2014-05-08

Araro ni Kuya Lando [03]


Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Hindi agad ako maka-sagot sa kanyang mga kilos at tanong. Nararamdaman ko sa palad ko ang init ng kanyang mga kamay, pero higit sa aking mga pisngi. Ramdam ko ang makapal at magaspang nya na palad sa aking pisngi ngunit ayoko syang bumitiw. Naaamoy ko ang kanyang mga palad; amoy lupa at amoy pawis ng lalakeng magsasaka. Sa lapad ng kanyang mga palad ay dumudampi nang bahagya ang aking mga labi. Nakakakuryente. Sa haba ng kanyang mga daliri ay natatabig nya ang aking mga tenga. Nakakakiliti. Napapapikit ako sa kakaibang nararamdaman ko. Para bang gusto ko tuluyan ipikit ang aking mata at damahin ang kanyang mga palad. Gusto ko maglakbay sa kanyang mga kamay at hagurin ang kanyang mga daliri gamit ang aking labi. Gusto ko haplusin nya ako. Gusto ko hawakan ng mahigpit ang kanyang kamay at braso habang patuloy nyang hawak ang aking pisngi. Gusto ko humilig sa mga palad ng isang Ka Lando.

Ka Lando: Alvin.

Sa kanyang muling pagbigkas ay napatingin ako sa kanyang mukha. Nakita ko ang mga pawis sa kanyang mukha. Ang mga mata nya na puno ng lalim, nakakalunod ang kanyang titig. Ang bawa't paggalaw ng kanyang labi ay parang nag-aanyaya ng halik. Halos isang hakbang na lang ang pagitan namin. Nararamdaman ko ang sumisingaw na init ng kanyang katawan. Naaamoy ko ang pagkalalake ni Ka Lando. Nakakabaliw.

Ka Lando: Alvin.

Nang madinig ko ulit ang aking pangalan na binibigkas ng kanyang malalim na boses ay nagbalik ang diwa ko sa katinuan. Napabitiw ako sa pagkakahawak ko sa kanyang mga braso at umatras. Tumitig ako sa kanyang mga mata ng seryoso. Para bang nagulat din sya at dali-dali nyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak sa aking pisngi. Umiwas na sya ng tingin at nagsimula na maglakad pabalik sa kanyang kalabaw. Tumigil sya ng bahagya ng halos makalagpas sa akin sa paglalakad.

Ka Lando: Pasensya na. Hindi ko sinasadyang maputikan ka, o kahit hawakan ka man lang.

Naramdaman ko na naglalakad na sya ulit palayo.

Alvin: Ka Lando.

Naglakad ako papalapit sa kung saan ko itinabi ang nakatiklop nya na jacket. Pinulot ko ito at lumapit sa ngayon na nakaharap na ulit sa akin na Ka Lando. Nang tangka nya na abutin ito mula sa aking kamay, pero inilatag ko ito sa hangin at ipinagpag ng kaunti. Hinawakan ko ito sa porma na para ma-isuot nya. Natigilan sya sandali.

Lando: Ako na.

Hinawakan nya ang kanyang jacket ngunit hindi pa din ako gumalaw. Alam ko na nakatingin sya ulit sa akin, ngunit tumingin lang ako lagpas sa kanyang mga balikat. Naramdaman ko na lamang na nagsimula na nyang ipasok ang kanyang kaliwang kamay sa manggas ng jacket. Noon ay tiningnan ko na sya para mas maalalayan sa kanyang pagsuot. Bahagya na siyang nakatalikod ulit sa akin at nagsisimulang kapain ang  kanang manggas ng jacket. Hinawakan ko ito para mas madali nya makita at mas madaling maisuot. Nang nakapasok na ang kanyang mga braso ay inikot nya ang kanyang mga balikat para umayos ng lapat ang jacket. Sinabayan ko iayos ang mga kwelyo nya mula sa likod. Itinaas ko ito hanggang sa kanyang leeg at tinupi ng maayos. Mula sa kwelyo ay hinagod ko ang jacket papunta sa kanyang mga balikat, pababa sa kanyang braso. Nang makita ko maayos na ito ay hinagod ko naman mula kwelyo pababa sa kanyang likod.

Humarap sya sa akin. Napansin ko na nakatupi pa papaloob ang ilang bahagi ng jacket na malapit sa kanyang dibdib. Hindi nya pa ito inayos. Lumapit ako sa kanya at yumakap papunta sa kwelyo sa kanyang batok. Diretso lamang ang tingin nya. Hinagod ko ang kwelyo mula sa batok papunta sa harap at pababa sa laylayan ng damit. Nang makita ko na wala nang nakatupi ay ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang mga balikat. Mula sa diretso nya na tingin sa malayo ay binaba nya ito sa akin. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Tinitingnan ko na lang kung nasaan ang aking kamay sa kanyang jacket. Dahan-dahan mula sa kanyang malalapad na balikat ay inilalapat ako ang kanyang jacket. Dahan-dahan. Pababa sa kanyang mga dibdib. Unti-unti ko naramdaman ang tibok ng kanyang dibdib. Palakas ng palakas. Hanggang nakapahinga na ang aking mga kamay sa matipuno nyang dibdib. Ang lakas ng bawa't tibok ng puso ng Ka Lando. Nadinig ko ang isang malalim na hinga ng Ka Lando. Patuloy ko pa din dinadama ang tibok ng puso nya sa aking kanang kamay. Hindi ko napansin na bumaba na pala ang kaliwang kamay ko sa kanyang mga utong. Naramdaman ito ng aking mga palad. Sinagi ko ulit ang kanyang mga utong nang mabilis ng paakyat at muli ay pababa ng dahan-dahan.

Ka Lando: Ah.

Tiningnan ko sya at nakita ko na bahagya sya napasinghap; naningkit ang kanyang mata at kumunot ang kanyang noo kasabay ng maliit at biglaan na paghinga. Saglit lamang at tinitigan nya muli ako. Malalim ang kanyang tingin at napansin ko na bahagya pa din nakakunot ang kanyang mga noo. Bumitiw na ako at naglakad paatras. Nakatingin pa din sya. Nagungusap ang kanyang mga mata. Ngunit hindi ko masabi kung galit o pandidiri ang kanyang titig. Nahihiya ako. Nadala ako ng aking nararamdaman. Lalake nga pala ang Ka Lando. Hindi ko sya dapat hinahawakan ng ganoon. Mali. Hindi ko sya dapat pinagsasamantalahan. Tumalikod na sya at tinungo ang kinaroroonan ng kalabaw. Walang salita. Gusto ko sya sigawan na kausapin ako. Pero kausapin tungkol saan? Tungkol sa mga haplos ko sa kanya? Tungkol sa kung gaano sya ka-gwapo at ka-macho para sa akin? Tungkol sa kung ano ang nais ko sa kanya? Hindi pa ako baliw.

Tinatanaw ko sya habang pinapastol ang kalabaw na humihila sa karwahe na lulan ng palay. Direcho ang tingin, direcho ang lakad. Wala man lang sulyap. Hindi ko na sya makita matapos dumaan sa mga puno. Naiwan ako na nag-iisip. Nagtatalo ang aking nararamdaman at iniisip. Sabi ng utak ko sa puso ko, "wag mo akong pagmukhain na tanga" at "hindi mo ba alam ang pwede mangyari, hindi ka na din naawa dun sa tao" higit pa ay "nasa probinsya ka, sa lupa ng ama mo, hindi ka na natakot!". Sumagot ang puso ko "ano ang mali sa paghanga ko sa isang tulad nya?", "hindi ko sya pinagsamantalahan dahil hindi ko sya pinaghubad!" at lalo na "lalake sya at bakla ako, sinong bakla ang hindi madadala ng isang lalake na tulad nya?"

Patuloy ako sa aking pag-iisip at pakikipagtalo sa sarili. Natanaw ko sya sakay sa kanyang kalabaw na muling tumutungo sa mga sako ng palay sa gitna ng bukid. Hindi sya lumilinga. Patungo lamang sa gitna ng bukid.

--- Ka Lando...

Tauhan: Tumawag po ang amang. Samahan ko daw po kayo umuwi.

Tanaw ko na muli nang nagkakarga ng mga sako ang Ka Lando sa karwahe. Yun lang at tumungo na ako pabalik sa aming bahay. Pagdating sa kalsada ay natanaw ko ang elf truck kung saan iniipon ang mga palay. Sinabihan ko ang pahinante na mauuna na muna ako at aabangan sila sa bahay. Nagbilin din ako sa tagapangasiwa ng kung anu-ano pa para masiguro na maayos ang lahat kahit wala ako. Sumakay na ako sa sasakyan na nag-aantay sa akin at tumungo na pauwi ng bahay.

Papasok pa lang ako ng bahay ng ama ay humangos na sya papunta sa akin.

Ama: Anu bang nangyari sa iyo?!?!

Alvin: Po?

Ama: Tumawag ang tauhan dito at pinsasabi daw ni Lando na masama ang pakiramdam mo at nasa gitna ka pa daw ng arawan! Hindi ko naman sinabi sa iyo na magpa-araw ka!

Alvin: Pasensya na ama. Hindi lang siguro ako sanay sa sobrang mainit. Ok na po ako. Dun na muna po ako sa may bodega.

Ama: O sige. Pasusundan kita ng inumin dun. 

Pagdating ko sa bodega ay nakita ko na abalang-abala ang mga tao sa pagsalansan ng mga sako. Binati ako ng mangilan trabahador. Sinilip ko ang loob at tiningnan ang ayos. Ipinakita sa akin ng katiwala ang kasalukuyan na mga bilang, pinanggalingan, at mga parte na inilalaan para sa mga bayarin at buwis. Pinag-aralan sandali at nakipag-usap kung gaano ito kumpara sa nakaraan na mga ani. Organisado ang tauhan ng ama at ipinakita nya ang mga datos mula sa nakaraang ani at mga basehan ng parte. Patuloy pa kami nag-usap tungkol sa mga palay nang dumating ang kasambahay ng Ama.

Kasambahay: Magandang hapon po. Pinadadala po ng ama nyo. Kumain daw muna po kayo.

Alvin: Dalhin mo sa kubo at doon na lang ako. Manong, sabihan mo ang mga tao na mag-meryenda muna.

Kasunod din ng kasambahay namin ang ilang may-bahay sa aming lugar na naghanda ng meryenda para sa mga tauhan. Ang kubo ay nasa tabi lamang ng bodega. Isang malawak na kubo ito na may isang mahabang lamesa sa gitna na gawa sa kawayan. Sa mesa ay nakapaikot ang upuan na gawa din sa kawayan na sya din bahagi at nagsisilbing pader ng kubo. Dito ginaganap ng ama at ng iba pang mga tao ang anu man mga pulong. Umupo ako sa harap kung saan ibinaba ang aking pagkain. Nagpasya ako na dito na muna pumwesto at mamahinga tutal kita ko din naman ang pagdating ng mga tao at mga palay sa aking kinauupuan.

Nagbalik agad ang mga tao sa trabaho matapos ang saglit na meryenda. Alas-singko pasado na nang dumating ang elf truck na nasa istasyon ko kanina. Tumayo ako at kinausap ang tauhan na aking pinagbilinan; nagtuos ng numero habang sinimulan na ng iba na isalansan ang mga palay sa bodega.

--- madami pala kaya natagalan, lalo na kung mag-isa lang si Ka Lando galing sa bukid na nag-dadala papunta sa truck.

Nang matapos sa pag-tuos, bumalik na ako sa kubo. Naalala ko ang Ka Lando. Humiga ako sa mga upuan at nagsimulang sariwain ang mga nangyari. Naaalala ko ang mga matitigas na braso ni Ka Lando. Ang kanyang bilugan na mga balikat. Ang kanyang malalapad na dibdib. Naalala ko ang kanyang mga akbay na parang yakap. Ang kanyang amoy ng pagkalalake. Ang kanyang mata na nangungusap. Ang mga labi na nakakauhaw. Ang gwapo ng Ka Lando, at ang sarap ng katawan nya. Sana nang ini-aayos ko ang kwelyo nya ay niyakap ko sya. Sana humiga ako sa dibdib nya para lubos na madinig ang tibok ng puso nya. Sana hinagod ko pababa ang kanyang damit; pababa patungo sa pwet nya para paluin. Sana ganun din sa harap para dakmain... para makita kung hanggang saan ang ka-machohan ng isang Ka Lando. Gusto ko punitin ang kanyang pantalon para makita ang ipinagmamalaki nya. Gusto ko sya  magalit at mahiya. Gusto ko sya maging sunud-sunuran sa akin. Gusto ko makita ang nararamdaman nya. Gusto ko maghubad ang Ka Lando... Gusto ko... Gusto ko... Gusto ko angkinin ang pagkalalake ng Ka Lando!

Ama: Nandito lang yun. Sandali at para makilala ka nga. Asan ang Alvin?

Nadinig ko ang boses ng ama na parang may kasama. Napaupo ako mula sa aking pagkakahiga dahil hinahanap na ako sa mga tauhan. Baka hindi ako mapansin. Lumabas na ako ng kubo at lumapit sa ama.

Ama: Nandyan ka lang pala.

Ka Lando: Kamusta na pakiramdam mo?

Alvin: Hah??

Ama: Ang Kuya Lando mo pala.

Alvin: Po??

Ama: Anu ba nangyayari sa iyo? Kako, ang Kuya Lando mo. Pinsan kamakalawa mo yan! 

Kuya Lando: Kamusta ka na? Ano na ang pakiramdam mo?

Ama: Ipinatawag nya kanina sa akin na nasa gitna ka daw ng bukid at hindi na maayos ang kilos mo. Baka dala daw ng init kaya pinabalik na kita dito. Pasalamat ka at nakita ka nya, baka kung anu na nangyari sa iyo.

Alvin: Kaya ko po sarili ko.

Ama: Lando, pasensya ka na dyan at medyo hindi pa sanay dito at hindi masyado kilala ang mga kamag-anak. Salamat sa paghakot sa palay at dyan sa anak ko. Magmeryenda ka na muna. Anak, samahan mo si Kuya Lando mo dyan sa kubo. Iiwan ko muna kayo sandali. Dito muna ako sa bodega.

Tinitigan ko sa mukha si Kuya Lando. Nabibigla pa din ako. Ang bilis ng pag-uusap, naimpatso yata utak ko. Nakatitig lang din sya sa akin.

Kuya Lando: Tara.

Sabay hinawakan nya ako sa balikat at inikot papunta sa kubo. Naglakad kami ng nakapatong ang kanyang kanang kamay sa aking balikat. Naramdaman ko ang bahagya nyang pagpisil sa aking balikat.

--- Kuya Lando... wag.

Halos kasunod namin sa pag-upo ay dumating ang kasambahay ng ama na may dalang meryenda para sa Kuya Lando. Umupo ako na may distansyang isang tao sa pagitan namin. Muli ay tiningnan nya lang ako. Ipinagsalin ko ng inumin ang Kuya Lando sa kanyang baso habang kumakain sya ng tinapay. Inilapit ko sa kanya ang baso para makainom na sya. Ibinaba nya ang tinapay para makainom. Parang nag-slow motion ang bawa't kilos nya para sa akin. Napatitig ako sa pagdampi ng baso sa kanyang mga labi. Itinaas nya ang kanyang mukha para makainom ng lubusan. Nakita ko ang kanyang mga pawis sa leeg na nag-uunahan tumulo. Bawa't lagok nya ay napapalunok din ako ng aking laway. Pawisan sya. Mula ulo papunta sa puno ng kanyang tenga, papunta sa leeg, papunta sa kanyang balikat. 

Kuya Lando: Ahh.

Naubos nya ang laman ng baso at iniharap ito sa akin. Nakuha ko ang ibig nya sabihin. Gusto nya pa uminom. Inabot ko ang pitsel at sinalinan muli ang kanyang baso. Muli syang uminom. Habang umiinom sya ay napasin ko na nakasilip sya sa akin. Tumigil sya sa pag-inom at iniharap ulit ang baso sa akin. Ipinunas nya ang kanyang mga labi sa likod ng kanyang palad habang nakatitig sa akin. Hindi pa pala ubos ang laman ng baso.

Kuya Lando: Uminom ka.

Alvin: Ayoko.

Kuya Lando: Uminom ka kung ayaw mo akong magalit sa iyo.

Nabigla ako na may halong takot. Baka galit na nga sya dahil sa nangyari kanina. Napa-iling ako ng isa at napayuko. Nahawakan ko na ang baso at kakabigin na ito para uminom. Ngunit hindi pa din binibitawan ni Kuya Lando ang baso. Naramdaman ko na lumalaban ang hawak nya sa baso. Dahil dito iniingat ko na ang ulo ko mula sa pagkakayuko at tinitigan sya. Halos inaagaw ko na ang baso sa kanya; nakikiusap ako sa tingin na ibigay na sa akin ang baso para hindi sya magalit. Nakatitig lang din sya sa akin. Matutunaw ako sa kanyang mga tingin. Nasa ganun kaming ayos nang umangat ang isa nya pang kamay at hinawakan ang akin na nakahawak sa baso. Dahan-dahan ay ipinadulas nya na kumawala ang aking kamay mula sa baso. Nagpaubaya ako. Habang hawak nya ang baso ay inilapit nya ito sa aking labi. Ang isa nya pang kamay ay naghanda sumalo sa ilalim ng aking labi. Dumampi ang baso sa aking labi. Nakatingin pa din ako sa kanya.

Kuya Lando: Uminom ka. Alam ko na uhaw ka.


2014-05-05

Araro ni Kuya Lando [02]


Tiningnan nya ako. Nakita ko na naman ang gwapo nyang mukha pero bakas sa kanya ang sakit na nararamdaman nya. Hindi sya agad nagsalita. Kanina pa sya ganyan. Para akong matutunaw sa tingin nya. Yumuko sya habang tinitiis ang sakit.

Lando: Yung jacket hinarang ko sa hangin. Isusuklob ko din sana sa iyo at baka mapuwing ka kaso nahuli ako. Hahawakan sana kita para hindi matumba kaya lang medyo magalaw ka na. Baka kako masaktan ka masyado kung sa lupa ka babagsak kaya pilit na lang kita sinalo...

Alvin: Hah?

Hindi na s'ya kumibo at pilit pa din na tinitiis ang anuman sakit na nararamdaman nya. Isang malalim na hinga palabas ang ginawa n'ya at tuluyan na syang nakatayo. Hindi sya agad kumilos. Parang tinatantiya nya pa din ang timpla ng kanyang katawan.

Alvin: Hindi ho kayo agad nagsalita na naiipit ko na yung kung anuman dyan sa pagitan ng pantalon nyo. Ayan kayo pa tuloy ang nasaktan.

Tahimik lang sya. Tahimik lagi. Tumingin lang ulit sa akin.

Alvin: Ok ka na ba?

Ka Lando: ...

Alvin: Ok... Paano mo pala dadalhin yung mga palay sa imbakan?

Ka Lando: Sige ho. Sisimulan ko na.

--- Taena. Tindi sa pagkasuplado.

Umalis na sya at tumungo sa kung saan. Ayoko na sya habulin at magtanong pa. Medyo napapahiya lang ako ng konti. Hindi ko alam kung suplado o naiinis sya sa akin. O talaga lang tahimik na tipo ng tao. Pero mabait sya. Akalain mo yun, hero in the making sya agad sa buhay ko. At misteryoso. Kung ako ay isang pusa, oks lang mamatay sa pagka-curious ngayon. Mas lalo pa nga syang naging nakaka-interesado dahil sa gawi nya. Tinatanaw ko sya na naglalakad palayo, nakikita ko ang lapad ng likod nya sa namumutok nya na damit pantaas. Lapad ng balikat at ang laki ng katawan nya. Teka...

Asan yung jacket nya? Umikot-ikot ako ng bahagya at nakita ito malapit sa kinatatayuan ko. Hindi nya na siguro napansin na naiwan nya. May kung anung kagagahan ang pumasok sa isip ko. Inamoy ko ang jacket nya. Amoy lupa. Amoy araw. Amoy pawis ng lalake. Amoy pawis ng magsasakang lalake na naarawan. Eto pala ang amoy ng Ka Lando.

Naglaro sa isipin ko ang posisyon namin kanina. Nakatukod ang aking kaliwang kamay sa kanyang kanan na dibdib. Ang tigas ng laman ng dibdib nya. At ang utong nya nadama ko sa palad ko. Tigas na tigas. Bak-tong si Ka Lando, bakat ang utong. Anu kaya kung nilamas ko ng konti? O di kaya ay pinaikot ang mga palad ko sa utong nya? Sabay na imbis na diniinan ko ang pagkatukod ng tuhod ko sa kanya, ay ikiniskis ng taas-baba sa namumukol na kung ano sa ilalim ng pantalon nya. Siguro habang nakahiga sya imbis na nasaktan sya ay nasarapan sya. Dahil nasarapan sya ay ilalatag nya ang buo nyang katawan sa lupa. Nakalatag ang mga kamay palayo sa kanyang katawan pati na din ang kanyang paa. Magpapaubaya. Paano kaya masarapan ang Ka Lando? E paano kung pumalag?

--- Amo ako dito at gagawin ko lahat ng gusto ko sa iyo. Kapag sinabi ko na maghubad ka, hubad agad!

Naglalaro sa isipan ko ang katawan ng Ka Lando. Pero paano kung tingnan nya na naman ako gamit ang kanyang puppy-eyes? At magmakaawa sa akin na "Huwag kuya, huwag Alvin..."

--- Aw.

"Huwag mo tigilan. Huwag mo ako dahasin. Susunod naman ako sa gusto mo."

--- Hehehehehe.

Pero mas gusto ko yung medyo lumalaban. Medyo nabibigla. Yung mapusok. Yung ayaw na gusto. Yung makikiusap sya sa akin. Kaya lang, may puppy-eyes pa din at sobrang tahimik pa. Baka maghubad lang ng tahimik, humiga, at magmakaawa sa akin sa tingin. Walang energy. Kakahiya. Mapapayakap na lang siguro ako sa hubad nya na katawan, sa malaki nyang katawan... sa pagkalalake nya. Titingnan ang kanyang ka-gwapuhan, dadampian ng daliri ang kanyang mga labi at pisngi, at sasambahin ang katawan nya... Sabay sasakalin ng ubod ng higpit ang burat nya! Jajakolin ng paulit-ulit! Jakolin ko sya ng paulit-ulit hanggang paulit-ulit syang labasan! Habang pupugpugin ng halik ang kanyang leeg paakyat sa puno ng tenga nya at pababa sa kanyang mga labi! Hahalikan ng torrid hanggang hanapin nya ang hangin. Uulit-ulitin hanggang sa labasan sya! Hanggang madinig ko ang kanyang mga halinghing. Hanggang lumabas ng paulit-ulit ang ka-machohan nya. Hanggang hindi ako nagsasawa sa kanya!

--- Lalabasan yata ako sa hayup na Ka Lando na yun! Mangangasul betlog ko sa kanya!

Itiniklop ko na ang jacket nya at inilagay sa isang tabi. Umuupo ako sa kahoy na bangko at tinitigan ang jacket. Sinasariwa ko sa aking isip kung paano ko nakilala ang Ka Lando at kung paano ko na-gustuhan ang mga kurba ng kanyang katawan. Higit sa lahat, ang kanyang ka-gwapuhan. Lalo na kapag tumitingin sya na nakikiusap nang hindi nawawala ang ka-machohan nya. Sana medyo umaayos ako kanina. Dami ko sablay na nagawa, kakahiya din. Hindi ko naman din dapat pagsamantalahan yung tao. Iniisip siguro nun matapobre ako. Ni-hindi man lang pala ako nagpasalamat at pinagsabihan ko pa sya. Ang hirap maging maganda kase.

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni nang matanaw ko ang isang taong nakasumbrero na nakasakay sa isang kalabaw. Hila ng kalabaw ang mababang karwahe na gawa sa kawayan at may maliit na mga gulong. Tumungo ito sa kinalalagyan ng mga palay at natanaw ko na sinimulan ilulan ng taong nakasakay sa kalabaw ang mga sako ng palay paisa-isa. Si Ka Lando ba yun?

Lumapit ako sa kinaroroonan ng lalaki. Papalapit pa lang ako ay nasiguro ko nang sya nga ang Ka Lando, bukod sa damit nya na sya lang ang napansin ko na may ganoong kasuton, ay napansin ko na agad ang malaki nyang pangangatawan. Natigalan ako na lumapit ng tuluyan dahil naunahan ako ng hiya sa mga nagawa ko kanina. Isa pa, baka maka-abala pa ako sa kanya at maka-harang sa dinadaanan nya. Wala naman ako maitutulong din. Nakailan patong din ng palay ang ginawa ng Ka Lando sa karwahe nya. Nang siguro ay matantsa nya nang husto ang bigat ay pinastol nya ang kalabaw pabalik sa kanyang pinanggalingan.

--- Ah. Ganun pala yung paghakot ng palay galing sa gitna ng bukid.

Habang nagsisimula na syang bumalik ay natanaw nya akong nasa gitna pa din ng bukid. Napatigil sya. Isinangga nya ang kanyang kamay sa sikat ng araw na parang wari ay matanaw ako ng maigi. Tinaas nya ang kanyang ulo na para bang tinatanaw ang sikat ng araw. Muli ay tumingin sya sa akin ng direcho. At muli ay tumingin sa sikat ng araw. Pagtingin nya ulit sa akin ay ibinaba nya ang kanyang kamay. Iniwan nya ang kalabaw at karwahe at naglakad papunta sa sa kinatatayuan ko. Mabilis ang kanyang paglakad patungo sa akin. Nakatayo lang ako sa gitna. Natitigilan ako na kumilos. Hindi ko alam kung bakit. Nasa harap ko na ang Ka Lando.

Lando: Huwag ka magpa-araw.

May halong tigas ang mga salita nya. Parang galit. Hindi pa din ako gumagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya. Muli ay pilit nya tiningnan ang sikat ng araw habang nakasangga ang kanyang kamay, at muli din ay tiningnan ako. Mabilis ang kanyang mga kilos. Hinubad nya ang pang-ibabaw nya na t-shirt at pinagpag ito sa hangin. Isinuklob nya ang t-shirt nya sa aking ulo, tumabi sa akin at inakbayan ako. Sa kanyang pag-akbay ay hinawakan nya ang aking balikat. Ang higpit ng hawak nya sa aking balikat pero sapat na marahan pa din kaya't hindi ako nasasaktan. Habang naka-akbay ay pilit nya ako na inikot paharap sa kung saan ako galing. Nang nakaharap na kami sa aking pinanggalingan ay hindi nya pa din tinanggal ang kanyang pagkaka-akbay at hindi din binibitawan ang pagkakahawak sa aking balikat. Nagsimula sya maglakad. Napasunod ako dala ng kanyang lakas pero halos nakakaladkad ako dahil sa pagmamadali nya. Hindi pantay-pantay ang matitigas na na putik sa bukid kaya medyo natitisod ako. Sa tuwing natitisod ako ay niyayakap nya ako pahigpit sa kanya para hindi madapa. Pagdating na pagdating namin sa lilim ay agad nya tinanggal ang nakasuklob nyang damit sa akin at tinampal-tampal ako sa kaliwang pisngi.

Lando: Alvin. Alvin. Napaano ka.

Naramdaman ko na palakas ng palakas ang kanyang tampal. Nang mapagtanto ko ay hawak na ng aking kaliwang kamay ang kamay ng Ka Lando na nakahawak sa aking pisngi. Natigil ang kanyang pagtampal. Ipinatong nya naman ang kanyang kabilang kamay sa  aking balikat at humagod papunta sa aking leeg. Napahawak ang isa ko pa na kamay sa kaliwang braso ng Ka Lando.

Ka Lando: Alvin!

Alvin: Po?

Kahit hawak ko na ang kanyang kaliwang braso ay hinagod nya pa din ito sa aking leeg papunta sa aking kanang pisngi. Salo ngayon ng kanyang mga kamay ang aking mukha mula sa pisngi. Hindi ko pa din tinatanggal ang  hawak ko sa kanyang kaliwang kamay at ang kanan ko sa braso nya.

Ka Lando: Alvin.

Alvin: ...

Ka Lando: ...

2014-05-03

Araro ni Kuya Lando [01]


Mainit. Makati. Sobra. Mula ulo hanggang paa.

Bukod sa sumasalamin sa pagkatao ko ang mga salita na iyan, sa ngayon, literal na iyan ang nararamdaman ko dahil anihan ng palay sa lupain ng aking ama. Dala-dala ng hangin ang iba't-ibang bahagi ng palay kasabay ng alikabok at init. Syempre, hindi ko talaga kinakaya kahit sobrang layo ko sa mismong gapasan at pagpagan ng palay. Pero wala ako magawa kundi ang tanawin ang lahat ng mga ginagawa, napag-utusan kase. Umaangal pa ba ako e nasa lilim naman ako at may inumin pa na malamig kumpara sa iba na nasa ilalim ng matinding sikat ng araw. Pero kahit na. Init e. Wala man lang entertainment. Hay... Tuyot.

Tauhan: Kuya, sabi po ng amang, ang Ka Lando daw po ang tutulong magdala ng palay sa imbakan. Baka maka-ilan hakot daw ho dahil hindi kaya ilusong ang sasakyan.

Alvin: Sino yun?

Tauhan: Hindi n'yo po ba kilala?

Alvin: Magtatanong ba ako kung kilala ko? Kakadagdag ka sa init ha..

Tauhan: Pasensya na po..

Alvin: Hay... pasensya na din. Hindi pa ako sanay at hindi ko alam ang palakad dito.

Tauhan: Sige po. Sabihan ko ang Ka Lando na puntahan muna kayo dito bago humakot.

Alvin: Sige. Salamat.

No choice. Mukhang gusto talaga ng ama na matusta at matuto ako dito. Paano ba hahakutin ng Ka Lando ito e kung yung sasakyan nga e hindi uubra. Paano ba yun? Isa-isa nya bubuhatin? Baka naman abutin ako dito ng susunod na taniman? Naku. Antayin ko na nga lang. Anong oras kaya yun darating?

Nakalipas na ang mahigit isang oras, mag-aalas-dos na. Halos gapas na ang lahat ng palay. Iniipon na sa mga sako para hakutin. Ang tagal naman ng Ka Lando. Tinatanaw ko ang mga nag-ta-trabaho ng mula sa likod ay may bumati.

Tao: Magandang tanghali, Alvin.

Alvin: Mainit na tanghali kamo.

Tao: Mainit na tanghali, Alvin.

Aba't lokong ito a. Humirit pa pabalik sa akin. At teka, first name basis? Close tayo? Hinarap ko nga.

Alvin: Anu bang... Teka. Sino ho sila?

Tao: Lando. Lando po.

Ngayon ko lang napansin na bago sa pandinig ko ang boses nya. Malumanay pero buo, malalim.

Alvin: Ikaw po si Ka Lando?

Ka Lando: Opo.

--- 'Ka Lando' daw. Ang akala ko e kapag may 'Ka' sa pagtawag e referring sa mga matatanda sa lugar sa amin. Ang lalaki na nasa harap ko e parang nasa late 30's pa lang. Ang late 30's sa amin ay maituturing na bata pa lalo na kung sabak sa trabahong bukid.

Alvin: Ah okay po.

Yumukod sya para magpakita ng respeto.

Alvin: Ka Lando.

Tumayo sya ng tuwid.

Ka Lando: Po?

Medyo nagulat ako dahil malaking tao ang nasa harap ko. Nasa 5'5 lang ang aking taas at tantiya ko ay nasa 5'10 hanggang 5'11 ang Ka Lando. Makakapal ang buhok nya na wala sa ayos at halatang bilad sa araw. May mga butil ng pawis na nanggagaling sa kanyang buhok pa punta sa kanyang mukha. Mapungay ang kanyang mga mata na medyo may singkit sa dulo. Maganda ang ilong at medyo manipis ang mga labi. Medyo pangahan sya. Ang kanyang kutis ay kayumangging-kaligatan.

Gwapo. Gwapo ang Ka Lando.

Ang suot nya ay lumang t-shirt na putikan at may ilang butas. Nakapatong ito sa isa pa na pulang t-shirt na may mahabang manggas. Bukod pa dito ay may nakapatong na lumang maong na jacket sa kanyang mga balikat. Ang kanyang mga balikat ay bilog na bilog, at kahit sa balot nya na mga kasuotan ay kita ko na namumutok ang mga muscles nya mula sa balikat hanggang braso. Ang lapad ng kanyang balikat pati na din ang kabuuan ng kanyang braso. Hindi ko din naiwasan hindi tingnan ang kanyang napaka-matipunong dibdib. Bilugan ito sa ilalim ng kanyang mga suot at hindi ito maitago lalo na't pawisan ang bahagi ng damit sa pagitan ng kanyang dibdib. At kahit doble pa ang ang kanyang suot pantaas ay  kitang-kita mo ang tayung-tayo nya na utong. Sarap sabitan... ng dila. Ang laki ng kabuuan ng katawan ng Ka Lando. May kaunting tyan ang Ka Lando pero mas lalo lamang nagpa-macho ito sa kanya. Lalaking-laki ang tikas nya. Akala ko noon ay macho na ang Kuya Junior [see Kuya Junior], pero heto ang Ka Lando, di-hamak na mas malaman ang pangangatawan. Mas matankad, at mas malaki ang katawan. Malaking tao ang Ka Lando, pero malaki din kaya ang sandata nya?

Napaatras ako ng bahagya.

Ang suot nya na kupas na maong ay parang gusto nang mapunit sa kanyang pagkakasuot. Hapit ito sa kanyang mga hita ngunit mas hapit pa sa bandang itaas. Pilit kong inaaninag ng pa-simple kung talaga nga ba na bayag nya na ang nakaumbok sa pagitan ng kanyang mga hita. At sa bandang bahagi ng kanyang pantalon malapit sa bulsa... Burat kung sakali! Burat nya na yata yung nakahilig sa loob ng pantalon.

Umatras ang Ka Lando sabay yuko ng bahagya.

Ka Lando: Pasensya na kung amoy araw at pawis na ako.

Alvin: Naku. Hindi po!

--- nayari na. akala siguro maarte ako.

Alvin: Hindi po. Pasensya na at medyo nagulat lang ako. Akala ko ho mamaya pa kayo darating.

Ka Lando: Ganun ba? Nabanggit ho kse ng tauhan nyo na kanina pa kayo nag-aantay dito. Pasensya na at medyo madami lang ang nasabay. Uunahin ko na ang sa inyo.

Alvin: Ako? Anong gagawin?

--- ay mio! uunahin daw ako? ta-trabahuhin ako sa bukid? baka may makakita!

Ka Lando: Opo. Yung palay nyo po. Dadalhin ko na sa imbakan.

Alvin: Ah..

--- feelingera lang talaga at ganda ng selective pagka-bingi

Alvin: Kayo n'yo ba buhatin yan isa-isa? Hindi ba matatagalan?

Ka Lando: Po?

Sabay titig sa akin at ngumiti ng bahagya. Nakita ko ang kaputian ng kanyang ngipin at higit sa lahat ay ang kanyang dimples. Tumigil sya sa ganoong ayos. Sa kanyang mata, kita mo ang pagod pero may saya at ka-simplehan. Inosenteng tingin ang ginawad nya sa akin at parang tumatagos ang mga ito sa akin.

Kumabog ang dibdib ko.

Higit sa kalibugan na naramdaman ko sa pagmasid sa katawan ni Ka Lando, para bang nabato-balani ako sa kanya. Nakaka-in-love ang itsura at kagwapuhan ng Ka Lando! Nakaka-kilig ang kanyang mga tingin, nakakaalis ng pagod ang kanyang ngiti. Gusto ko sya lambingin at punasan ang pawis sa kanyang mukha. Macho pero maamong mukha? Kakaiba ka Ka Lando. Ang lakas ng appeal mo sa akin.

Bigla ay humangin ng malakas. Dala nito ang makapal na alikabok at mga bahagi ng palay. Itinakip ko ang braso ko para hindi ako mapuwing ngunit huli na. Pakshet! Ang sakit mapuwing! Naramdaman ko na nakalipas na ang hangin at pilit ko minumulat ang aking mata sabay hinahawi ang posible pa na alikabok gamit ang kwelyo ng aking damit. Hindi ako mapakali sa puwing ko hanggang sa mawala ang aking balanse sa pagkakatayo. Natisod ako paatras at naramdaman ko na mapapahiga ako sa lupa. Dyahe at naku naman, madadagdagan pa ang sakit sa katawan ko! Bawal yata tingnan ang Ka Lando, na-karma agad ako.

Sa hindi inaasahan, hindi ko naramdaman ang matigas na lupa.

--- Buti na lang madamo, swerte pa din ang kahihiyan!

Bumalikwas ako ng dahan-dahan sa aking pagkakahiga. Tuloy pa din ang pagkusot ko sa aking mata para matanggal ang puwing at alikabok habang tumukod na ang kaliwa ko na kamay sa damo upang tumayo kasabay din ng pagtukod ng tuhod sa lupa.

Ka Lando: Ah..

Pilit ko na dinilat ang aking mata. Nang maimulat ko na ito ay nasa ganoon posisyon pa din ako, pero hindi sa ibabaw ng damo. Kundi sa ibabaw ni Ka Lando. Ang aking kaliwang kamay ay nakadiin sa kanyang kanang dibdib at ang tuhod ako ay nakatukod sa bandang ibaba ng kanyang tiyan sa pagitan ng kanyang hita. Napatayo ako bigla. Pagkatayo ko ay nakita kong bahagyang namaluktot ang Ka Lando habang pilit na tumatayo ng dahan-dahan. Ang kanyang kanang kamay ay nakakapit sa maselan na bahagi ng kanyang katawan. Hindi sya makatayo ng tuluyan. Natuhod ko yata ang bayag ng Ka Lando! Sa kanyang mahina at medyo basag na salita:

Ka Lando: Nasaktan ka ba? Ah..

--- Ako pa ba ang nasaktan e ikaw itong namimilipit dyan sa sakit?

Tiningnan ko kung saan kame naka-pwesto ngayon at inisip kung ako ang nangyari. Sigurado ako na hindi ako naglakad palapit sa kanya. At alam ko na ang pagbagsak ko ay patalikod.

Alvin: Paano ka napunta dyan?!?