2017-02-23

Araro ni Kuya Lando [Wakas]


Nakahiga kami ni Kuya Lando sa papag sa kanyang bahay. Hiwalay na ang katawan namin ngunit ramdam ko pa din ang sumisingaw na init mula sa kanya. Dinig ko ang paghabol nya sa kanyang hininga. Ramdam ko sa papag ang bawat pagkilos ng katawan ni kuya. Dumadagundong pa din ang aking dibdib, parang alon sa lakas ang nararamdaman ko para kay kuya. Para pa din panaginip ang nangyayari. 

Bumangon sya sa kanyang pagkakahiga.

Kuya Lando: Alas tres na. Ihahatid na kita sa inyo.

Sa tabi ng papag, nakatayo ang hubo't hubad na si Kuya Lando. Liwanag lang mula sa gabi sa labas ng bahay at maliit na gasera sa lamesa ang meron. Pero sapat para kuminang ang pawisan na katawan ni kuya. Bawa't munting liwanag ay mas lalong yumayakap at nagbibigay hubog sa kanyang katawan. Ang kanyang burat, mapaharap o tagilid, hindi maikakaila kahit sa kakaunti lang na liwanag. Hindi pa din maubos ang paghanga at pag-asam ko sa kanya. 

Pagtayo ko sa kama ay hinawakan nya ang aking mga kamay at hinatak palabas na bahay, papunta sa poso. Nagbuhos sya ng tubig tapos ay hinatak ako. Nagbuhos ulit sya ng tubig at para syang shower sa ibabaw ko; bumagsak ang tubig mula sa kanyang ulo papatak sa akin. 

Kuya Lando: Malamig yung tubig.

Sinasapo nya muna ang lamig ng tubig bago ito umabot sa akin. Natahimik lang ako.

Inabot nya ang sabon at nagsimulang sabunin ang kanyang sarili. Napayakap lang ako sa aking sarili sa lamig habang pinapanood sya. Mabilis at maliksi ang pagsabon nya sa katawan nya. Nakuntento ako na panoorin sya sabunin kanyang katawan; habang tinataas nya ang kanyang mga kamay, habang pumuputok ang mga muscles nya, habang pinapabula nya sa mga singit-singit ng kanyang katawan ang sabon.

Bigla nya ako niyakap at sinimulan sabunin ang aking likod. Bahagya sya tumigil para hawakan ang aking mga kamay. Iniyakap nya ang mga kamay ko sa katawan nya. At sinabon muli ang mga likod ko na bahagi.

Kuya Lando: Tulungan mo sarili mo magsabon.

Nakuha ko na ang gusto nya mangyari. Isang malaking sabon ngayon si Kuya Lando para sa akin na yakap-yakap ko. Hindi ko na maramdaman ang lamig dahil sa init ng sabon na si kuya. Bumula ang sabon sa bawa't pagyakap ko sa kanya at pagkaskas ng aking katawan sa kanya. Niyakap ko ang aking mga binti pa-isa-isa para masabunan ito. Kiniskis ko ang aking mga pisngi sa kanyang dibdib. Napatigil ako. Naramdaman ko ang tibok ng puso ni kuya. Nakaramdam ako ng init sa aking katawan at sa aking kalooban. Napaka payapa ng ritmo n kanyang tibok. Naramdaman ko na tumigil sya sa pagsabon sa aking katawan. At yumakap lang.

Punung-puno kami ng sabon. Ang mukha ko nakapatong sa kanyang dibdib habang yakap ko ang kanyang mga likod pa-balikat. Sya naman nakayakap sa aking bewang. Tahimik ang malamig na gabi, pero mainit ang nararamdaman ko. Ayoko matapos ang pagkakataon na iyon. 

Kuya Lando: Salamat.

Pero matapos magsalita ni kuya ay sumalok na din sya ng tubig. Binuhos nya ulit ito sa kanyang ulo at yumuko para pumatak sa akin ang mga tubig. Tumingala ako sa kanya para saluhin sa aking mukha ang mga patak. Nakabuka ang kanyang mga labi at ang tubig mula dito ay pumapatak diretso sa aking mga labi naman. Nagbuhos ulit sya at ganun pa din. Isa pang buhos, ngunit mas mabagal.  Hinawakan ko ang kanyang batok at hinila papalapit sa aking mukha. Patuloy ang pagbuhos ng tubig habang naglapat na ang aming mga labi. Huminga ako ng malalim at pumikit. Ayoko matapos ang pagkakataon na iyon. 

Naramdaman ko ang banayad na kagat sa babang labi ko hanggang sa tuluyan nang kumalas si kuya. Patuloy syang nagbanlaw hanggang sa maubos ang sabon sa aming katawan. Dali-dali nyang inabot ang malapit na tuwalya at pinunasan ako. Inabutan ako ng damit, at tinulungan magsuot habang hubad at basa pa din sya.

Kuya Lando: Pasensya ka na maluwag at matigas. Pansamantala lang.

Damit ni kuya na may kwelyo. Pang-alis nya pero pinasusuot nya sa akin. 

Kinuha ko ang tuwalya at sinimulan syang tuyuin.

Kuya Lando: Wag na.

Kinukuha nya ang tuwalya mula sa aking kamay pero tinuloy ko lang ang pag-asikaso sa kanya hanggang sa nagpaubaya na sya. Pumasok sya ng bahay at nagsuot ng kanyang mga damit. Paglabas nya ay nakapantalon na sya, t-shirt at nakapatong na lumang long sleeves. Ibang damit pero parehas na kasuotan nang una ko sya makita sa bukid. 

Alvin: Maaga pa para sa trabaho, ganyan na suot mo agad?

Kuya Lando: Diretso na.

Kinalso nya lang ang pinto at nagpunta na kami sa kanyang kalabaw. Sinakay nya ako sa kalabaw at nagsimula na silang maglakad ng sabay.

Alvin: Bakit? Maglalakad ka lang?!

Hindi nya ako pinansin at patuloy sila naglakad.

Alvin: Baka malaglag ako kaya samahan mo na ako dito. Kaya naman tayo parehas.

Wala pa din pansin sa sinabi ko.

Alvin: Sasamahan na kitang maglakad.

Kuya Lando: Kung kaya mo bumaba, sige.

Binuhat nya pala ako para umakyat. Hindi ako sanay.

Alvin: Kuya Lando. Please.

Tumigil sya sa paglakad. Umiling ng isa. At nagsimulang sumakay papwesto sa likod ko. Nasa pagitan nya ako at ng hawak nya na renda. Sumandal ako ng mahina sa kanya. Naramdaman ko muli ang init na kumakawala sa kanyang katawan. Walang laban ang lamig ng gabi sa katawan ni kuya. Naglakad na muli kami patungo sa amin sa daan sa gitna ng bukid.  Walang imik sa pagitan namin. 

Pagdating ay inalalayan nya ako bumaba. 

Alvin: Salamat.

Kuya Lando: Salamat din.

Alvin: Tumuloy ka muna... 

Inakbayan nya lang ako, kumalas at nagsimula na sya maglakad paalis. Wala na ako nagawa, kundi ihatid lang sya ng tanaw. 

Pagpasok ko ng bahay ay hinagis ko ang sarili ko sa sofa. Ayaw ako dalawin ng antok. Inikot ko ang aking tingin sa sala. Naaalala ko ang unang gabi namin na magkasama. Naaalala ko nang una ko sya makita sa bukid. Naaalala ko ang mga nangyari sa amin kagabi at kanina. Pinupuno ng alaala nya ang aking isipan. Pinupuno ni kuya ng pantasya ang aking pagkatao.

Tinigasan ako. Napangiti ako.

Tumayo ako, kumuha ng kumot, binalabal sa akin, at nagmamadaling lumabas. Nagmamadali ako maglakad papunta sa lilim kung saan kami unang nagkita. Na-excite ako sa maaaring mangyari. Tumatalon ang libog at kilig ko. Alam ko ito, parang kwento lang sa TV. Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa paglakad sa bilis. Natanaw ko na ang puno ngunit bumagal ang aking paglapit. Walang kalabaw. Nalungkot ako.

Tumigil ako sa paglapit. Para saan pa? Gusto ko na bumalik. Huminga ako ng malalim. 

Alvin: Hindi. Para sa akin ito. Closure. 

Naglakad ako nang nakayuko ang ulo hanggang sa dumating sa lilim. Sumandal sa puno at humingang malalim. Tiningnan ko ang lawak ng sakahan. Dapat ako makuntento sa mga nangyari. 

Alvin: Hayup ka Kuya Lando...

Isang mahinang sagot ang nadining ko mula sa kabilang dako ng puno, "Ano na naman ginawa ko?"

Nagulat ako. Dali-dali akong umikot pakabila. Natatakpan ng puno ang isang kalabaw na nakaupo sa putikan sa palayan. Sa ilalim ng puno, isang lalaki ang nakaupo. Napangiti ako. Umupo ako sa tabi ng lalaki at isinalo sa kanyang balikat ang kumot. Umakbay sya sa akin habang yakap kami parehas ng kumot. 

Alvin: Alvin nga pala.

Tao: Ka Lando po. Pwede din Kuya Lando. Kahit Lando lang.

Nagtinginan kami. Yumakap ako sa kanya. 

Alvin: Ka Lando, may nagsabi na ba sa iyo na ang lakas ng dating mo? Gwapo na, ang laki pa ng katawan mo. 

Ngumiti sya ng bahagya. Nakatingin pa din sya sa akin habang dahan-dahan ko binubuksan ang zipper ng kanyang pantalon; ang sikip ng pantalon nya dahil sa namamaga nya na pagkalalake.

Kuya Lando: Akala ko tapos na.

Alvin: Nagsisimula pa lang tayo Kuya Lando. 

Simula pa lang ito ng lahat.


1 comment:

  1. Ang husay ng pagkakagawa ng kwento. Parang binabalikbalikan ko lang ang highschool yung subject na panitikang pilipino. Ang galing nyo pong gumamit ng mga salita at linya na dito ko lang mababasa. Para talaga akong nagbabasa ng isang kwento sa panitikang pilipino, nakakamis ang highschool. Ang sarap basahin at ulit-ulitin itong ni kuya lando. Ang husay nyo po author. Dati po ba kayung guro ng subject na pilipino. Nakakalibog at nakakadala yung eksena. Ang sarap mag-imagine na isang kuya lando na mapagbigay ng lakas at gatas. Ang sarap mangarap. Alam ko balang araw kuya lando magiging mayaman ka din. Masipag ka, mabait ka, at matalino ka alam kong uunlad ka din balang araw..

    ReplyDelete