya Lando: Tara.

Sabay hinawakan nya ako sa balikat at inikot papunta sa kubo. Naglakad kami ng nakapatong ang kanyang kanang kamay sa aking balikat. Naramdaman ko ang bahagya nyang pagpisil sa aking balikat.

--- Kuya Lando... wag.

Halos kasunod namin sa pag-upo ay dumating ang kasambahay ng ama na may dalang meryenda para sa Kuya Lando. Umupo ako na may distansyang isang tao sa pagitan namin. Muli ay tiningnan nya lang ako. Ipinagsalin ko ng inumin ang Kuya Lando sa kanyang baso habang kumakain sya ng tinapay. Inilapit ko sa kanya ang baso para makainom na sya. Ibinaba nya ang tinapay para makainom. Parang nag-slow motion ang bawa't kilos nya para sa akin. Napatitig ako sa pagdampi ng baso sa kanyang mga labi. Itinaas nya ang kanyang mukha para makainom ng lubusan. Nakita ko ang kanyang mga pawis sa leeg na nag-uunahan tumulo. Bawa't lagok nya ay napapalunok din ako ng aking laway. Pawisan sya. Mula ulo papunta sa puno ng kanyang tenga, papunta sa leeg, papunta sa kanyang balikat. 

Kuya Lando: Ahh.

Naubos nya ang laman ng baso at iniharap ito sa akin. Nakuha ko ang ibig nya sabihin. Gusto nya pa uminom. Inabot ko ang pitsel at sinalinan muli ang kanyang baso. Muli syang uminom. Habang umiinom sya ay napasin ko na nakasilip sya sa akin. Tumigil sya sa pag-inom at iniharap ulit ang baso sa akin. Ipinunas nya ang kanyang mga labi sa likod ng kanyang palad habang nakatitig sa akin. Hindi pa pala ubos ang laman ng baso.

Kuya Lando: Uminom ka.

Alvin: Ayoko.

Kuya Lando: Uminom ka kung ayaw mo akong magalit sa iyo.

Nabigla ako na may halong takot. Baka galit na nga sya dahil sa nangyari kanina. Napa-iling ako ng isa at napayuko. Nahawakan ko na ang baso at kakabigin na ito para uminom. Ngunit hindi pa din binibitawan ni Kuya Lando ang baso. Naramdaman ko na lumalaban ang hawak nya sa baso. Dahil dito iniingat ko na ang ulo ko mula sa pagkakayuko at tinitigan sya. Halos inaagaw ko na ang baso sa kanya; nakikiusap ako sa tingin na ibigay na sa akin ang baso para hindi sya magalit. Nakatitig lang din sya sa akin. Matutunaw ako sa kanyang mga tingin. Nasa ganun kaming ayos nang umangat ang isa nya pang kamay at hinawakan ang akin na nakahawak sa baso. Dahan-dahan ay ipinadulas nya na kumawala ang aking kamay mula sa baso. Nagpaubaya ako. Habang hawak nya ang baso ay inilapit nya ito sa aking labi. Ang isa nya pang kamay ay naghanda sumalo sa ilalim ng aking labi. Dumampi ang baso sa aking labi. Nakatingin pa din ako sa kanya.

Kuya Lando: Uminom ka. Alam ko na uhaw ka.


No comments:

Post a Comment