2020-04-14

Kwento Nila. Kwento Mo: Uniporme

Sa mga tagasubaybay. Ito ay mga kwentong ibinihagi at binigyan inspirasyon ng mga sumulat o nagkwento ng kanilang mga naging karanasan. Ang mga impormasyon na maaring tumukoy sa mga nagbahagi ay iniba, at ang kwento ay binigyan ng  interpretasyon at istilo ng manunulat. 



Para kay Ramon--

Sana nabigyan ko ng hustisya ang kwento mo. Salamat sa pagbahagi.


----------------------------------------------------------


Dear Mang Johnny,


"To Serve and Protect"


Yan ang sentro ng buhay ko. Bago ko pa man tuluyan naisuot ang uniporme ko, yan na ang pinaniniwalaan ko kahit bata pa ako.


Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Ang pang-gitna namin ay babae. Sa isang punto ng buhay ni Ate ay nagkaroon sya ng anak sa pagkadalaga. Kinse anyos ako nang nangyari ito. Hindi ko pa masyado naiintindihan pero ang alam ko, masakit. Masakit makita ang pamilya na umiiyak. Naaalala ko nang nagtapat si Ate sa amin lahat, hindi man lang nagalit sila Mama at Papa. Niyakap lang nila si Ate na panay ang 'sorry'. Pinapaalis ako sa usapan ni Kuya dahil bata pa daw ako. Sinuntok ko ang pader namin sa sakit na naramadaman ko nun para sa Ate ko. Gusto ko gumanti. Pero niyakap lang ako ni Ate at ni Kuya ng sabay. Sinabi at tinanim ko nun sa sarili ko na hindi ko hahayaan maagrabyado uli ang pamilya namin. Gagawin ko ang lahat ng kaya ko para sa pamilya ko.

Nagpasya si Ate na umalis ng bansa pagkatapos mag-isang taon ng baby nya. Hinatid namin sya sa airport. At bago sya pumasok ay niyakap nya ako ng mahigpit, puno ng luha ang mukha.


Ate: 'Boy. Wag mo pababayaan ang baby natin ha. Mahalin mo sya. Yung hindi ko maibibigay na pagmamahal, ibigay mo sa kanya. Love na love ko kayo parehas. Lagi kayong magiging 'baby' sa buhay ko.


Buboy: Oo Ate. Pramis ko sa iyo yan. Pramis. Wag mo pababayaan sarili mo. 


Lumipas ang mga taon. 


Si Carlo, ang baby namin, ay lumaki bitbit ang pangalan namin. Maykaya naman kahit papaano ang pamilya namin at ginawan nila ito ng paraan. Lumalabas sa papeles na magkapatid kami, pero sa dugo ay pamangkin ko sya. Nang nag-aaral pa ako, mas gusto ko agad na umuwi kesa nasa labas para makipaglaro para alagaan ang aming 'bunso'. 


Mama: O ayan na si Tito Buboy, Carlo.


Ramon: Mama naman, Tito Ramon o Tito Mon na lang. Hayaan mo na kila Ate at Kuya yung tawag na yan sa akin.


Mama: Asus. Binata na talaga. Ayaw na patawag ng Buboy. Eto na at nakita ka na. Gusto na sumama sa iyo.


Lumaking malapit sa akin si Carlo dahil naging kasama ko na sya sa pagtulog. Kilala nya din si Kuya pero dahil sa ibang bahay na nakatira si Kuya ay hindi nya ito lagi nakikita. Mama din ang tawag nya sa Mama namin.


Tinitipid ko ang baon ko sa pag-aaral para may maibili ako pasalubong sa pamangkin ko.


Ramon: Carlo!


Carlo: Tito 'Mon! Asan pasalubong ko?


Ramon: Pasalubong agad? Wala pa nga kiss e.


Malagkit na kiss sa pisngi na may kasamang yakap ang agad nya ibibigay.


Carlo: Akin yan Tito 'Mon?


Ramon: Kuha mo muna slippers ko.


Magmamadali sya na hanapin ang tsinelas ko na pambahay at ilapag sa harap ko. Tapos ay pilit na inaabot ang itinaas ko na pasalubong.


Ramon: Iyak ka muna. 


Carlo: Iihhh... Tito naman e.


Ramon: Ah wala na pasalubong.


Carlo: Huhuhu....


Ramon: Gusto ko may luha.


Tumakbo papasok ng bahay si Carlo. Maya-maya ay kasama si Mama na palapit sa akin.


Mama: Ano bang kalokohan ito 'Boy?!?


Pumasok si Papa ng bahay.


Papa: O bakit? Ano problema Mama?


Mama: O eto, tingnan mo itong si Carlo. Pinapatakan ng tubig ang mata at pisngi!


Halong nag-gagalit-galitan at pigil na tawa si Mama sa itsura ni Carlo.


Carlo: Huhuhu. Papa. Si Tito Mon, ayaw ibigay yung pasalubong ko.


Papa: Pasalubong? Anong pasalubong mo? E akin yan e. Pasalubong ni Tito Ramon yan sa akin e.


Sabay hawak ni Papa sa pasalubong.


Carlo: .... Huwaaahhhhh!


Umiyak na ng totoo si Carlo.


Mama: Ay naku kayong mag-ama! Ininis nyo pa. Ibigay mo na nga 'Boy!


Ramon: Wala naman luha Ma' yung iyak o.


At mas lalo nilakasan ni Carlo ang pag-iyak nya.


Papa: Iyak pa! Lakasan mo pa. Itodo mo na!


Mama: Naku Papa, ikaw ang papaluin ko dyan e! Ramon, ano ba! Umiiyak na talaga! Ibigay mo na!


Ramon: Eto na nga.


Pagkaabot na pagkaabot ay tumigil si Carlo ng iyak na parang wala lang.  Binuksan ang kahon at sinumulang kainin ang pasalubong. Nakita nya nakatingin si Papa. Kumuha sya ng isang piraso at inalok ito kay Papa.


Carlo: Papa, gusto mo?


Papa: Penge nga. Ahh?


Bumuka ng bibig si Papa para ipasubo ang hawak ni Carlo.


Carlo: Sarap Papa. 


Sinubo lang ni Carlo sa sarili nya ang hawak nya. Natawa si Mama.


Papa: Aba't. Nagmana ka na ng kalokohan sa Tito mo ah.


Kumuha ulit ng isang piraso si Carlo at dumikit kay Papa na nakaupo na sa sofa. 


Carlo: Papa.


Papa: Dinaan pa sa lambing. Asus!


Yan ang ilan sa alaala ko nang lumalaki si Carlo. Minsan ay nakayakap lang sya sa isang binti ko habang naglalakad ako sa loob ng bahay. Minsan kapag paalis ako para pumasok ay umiiyak sya at naghahabol. Kapag late na ako umuuwi, madadatnan ko pa sila ni Mama sa sofa na inaantay ako. Minsan, nakakatulugan nya na ang pag-antay sa akin. Nasanay na din kami nila Mama na sa kwarto ko na sya natutulog kapag gabi.


Lumipas pa ang mga panahon.


Nakatapos ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa parehong taon, nag-pitong taon si Carlo. Dumating si Ate kaarawan ni Carlo. Kinausap namin si Carlo kaharap si Ate. Nagpaliwanag sa pinaka simpleng paraan na alam namin. Nagyakapan sila Carlo at Ate. Masaya kami para sa kanila. Kahit may ibang pamilya na si Ate ay hindi nya pinabayaan si Carlo. Si Carlo, matalino. naintindihan nya at walang bakas ng anuman na hindi maganda para kay Ate.

Ate: Congratulations 'Boy! I'm so proud of you!

Ramon: Salamat Ate,

Ate: At salamat. Madaming salamat sa pag-alaga mo kay Carlo.

Nagyakapan kami ni Ate. Mahigpit. Nakahinga na din ako para sa kanya.

Ate: Tuloy ba ang plano mo?

Ramon: Oo Ate.

Ate: Kayanin mo 'Boy.

Ramon: Oo Ate.

Nag-apply ako sa Serbisyo.

Madali ang exam kumpara sa physical . Kinailangan ko mag-focus. Medyo malaki na ang pangangatawan ko, pero hindi pala iyon lagi ang sukatan. Inisip ko nang mga panahon na nasa training ako yung mga pinagdaanan ng pamilya namin. Malayo man na ulit si Ate kasama ang bago nya pamilya, pamilya pa din sya sa amin. Si Carlo, pamangkin ko sya at gusto ko na maayos na buhay para sa kanya. Ito ang paraan ko.

Lumipas ang mga buwan, na naging taon.

Nagsilbi ako sa bayan nang nasa isip ko ang pamilya ko. Para sa bayan, para sa kanila din. Na-destino ako sa iba't-ibang lugar. Walang oras ang trabaho. Natuto ako na magtiis. Lagi ako nakikibalita kila Mama at Papa kung kamusta na sila at si Carlo. Natutuwa ako na matiwasay sila, at magaling sa eskwela si Carlo.

Lumipas pa ang mga taon.

Graduation ni Carlo sa grade school. Sa Manila na ako naka-destino ulit pero hindi pa alam sa bahay. Binalak ko talaga na sorpresahin sila sa Graduation. Magsisimula pa lang ang rites nang dumating ako. Medyo pinagtitinginan ako habang hinahanap ko sila  Mama at Papa dahil naka-uniporme pa ako. Natanaw ko sila Mama at Papa, tahimik ako lumapit pero dahil na nga sa pinagtitinginan ako, bago ko pa nasorpresa sila Mama at Papa ay napalingon na sila sa direksyon ko.

Mama: 'Boy?!?

Halos napasigaw si Mama na tumakbo papalapit sa akin. Ang higpit ng yakap ni Mama sa akin at panay ang halik sa akin pisngi.

Papa: Mama. Dahan-dahan. Naka-uniporme.

Mama: Wala akong paki!

Ang mataray na sagot ni Mama kay Papa habang pinupusanan ang lipstick nya na kumapit sa pisngi ko.

Papa: Sir.

Nilabas ni Papa ang kamay nya para makipag-kamay sa akin. Kinamayan ko si Papa. Matapos ang ilang segundo ng pagkamay ng mahigpit kay Papa ay niyakap nya din ako ng mahigpit.

Mama: O... bawal. Naka-uniporme.

Papa: Wala din ako paki!

Halong saya at luha sila Mama at Papa. Nang mahimasmasan na sila ay naalala nila kung bakit kami nandito.

Mama: Anak. Anu ba yan. Sinorpresa mo naman kasi ako. Kaya pala hindi ka sumasagot.

Papa: May surprise din kami.

May inakbayan si Papa na estudyante na naka-toga.

Papa: Meet our Salutatorian.

Humarap ang estudyante sa akin.

Carlo: Tito Ramon?

Nagulat ako sa binatilyo na humarap sa akin. Halos nasa dibdib ko na ang tangkad nya. Nang huli ko sya nakita ay wala pa sa bewang ko ang taas nya.

Ramon: Mr. Carlo. Congratulations.

Nagkamayan kami. Dalawang kamay ang ginawad ko sa kanya.

Carlo: Thank you sir.

Niyuko ni Carlo ang ulo nya habang hawak nya pa din ang kamay ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya. Nadinig ko ang mga impit na hikbi nya at pag-singhot. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha nya sa aking mga kamay.

Ramon: Hindi ka ba yayakap sa Tito mo? Parang ayaw mo ako makita ah.

At bigla ay yumakap sa aking dibdib si Carlo. Ang higpit. Sobrang higpit. Ramdam ko ang mga panahon na wala ako sa bahay. Ramdam ko na nawala lahat ng pagod ko.

Inakbayan at niyakap nila Mama at Papa si Carlo. Unti-unti ay kumalas sya sa pagkakayakap sa akin.

Mama: O, anak. Papangit ka sa picture.

Ang pabiro na linya ni Mama habang pinupunasan ang luha ni Carlo. Nagtinginan lang kami ni Papa. May ngiti at kaunting luha sa gilid ng aming mga mata.

Dahil hindi ko nakalista sa bisita at limitado ang upuan ay masaya ko na pinanood ang mga pangyayari mula sa likod. Nakita ko na tinaaas nya pa ang medalya nya sa direksyon ko. Natapos ang graduation rites. May mga kaklase si Carlo, kasama ang magulang, na sumunod sa amin bahay para sa isang salu-salo.

Pagbaba na pagbaba ko pa lang ng sasakyan sa garahe ay yumakap ulit si Carlo sa akin. Sinuklian ko ang yakap nya ng buong higpit na halos maiangat ko sya.

Ramon: So proud of you, anak.

Carlo: I missed you Tito Ramon. Super. You surprised me. I really wanted you to come.

Ramon: At ingglesero ka na. Kuha lang ako tissue at baka duguin ilong ko.

Halong tawa at iyak. Lumapit na din sila Mama at Papa na niyakap kami parehas ng mahigpit.

Dumating na ang mga kaklase ni Carlo. Nanghiram muna ako walking shorts kay Papa para makapagpalit man lang pantalon. Iniwan ko na lang undergarment ko na pantaas. Biniro ako ni Papa nang makita nya ako.

Papa: Lumaki pa lalo katawan mo, anak ah. At mataas na dibdib mo.

Sabay hampas sa dibdib ko.

Papa: Tigasin ka na din ba.

Sabay suntok sa abs ko.

Ramon: Pa', suotin ko na kaya ulit uniform ko? Ano sa tingin mo?

Natawa lang si Mama na nakikinig pala habang nag-aayos. Pinigilan ako ni Mama na tumulong mag-ayos sa pagkain. Wag na at hindi na daw bagay sa akin. Kaunti na din na lang naman daw at nakaayos na sa tolda sa garden.

Simple man, masaya naman ang handaan. Kulitan ng mga estudyante na nakapaikot at sanay kumain sa upuan lang. Sa isang bahagi naman, kwentuhan ng mga magulang habang kumakain sa mesa. Nakatayo ako kasama si Papa sa isang sulok habang umiinom ng beer.

Papa: Buti nakapunta ka. Malaking bagay yan sa kanya. Nagkausap sila ni Ate mo nang nakaraan Linggo. Sabi nya kay Ate mo, sobra-sobra na pinadala na regalo at oks naman sya sa graduation na kami lang. Ito lang gusto nya, handaan lang daw. Pero lagi nya tinatanong sa amin kung makakapunta ka. Pinapaalala pa nga lagi na sabihan ka o kung sumagot ka na daw ba. Kaya laking gulat talaga namin lalo na nya.

Ramon: Pasensya na Pa'. Gusto ko lang kayo sopresahin din.

Papa: Kaya salamat. Ginawan mo paraan.

Ramon: Salamat Pa'. Na-miss din kita.

Tumango lang si Papa. Sabay salubong ng mga baso namin.

Papa: O mukhang may fans ka...

Papalapit si Carlo at mga kaklase nya.

Carlo: Tito, classmates ko. Friends, Tito Ramon ko. He's the one kanina in uniform.

Nakipagkamay ang mga kaibigan ni Carlo sa akin. Ang ilan ay nakipag-picture pa.

Natapos ang handaan. Nag-uwian ang mga bisita. Naiwan kami ni Papa na nag-iinuman.

Carlo: Papa, Tito, can I join?

Papa: Ask mo si Tito mo.

Ramon: Upo lang pero hindi ka pwede uminom. Wala ka pa sa legal age.

Carlo: That's fine. I have juice with me.

Ramon: Baka may alcohol yan, tatamaan ka sa akin kahit graduation mo.

Carlo: No alcohol Tito. I swear.

Papa: O come on 'Boy! Stop acting like he's a baby. Give him a glass! At least sa atin sya matuto; with us kesa sa labas. I taught you how to drink. Might as well, do the same!

Mama: Oy! Nadinig ko yan. Papa, umayos ka dyan!

Papa: Mama! Give us boys some space. Ikaw naman. How often do I get a chance like this?!

Mama: 'Boy. Dalawang ingglesero na kasama mo... Ikaw na bahala dyan.

Papa: Mama. Malaki lang katawan nito, kaya ko pa din ito... basta wag lang sya naka-uniporme.

Nagtawanan lang kami lahat.

Lumipas ang gabi na nagkwentuhan kami ni Papa habang nakikinig lang si Carlo.

Papa: Tulugan na!

Mama: Hay sa wakas!

Hinihintay pala kami ni Mama. 

Mama: 'Boy. Anak. Hindi ko naihanda yung kwarto mo at hindi ko talaga akalain. Si Carlo na gumagamit ng kwarto mo. Dun ka na muna matulog ngayon at ayusin ko yung para sa iyo bukas.

Ramon: Kahit sa salas sa sofa lang ako. Sanay ako.

Papa: Tigilan mo nga yan. Bahay mo pa din ito. Bakit ka sa sala matutulog?!

Carlo: Oo nga Tito. Pwede ka naman sa sahig sa kwarto. 

Nagtawanan lang kami. Puno ng pagmamahal ang pagkakataon na iyon. Tumungo na kami sa dati ko na kwarto na ngayon ay kay Carlo na. Nagsimula ako maglatag sa sahig.

Carlo: Tito Mon, dyan ka talaga matutulog? Binibiro lang kita kanina.

Ramon: Hahaha. Oks lang yun. Sanay tayo sa kung saan lang matulog. 

Carlo: Dito ka na sa kama.

Ramon: Ha?! E double bed lang yan. Hindi tayo magkakasya dalawa. Malikot ka pa matulog.

Carlo: Hindi ah!

Ramon: Talaga?!

Tinulak ko si Carlo sa kama. Ni-wrestling ko sya ng padapa at pinilit na sumuko. May mga pagkakataon na nakihaga sya at kinikiliti ko sya habang pinapako sya sa kama. Sa mata ko, musmos pa din na kalaro si Carlo. Kumatok at pumasok si Mama sa kama sa kalagitnaan ng aming harutan.

Mama: Huy 'Boy! Kayo talagang dalawa! Magpahinga na kayo.

Ramon: Sorry Mama. Na-miss ko lang si Carlo.

Carlo: Mama si Tito Mon ayaw magpatalo o!

Mama: Tama na yan 'Boy, anak. Alam ko pagod ka na.

Niyakap ko mula sa likod si Carlo.

Ramon: Oo Mama. Tulog na kami pagkatapos ko i-body slam ng isa ito.

Sabay binuhat ko si Carlo at hinagis sa kama sabay dinaganan.

Mama: Hay naku. Para ka pa din bata 'Boy!

Nakangiti na lumabas si Mama at sinara na ang pinto. Habang dagan ko pa din si Carlo ay naramdaman ko na yumakap ito sa akin ng mahigpit.

Carlo: Tito Mon.

Tumingala ako at hinarap sya.

Carlo: A... e... wala Tito Mon.

Ramon: Ano nga yun? Nahihiya ka na sa akin? Binata ka na talaga.

Carlo: Tinakpan lang ang mukha nya ng unan.

Ramon: Huy!

Tinanggal ko ang unan mula sa kanyang mukha.

Carlo: Tabi na tayo Tito Mon matulog. Hindi ako malikot. 

Napangiti ako sa lambing ni Carlo.

Ramon: Sige. Mag-ayos na tayo.

Inayos na namin ang kama at mga unan at naglinis na ako ng bahagya sa banyo. Paglabas ko ng banyo ay nakapatay na ang mga ilaw liban sa desk lamp. Nakaharap si Carlo sa kabilang dulo at sakop ang kalahati ng kama. Humiga ako sa libreng bahagi na kama.

Ang sarap humiga sa malambot na kama.

Pinatay ko na ang ilaw at sinalo ang likod ng ulo ko gamit ang parehong kamay. Ramdam ko ang kalayaan ko sa bahay namin. Hindi ko na namalayan ang paghimbing ko.

Nagising ako. Madilim pa sa labas. Tiningnan ko ang oras sa relos ko; alas-kwatro pa lang ng umaga. Sanay ang katawan ko sa maigsi na tulog. Naisip ko na bumangon na. Patayo na sana ako nang naramdaman ko na may nakapatong sa akin bukod sa unan. Nakayakap ang mga kamay ni Carlo sa akin pati na din ang hita at binti nya. Bahagya ko inusog paalis ito pero gumalaw ng bahagya si Carlo payakap ulit. Ayoko sya magising kaya't hindi ko na tinangka na bumangon pa. Pinilit ko ulit matulog. Inunan ko ulit ang mga kamay ko sa likod ng ulo. Bahagya na ako ulit makakatulog nang naramdaman ko ang ulo ni Carlo na medyo sumiksik sa kili-kili ko. Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang yakap nya sa aking katawan habang mas bumigat ang kanyang tuhod sa aking mga hita. Sa bahagyang pag-galaw ng kanyang mga hita ay tinamaan ng kanyang tuhod ang ari. Natawa lang ako na parang bata pa din si Carlo sa akin. Tuluyan na ako nahimbing.

Nang nagising ulit ako ay maaraw na.

Babangon ulit ko pero nasa loob na ng damit ko ang kamay ni Carlo na nakayakap. Hawak nya ang dibdib ko. Habang ang tuhod nya naman ay nakapatong sa ngayon ay matigas ko na ari, 'morning wood'. Hindi ako makagalaw. Ayoko magising si Carlo. Dahan-dahan ko tinatanggal mula sa loob ng aking damit ang kamay ni Carlo. 

Ramon: Agghhhh! Aghhhh!

Nagulat na lang ako nang biglang kinurot ni Carlo ang aking dibdib na sakto pa sa utong ko.

Carlo: Huli ka Tito Mon!

Ramon: Agghhh! Tama na! Suko na ako!

Ang patawa at pahiyaw ko na nasabi habang umaarte ako na nasasaktan at natatalo.

Carlo: Talo ka na ngayon Tito Mon!

Pumatong si Carlo bigla sa akin. Parang gigil na gigil si Carlo na talunin ako ng umaga na yun. Pati ang kabilang kamay nya ay hinawakan ang kabilang dibdib ko sa labas ng damit. Dinukot nya ang mga dibdib ko.

Ramon: Agghhh!!! Hahaha. Tama na! Talo na ako. 

Nag-tap ako sa kama ng tatlong beses tulad ng sa wrestling para ipakita na sumusuko na ako.

Binitiwan ni Carlo ang aking didbib. Napayakap ako sa mga dibdib ko. Sa totoo lang, masakit. Pero ngumingiti pa din ako. Umalis sa pagkakapatong si Carlo sa akin. Dali-dali ay nagpatihulog ako sa gilid ng kama. Pero sinundan nya ako. Mula sa likod ay niyakap nya ako sa leeg gamit ang braso nya.

Ramon: Ugggkk! Ch-choke move!!!

Carlo: Aarrrghhh! Tito Mon! Yari ka!

Bumukas ang pinto ng kwarto.

Mama: Ano ba nangyayari sa inyo?!?

Pinilit ko gumapang at tinaas ang mga kamay ko kay Mama. Senyas ng tag-team o pagtawag sa referee para umawat sa laban.

Ramon: Aggkk!! Ma-ma... tulong.

Mama: Papa! Ikaw nga kumausap sa mga ito!

Natapos ang umaga na nagharutan kami ni Carlo bago bumaba at pumunta sa lamesa para mag-almusal. Matapos ang almusal ay naligo na ako at nagbihis na muli ng uniporme. Pumasok si Carlo sa kwarto.

Carlo: Tito?

Ramon: Mag-trabaho lang ako.

Nakita ko ang lungkot sa mata ni Carlo. Tinapos ko ang pagbutones ng pantaas at lumapit sa ngayon na nakaupo sa gilid ng kama na si Carlo. Tumayo ako sa harapan nya.

Ramon: Huy. Babalik ako.

Yumakap si Carlo sa bewang ko. Umiyak.

Carlo: Tito...

Ramon: May problema ba Carlo?

Humigpit lang ang hawak nya lalo. 

Bumaba ako at humarap sa mukha ni Carlo. Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luha.

Ramon: Na-miss din kita ng sobra.

Carlo: Hindi yun Tito. Hindi lang yun...

Ramon: Babalik ako. 

Carlo: Wag ka na umalis Tito. Please!

Humahagulgol na si Carlo. Hindi ko maintindihan. Gusto ko maintindihan. 

Ramon: Usap tayo pagbalik ko.

Carlo: Ayoko na sa iyo Tito Mon!

Sinigawan ako ni Carlo. Nagulat ako. Galit at sakit ang nakita ko sa mga mata nya. Dumapa si Carlo at sinubsob ang ulo sa unan. Nilapitan ko sya at hinawakan sa braso para sana maharap nya ako. Tinabig nya lang ang kamay ko.

Tumayo na ako ng diretso.

Ramon: Sige. Kung galit ka sa akin, aalis na lang ako. 

Dumiretso na ako lumabas ng kwarto.

Nagpaalam ako kay Mama at Papa para pumasok sa trabaho.

Habang nasa trabaho ay nag-aalala pa din ako kay Carlo. Nag message ako kila Mama na may tampo yata si Carlo sa akin. Nagpaliwanag si Mama na baka sa tagal lang na hindi kami nagkita at hindi nya naiintindihan ang trabaho ko. Wag na daw ako mag-alala at sila na ni Papa ang kakausap. Medyo napalagay ang loob ko. Natapos ang duty ko at nakauwi na din ng sumunod na araw.

Pagdating ko ay pagod ako na dumirecho sa kwarto. Nagtanggal lang ako ng belt at tinabi ang gamit. Humiga ako sa kama para magpahinga sandali bago kumain. Pumikit ako. Pero bigla din ako napamulat nang naramdaman ko na may tao. Si Carlo.

Napatingin ako sa relos ko. Akala ko pumikit lang ako, ilan oras na din pala ang nakalipas. Suot ko pa din ang uniporme ko pati sapatos.

Habang pupungas-pungas, tumayo na ako. Nakatayo lang dulo ng kama si Carlo. Lumapit ako at tumayo sa harap.

Ramon: Galit ka ba sa akin?

Tiningnan nya ako ng direcho sa mata.

Carlo: Tito Ramon. I'm gay.

Napaatras ako. Nagulat ako. Natakot ako. Nalito ako. 

Gusto ko magalit. Gusto ko sumigaw ng 'HINDI!!!'

Nakita ko sa mata ni Carlo ang disappointment sa naging reaksyon ko. Kita ko ang sakit.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. 

Carlo: Tito please... please...

Nagmamakaawa sya sa akin.

Ramon: Wag mo sabihin sa akin yan!

Carlo: What do you want me to say Tito!?! I'm so sorry Tito...

Sa isip ko, maraming bakit at mga tanong kung saan kami nagkulang, kung ano ang nagawa namin na mali. Paano.

Ramon: Paano kita mapo-protektahan kung bakla ka?!

Parehas kami nanigas sa pagkakatayo pagkatapos lumabas ang mga salita na iyun sa bibig ko. Umagos ang mga luha sa mata ni Carlo habang pigil na lumabas ang mga ito sa kanyang bibig.

Lumapit ako sa kanya, puno ng lito ang loob ko.

Ramon: Bakla ka? Ano gusto mo? Katawan ng lalake?!?

Lumapit ako ng bigla sa kanya at kinuha ang mga kamay nya. 

Ramon: Ito?! Ganito ba gusto mo?!

Nilapat ko ang kamay nya sa akin katawan at pilit na kiniskis ang mga palad nya sa akin.

Ramon: Ito! Alam mo ba ito. Nakatikim ka na nito?!

Nagpupumiglas man, pinilit ko na ikaskas pa ang kamay nya sa katawan ko. 

Ramon: Sige, ito pa!

Kinaskas ko ang ngayon nakasara nya na kamao sa ari ko. Pilit nya tinatanggal ang kamay nya sa pagkakahawak ko. Pahagis na binitawan ko ang mga kamay nya.

Ramon: Gusto mo ng ganito?! Ito ba gusto mo?!! Ha, ito ba?!?

Hinubad ko ang pantaas ko na uniporme at binato sa paanan nya. Tinanggal ko ang t-shirt ko sa pagkapaloob sa pantalon ko.

Ramon: Ano pa gusto mo!?!!

Carlo: Gusto ko ng pagmamahal!!!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Carlo: Gusto ko ng pagmamahal mo Tito Mon!

Nanlumo ako. 

Carlo: Gusto ko ng pagmamahal na nasa tabi ko. Gusto ko maramdaman na may katabi ako na tulad mo. Na hindi ako nag-iisa, Na may nakakaintindi sa akin.

Pumatak ang mga luha ko.

Ramon: Kahit kailan... Sa lahat ng pagkakataon. Wala kami... Ako! Wala ako ginusto kung hindi ang protektahan ang pamilya natin. Protektahan ka! Lalo ka na! Mabigyan ka ng magandang bukas! Hindi ka masaktan ng kung sino man!

Carlo: Asan ka Tito?!? Asan ka?? Iniwan mo ako Tito... Paano mo ako po-protektahan kung wala ka sa tabi ko. Paano mo ako po-protektahan dun sa sakit na wala ka...

Ayaw tumigil ng luha ko.

Tumakbo papalabas ng kwarto si Carlo. Naiwan ako. Napaupo ako sa tabi ng kama. Masakit. Ang sakit.

Sinimulan ko ipasok sa loob ng pantalon ang t-shirt ko. Pinulot ko ang aking uniporme at pinagpag. Sinuot ko sya habang pinupunasan ang mga luha ko. Inayos ko ang aking sinturon. Napatigil ako sa pag-aayos nang may bahagyang katok sa pinto. Pumasok si Papa. Tumalikod ako sa kanya para ayusin ang sarili ko at tuyuin ang mga luha ko.

Papa: Anak...

Huminga ako ng malalim.

Ramon: Gaano mo na katagal na alam 'Pa.

Papa: Importante pa ba yun?

Ramon: Bata pa sya. Baka maiayos pa yan.

Papa: Bata pa sya pero alam nya na kung ano sya.

Ramon: Hindi yan ang gusto ko para sa kanya.

Papa: At yung gusto mo ba para sa kanya, magiging masaya sya?

Ramon: Hindi sya magiging masaya sa ganyan.

Papa: Sino ka para sabihan sa kung paano o saan sya magiging masaya?

Hinarap ko si papa. Galit ako.

Ramon: Alam ko, dahil Tito nya ako. Anak at kapatid sya para sa akin.

Papa: Anong gusto mo gawin natin? Sige. Ano?! Bugbugin mo sya hanggang maging kasing lalake mo?!?

Ramon: Hindi ako nag-uniporme para lang hayaan ang kung sino na saktan ang pamilya natin!

Papa: Pero ikaw mismo sinaktan mo sya. Nakita ko ang braso at kamay nya... Ngayon ko lang sya nakita na umiyak ng ganyan. Durog na durog sya anak. 

Hindi ko na kaya pigilan. Galit ako. Galit ako sa sarili ko.

Ramon: Pa... papa...

Napayakap ako kay Papa.

Ramon: I'm so sorry Papa. I'm so sorry...

Papa: Hindi mo sya kailangan protektahan na huwag masaktan. Kahit si Ate mo. Mas importante, na kapag nasaktan sya, nandun ka... Para hindi nya isipin na nag-iisa sya. Para tulungan sya bumangon ulit. Para lagi nya isipin, na laging may nagmamahal sa kanya... ano man siya, sino man ang piliin nya. Sana anak... maintindihan mo. Matanggap mo. At mapatawad mo din ang sarili mo.

Ang higpit ng yakap ni Papa. Tinapik ni Papa ang likod ko. Hinawakan nya ang aking mga pisngi at tinuyo ang mga luha ko.

Papa: Sige na...

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso papalabas ng bahay.

Lumipas ang mga araw, ang mga linggo, at ang mga buwan. 

Nasa labas pa lang ako ng gate, dinig ko na ang bungisngisan at mahaharot na tawa sa garahe. Pumasok ako ng gate. Natahimik ang lahat sa pagpasok ko. 

Mama: Buboy, anak.

Ngumiti lang si Mama sa akin. Humalik ako sa kanyang pisngi.

Papa: Anak.

Nagmano ako. Ngumiti sya at tumango sa akin. 

Tinungo ko ang kumpol ng mga estudyante na naka-uniporme pa. Nakatingin sila sa akin. Tahimik pa din. Lumapit ang isang estudyante sa akin. Nagmano.

Ramon: Carlo.

Carlo: Tito Ra--

Niyakap ko sya ng buong higpit. Yakap para sa mga pagkukulang sa panahong wala ako sa tabi nya, at pabaon para sa darating pa na bukas sa buhay nya.

Hinalikan ko sya sa pisngi ng buong lambing at diin. Para sa bawa't pagkakataon na mayroon, ay maalala nya na may nagmamahal sa kanya.

Ramon: Happy Birthday Carlo.

1 comment:

  1. Long overdue write-ups para sa mga lumapit. Para sa kanila ito.

    ReplyDelete