2015-10-20

Araro ni Kuya Lando [16]


Lumipas ang mga araw.

Gumaling na ang aking paa at nagpasya ako na bumisita sa palayan. Nasa huling ektarya na ang inaani at kahit sa anihan ay makikita mo ang bayanihan sa amin. May grupo ng magsasaka na gumagapas, may grupo na nagbubuhat, at may grupo din na nag-aasikaso ng mga pagkain. Sinalubong ako ni Mang Elmer, ang katiwala ni ama sa bukid.

Mang Elmer: Alvin, kamusta ka na? Kamusta na ho inyong paa?

Alvin: Mabuti na sya. Salamat. Kayo kamusta ngayon dito?

Mang Elmer: Mabuti naman, halos patapos na din ang gapasan. Heto at maghahanda na ng pananghalian. Kumain na ho ba kayo? Maganda sana ay masamahan nyo ang mga tao na mananghalian. Sandali lang ho a.

Kinalabit nya ang dumadaan na babae na may bitbit ng mga basket. Wari ko ay dala nito ang mga pagkain.

Mang Elmer: Iya, kumuha at mag-reserba ka ng isang plato para kay Alvin. 

Iya: Alvin? Soshal! May sariling plato. Sino sya? Ampogi naman ni fafa!

Mang Elmer: Mag-hunos-dili ka na bata ka! Si Alvin yan, anak yan ni Tata Amang, ang may-ari ng sakahan!

Iya: Ay alam ko naman pudra! High-bloodicious ka naman agad. Halata naman sa porselanang kutis. Gusto ko lang biruin. Mukhang mabait naman si fafa. 

Natawa ako. Isa syang morenang babae kapag naglalakad, kahit sa bihis. Pero kapag nagsalita na ay bakla talaga. 

Alvin: Iya, tama? 

Mang Elmer: Oho. Si Iya. Anak ko ho. Pasensya na.

Alvin: Naku, hindi ho problema yan. Maganda nga at nakakatulong sya dito. At huwag na kumuha ng plato. Makikisalo na lang ako. 

Iya: Ay koboy si fafa Alvin! Keri mo ha. O sige. Busi ang lola mo e. Babush!

Alvin: Sige. Ingat sila sa iyo. Ahahaha.

Iya: Ay talaga. Kundi walang silang fudang!

At bumalik na si Iya sa kanyang ginagawa.

Mang Elmer: Naku, pasensya ka na talaga. Masayahin bata lang talaga yan at magiliw kahit sino makaharap kahit unang beses pa lang makilala.

Alvin: Pansin ko nga ho. Masyahin. Anak nyo, nabanggit nyo kanina.

Mang Elmer: Pamangkin talaga sya ng yumao ko na asawa. Nang buhay pa si misis, e kinupkop namin nang 10 taon pa lang sya. Halos isang taon pa lang kaming kasal nun. Binubugbog kasi ng tatay. Ang ina naman, naaksidente nang dalawang taon pa lang sya. Bata pa lang e nakakitaan na sya ng pagkamahinhin. Isang araw naglayas yan sa kanila, sa amin nakisilong komo't malapit sa tiyahin nya na tumayong pangalawang ina. Nang binabalik namin ay talagang ayaw nya at walang amor talaga ang ama nya sa kanya. Ayun, dun na kami nagkasundo na kupkupin. Halos sya nag-alaga sa mga anak ko. Tinuring na din namin sya na anak. Masunurin, masipag, at malambing. Hindi sinayang ang pinang-aral namin sa kanya. Marunong magpasalamat. Mas madami pa nga yata yan nailuha kesa sa akin nang pumanaw ang asawa ko. Matapos ilibing ay nagpaalam na aalis na sya at nahihiya daw sa akin. Hindi ko pinayagan at sabi ko e pamilya sya, anak namin sya. Ayun, hindi umalis. Nagtrabaho. Nagsustento sa mga anak ko. Malaking kaluwagan talaga yan. 

Alvin: Nakikiramay ho ako sa kawalan nyo kay misis.

Mang Elmer: Salamat at wag mo alalahanin yun. Dyan naman alaala nya. Eto nga at kahit ganito na dapat e pahinga sya dahil walang trabaho, ayan. Nakikisalamuha at tumutulong sa mga pinsan nya.

Alvin: Mga pinsan?

Mang Elmer: Ay oho. Mga anak ko yan mga dilag na kasama nyang dalawa at ang dalawa pa na lalaki ay nasa sakahan. Gusto kumita ng pandagdag sa gastos nila. At ayan pa nga ang mga kasamahan nya na nakikitulong. Ang mga ginang ng tahanan ang nagluluto at sila naman ang nag-aasikaso. Malaking tulong talaga sila sa amin.

Alvin: Kasamahan nino ho?

Mang Elmer: Kasamahan ni Iya. Mga kabarkada nya.

Alvin: Bakla din?

Mang Elmer: Oho.

Alvin: Mabuti at walang problema ang mga tao. Kasi bihira ho mga ganyan.

Mang Elmer: Aba'y kung may problema sila kila Iya ay may problema din sila sa akin! Hindi porke't bakla ang mga 'yan e wala silang magagawang mabuti. At ang mga iyan, kahit mabiro, alam nila kung hanggang saan sila. May respeto.

Alvin: Nakakatuwa kayo Mang Elmer.

Mang Elmer: Hindi n'yo lang ho alam kung gaano kalaki pasasalamat ko sa mga tulad nila. Lalo na dyan kay Iya. Sana ho hindi n'yo masamain ang pananaw ko.

Alvin: Hindi po. Mas lalo n'yo nga ho nakuha ang respeto ko.

Nadinig namin ang isang pasigaw mula sa hindi kalayuan.

Iya: O kain na mga pogi at mga beauty queens! Nakahain na!

Nasa malapit na ang mga magsasaka at manggagapas. Naghahanda na para sa pananghalian. Nang madinig ang timbre ni Iya ay kanya-kanyang pumwesto sa mahabang nakahilera na pagkain. Ang mga pagkain kasama ang kanin at ulam, ay nakapatong sa dahon ng saging. Umpok-umpo na kanin, isda, karne, at gulay ang nakahain. 

Iya: Oy, tabe-tabe kayo dyan. May panauhin tayo. Bigyan n'yo ng pwesto at wag masyado gitgitin kung ayaw n'yong kurutin ko mga singit n'yo.

Nagtawanan lamang ang mga tao at masayang inimbitahan ako na makisalo sa kanila. Binigyan nila ako ng medyo maluwag na espasyo. Nakakatuwa ang mga pagbati nila at maliliit na usapan tulad ng pakisalamuha ko sa kanila. Tumabi sa akin si Mang Elmer ng pwesto. Nagsisimula na ang kainan.

Alvin: Mang Elmer, sila Iya ho at ang mga anak nyo. Hindi pa kumakain.

Mang Elmer: Talagang ganyan ang mga yan. Pinapauna kami at para daw maasikaso ng maigi. Kapag medyo nangalahati na ang pagkain at wala na masyado kailangan ang mga tao, sasali na din yan sa atin.

Alvin: Nakakatuwa sila. Ayos talaga. 

At patunay nga, sa simula ay meron humihingi ng sawsawan, ng tubig, nakikiabot ng ganito, naghahanap ng ganito at kung anu-ano pa. Ang mga anak ni Mang Elmer at tropa nila Iya ang nag-aasikaso. Nang medyo humupa at ang ilan ay mabilis na nakakain ay nagsimula nang makisalo sila Iya.

Magsasaka 01: Mang Elmer, hihingin ko ho sana ang kamay nitong si Iya.

Mang Elmer: Hoy! Kumain ka lang dyan at dala lang yan ng gutom. Pinagsilbihan ka lang ng isa e.

Hagalapakan lamang sa tawa ang mga tao.

Iya: Excuse me. Hindi kita type ha! Ang gusto ko yung mga mala-porselana ang balat at mamula-mula ang kutis. Tulad ni fafa Alvin! Charot!

At muli ay napuno ng tawanan ang hangin.

Iya: Pero eto na talaga ang pinaka-gwapo sa inyong lahat. Kahit ano pa sabihin nyo. Wag ka magselos fafa Alvin ha.

Mang Elmer: Nahuli ka na naman. Dumito ka nga pumwesto at nang makakain ka.

--- Gwapo daw? Asan?

Hinanap ko ng pa-simple kung sino ang tinutukoy ni Iya na paparating at tinatawag ni Mang Elmer. Hindi ko makita agad dahil sa hilera ng mga tao. Pero may nakita akong matangkad, na buhok lamang ang kita, na papalapit kay Mang Elmer. 

Mang Elmer: Lando, dito at makitabi ka sa pinsan mo.

Alvin: Po? Kuya Lando?

Nang pasingit na si Kuya Lando sa pwesto namin ni Mang Elmer ay bahagyang nagulat at medyo napaatras sya sa pagkakakita sa akin. 

Kuya Lando: Alvin?

Pakiramdam ko ay parehas kami nagulat sa aming pagkikita. Kumabog ang dibdib ko at parang tumigil ng isang sigundo ang pag-ikot ng mundo.

Kuya Lando: Tatay Elmer, dito na lang ako sa kabila mo at amoy araw at pawis ako.

Uurong na sana si Mang Elmer.

Alvin: May problema ba sa amoy araw at pawis? Ibig sabihin lang, masipag ka dahil kahit mainit, trabaho pa din.

Nagpalakpakan ang mga nakadinig sa sinabi ko at nakita ko ulit ang mga ngiti sa kanilang labi.

Payukong tumabi sa akin si Kuya Lando. Sumalok ng pagkain. Nagsimulang kumain nang nakayuko pa din. Napansin din ito ni Mang Elmer.

Mang Elmer: Kilala mo naman yan katabi mo, tama?

Tango lang ang sagot ni kuya.

Isang mahina ngunit preskong hangin dala ng lilim ang umihip. Dala nito ang isang pamilyar na amoy na sadyang nagpapabaliw sa akin. Sumusuot sa aking katawan. Pumupuno ng aking pagnanasa. Nagpapaapoy sa aking loob. Para bang walang ibang tao sa paligid tulad ng una namin pagkikita [see Araro ni Kuya Lando]. Sumisingaw ang pagkalalake ni Kuya Lando. Ang kanyang pawis at amoy na humahalo sa hangin. Tinutukso ako na singhapin. Ang init na lumalabas sa kanyang katawan, nang-aakit na dam'hin ko sa aking mga kamay at balat. Hindi nya maitagao ang kanyang sex appeal. Kahit ang kanyang damit ay walang magawa at hindi maitago ang kanyang mga mayayabang na dibdib at bilugan na mga balikat. Para bang nakiki-usap ang kanyang mga damit na punitin ko ito. Ang kanyang malalim na boses na duyan ng libog sa aking tenga. Ang kanyang pag-walang imik na nagbabadya ng malalim na pagdukot. Nanunuot ang pagkalalake ni kuya sa pinakamadilim na bahagi ng aking pagnanasa. Kinakain nya ako mula sa loob, ninanakaw nya ang aking ulirat. Ramdam ko sa aking buhok ang nagbabaga nyang haplos, sa aking dugo ang kuryente na dumadaloy. Ninanakaw nya ang hangin sa aking mga labi patungo sa kanya. Nilulunod ng kanyang mga mata. Parang rumaragasang dugo ang bawa't kabog sa aking dibdib. Gusto sumambulat ng aking damdamin. Gusto ko yapusin at damhin, inumin at himurin, angkinin ang lalake na kung tawagin nila ay Lando!

Akala ko tulad ng araw, ang nararamdaman ko para sa kanya ay lumipas na. Ngunit mali ang aking akala. Isang malaking pagkakamali. Nanabik at naipon ang bawa't nadarama ko para sa kanya.

Umatras na si Kuya Lando sa kanyang pwesto. Sensyales na tapos na sya kumain. Tiningnan lamang s'ya ni Mang Elmer habang tuluy-tuloy s'ya na umalis sa pwesto. Umupo sya sa may 'di kalayuan mula sa amin. Pilit ko binalewala ang nangyari at tinapos ang aking pagkain. Inantay ako ni Mang Elmer makatapos at hindi iniwan sa kainan.

Alvin: Bilis kumain ng mga tao. Pasensya na at medyo mabagal. Sarap ng pagkain din e.

Mang Elmer: Natutuwa naman ako at nasarapan at nabusog ka. Talagang ganyan, masasanay ka din. Hayaan mo lang sila. Minsan mabilis, minsan mabagal.

Tuloy ang mga maliliit namin na kwentuhan tungkol sa mga tao nang may kumausap kay Mang Elmer.

Kuya Lando: 'tay, mauna na ho ako sa palayan.

Mang Elmer: May problema ba Lando? Sanay ako na huli ka dumarating sa kainan, pero huli ka din umaalis. Halos katatapos mo pa lang kumain ay aalis ka na. Gusto ko lang malaman kung bakit ka nagmamadali.

Diresto lang ang tingin ni Kuya Lando sa palayan.

Kuya Lando: Wala po.

Mang Elmer: Hindi mo man lang pinansin ang pinsan mo.

Tumingin si kuya sa akin. Walang patlang.

Kuya Lando: Magandang tanghali Alvin. 

At nagsimula nang maglakad palayo sa amin. Tinanaw lang namin sya.

Mang Elmer: Ngayon ko lang ulit nakita ng ganyan ang pinsan mo. Mukhang may dinadala na naman.

Alvin: Baka naman may dinidibdib.

--- O pwedeng masakit pa din ang mismong dibdib sa ginawa ko sa kanya nang isang araw. 

Mang Elmer: Makausap ka lang ng diretso at huwag mo masamain sana. Meron ba kayong alitan na mag-pinsan o hindi pagkaunawaan man lang?

Alvin: A... e wala naman ho. Tinulungan nya pa nga ho ako nang isang araw e.

Mang Elmer: Ganun ba. Ano kaya problema ng batang ito.

Alvin: Matanong ko lang din. Tinawag nya kayo kanina ng 'Tatay Elmer' at kita ko ang respeto n'ya sa iyo...

Mang Elmer: Yan si Lando e maagang nagsikap sa buhay. Matalino kahit hindi nakatapos ng high school, hindi yan basta-basta nalalamangan sa mga pagkwenta ng mga gastos o kita. Kumpare at matalik ko na kaibigan ang ama nyan. Isang nakakatandang kapatid para sa akin. Kaya naging inaanak ko sya.

Alvin: Naintindihan ko po. Kaya ho pala ganun na lang respeto n'ya sa inyo.

Mang Elmer: Oo.

Alvin: Napansin ko lang. Hindi sya mahilig makisalamuha kahit sa oras ng kainan.

Mang Elmer: Napansin mo na din pala agad ang mga gawi nya.

Alvin: Oho.

Mang Elmer: Napansin mo na din siguro na hindi din sya ang pinakasikat sa ibang mga tao. Kilala s'ya, tama. Halos lahat dito ay kamag-anak nya tulad mo. Pero lumalapit lang ang mga tao sa kanya kapag usapin ng trabaho dahil may mga bagay na sa kanya lang pwedeng iasa o ipagawa. Bukod duon, wala na.

Luminga ako. Akala ko nang una lamang namin pagkikita o dahil sa linya ng kaya nyang gawin o uri ng trabaho kaya s'ya lang madalas mag-isa. Nakita ko ang mga tao na meron kanya-kanyang mga pangkat o kausap man lang. Pero s'ya ay nasa isang sulok lamang. Nasa dulo. Mag-isa hindi lang sa trabaho. Tumingin lang ako kay Mang Elmer at inantay s'ya magsalita muli.

Mang Elmer: Para sa akin, mabait na bata yan si Lando. Hindi man sya masalita, palangiti sya nang bata pa sya. Mapagmahal at malambing sa magulang. Kapag nagsasaka kami noon ng tatay nya, kung hindi kasama sa kainan, sa bukid mismo namin kasama. Kung yung mga pitong taon bata noon ay naglalaro, makikita mo sya na pilit hinahatak ang mga gamit ng tatay nya pauwi. Minsan nang susunduin ko sana ang ama nya para mag-araro, nakasalubong ko sila. Ang ama nya may hatak na kalabaw, at sya may hatak na kambing. Mag-aararo din daw sya. Susunduin yan ng ina nya ng tanghali at dun paiidlipin ng siesta habang pinapanood ang ama. Yun ang mga pinakamasayang alaala ko sa kanilang mag-ama. 

Alvin: Hindi ko ho napapansin ang ama nya. Hindi na nagsasaka?

Mang Elmer: Namatay sa aksidente ang pareho n'yang magulang nang 12 anyos sya. Magpapasko nuon. Papunta ang mga magulang nya sa tiangge sa bayan. Ipinasuyo na iwan muna sa amin habang wala sila. Mamili lang daw ng para sa anak nila at naging maganda ang taon para sa kanila. Para naman daw may maibigay sila na kaunting ginhawa para sa kanya. Gusto nga sumama ni Lando nun, pero sabi ng ina n'ya na wag na daw para 'sorpresa' ang regalo sa kanya. Nang halos makapananghali na ay dumating ang balita. Nabangga ng isang closed delivery truck ang tricycle na sinasakayan ng mga magulang n'ya sa intersection bago sumapit ng bayan. Hindi ko agad masabi sa kanya. Sabi ko puntahan lang namin ang magulang n'ya. Nang pa-diretso na kami ng ospital imbes na sa palengke ng bayan, nagsimula na sya magtanong. Sunud-sunod ang tanong n'ya na para bang alam n'ya na  kung bakit kami duon papunta. Duon ko nakitang nadurog s'ya ng pumasok na kami ng morgue. Sa mura n'yang edad, yung lalim ng nararamdaman nya at sakit, damang-dama mo sa iyak at sigaw nya. Ayaw nyang bitiwan sa yakap ang parehas nyang magulang. Nang iabot ang gamit ng kanyang magulang, kasama dito ang dalawang regalo. Ang isa ang laman ay kotse-kotsehan. Ang isa naman ay isang pares ng magarang polo at pantalon. Ang sorpresa ng kanyang ama at ina.

Naiiyak ako sa kwento ni Mang Elmer.

Mang Elmer: Duon nagsimulang bumaligtad ang buhay nya. Nang matapos ang burol at libing, hindi sya umalis ng bahay nila kahit pa kinausap ko sya na sa amin tumira at pwede nya naman bisitahin ang kanilang bahay. Duon pa din sya nakatira hanggang ngayon. Yung bahay sa dulo ng lumpon o ng pulo, yun ang kanilang bahay. Ayaw n'ya na mag-aral, at ayaw n'ya sa iniaabot ko na tulong. Kung gusto ko daw sya tulungan, pagtrabahuhin ko daw s'ya at bigyan s'ya ng kita. Ganun din ang ginawa n'ya sa mga kapitbahay at kamag-anak nya. Minsan, pumunta s'ya sa akin ng maaga at nag-alok na magwalis ng bakuran para sa isang tasang kape at tinapay. Naglabas ako agad dahil ramdam ko ang gutom nya. Pero umiyak lang s'ya at nagalit sa akin. Tanda ko pa ang sinabi n'ya nuon, "Hindi ko kailangan ng limos mo. Kahit kelan hindi nanlimos ang ama at ina."

Tumigil si Mang Elmer sandali para magbuntong-hininga.

Mang Elmer: Mula noon, wala akong binibigay sa kanya na hindi n'ya pinaghihirapan. Maaring sobra ang binabayad ko sa kanya, pero hanggang duon na lang kami nagkakasundo. Pinaghihirapan n'ya pa din ang lahat. Yun prinsipyo na yun kung iisipin mo, ay isang bagay na kahit papaano ay ikaka-respeto nya sa mga tao. Pero, may kahinaan pa din sya. May pangangailangan.

Alvin: Mang Elmer, ano po ibig n'yo sabihin?

Mang Elmer: Ang Kuya Lando mo, hindi ba maganda ang pangangatawan at may itsura?

Alvin: Po?

Mang Elmer: Madami ang nagkagusto sa Kuya Lando mo. Pero wala ni isa man lang sa kanila ang napusuan n'ya dahil lahat ng mga ito ay nagbibigay ng kusa sa kaniya. Ayaw n'ya ng hindi n'ya pinaghihirapan. Tingin n'ya ay hindi sya karapat-dapat para sa ganitong bagay, na kelangan n'ya paghirapan ang lahat ng bagay. May isang dalaga nuon na nagkagusto sa kanya pero harapan n'ya tinanggihan. Nasaktan ng sobra ang dalaga kaya nagsumbong ito sa mga nakakatandang kapatid na lalaki. Pinuntahan ng dalaga at kapatid nito, kasama pa ang tatlo pang kalalakihan ang bahay nila Lando. Duon binugbog nila si Lando sa harap ng babae. Kung tutuusin, sa laki at lakas ng kuya mo ay walang laban ang apat na lalaki na iyon. Pero nandun sya at nagpabugbog. Nang mapagod ang mga kalalakihan, pinaluhod at pinilit nila pahalikin si Lando sa babae. Sumunod sya at humalik sa babae. Pero sinikmuraan s'ya ng kapatid ng babae. Humalik ulit sya. At muli ay nakatikim sya ng suntok sa tiyan. Hinalikan n'ya ulit ang babae pero ngayon ay hinawakan nya din ang suso nito. Sinampal sya ng babae sa gulat. Lalong nagalit yung kapatid na lalake kaya't sinipa sya. Dito na lumaban si kuya mo. Sa madaling salita, napatumba n'ya ang apat na lalaki. At yung babae, pinagsamantalahan nya. Dumating ang mga kapitbahay na may kasamang baranggay-tanod dala ng paghiyaw ng babae. Pagdating nila sa loob ng bahay, nahuli pa nila sa akto ang kuya mo. Nang mapaghiwalay ng mga tanod si kuya mo at ang babae, naglakad lamang sya paika-ika para magtimpla ng kape at naupo sa kusina. Yung babae, dinugo sa pwersa ng nangyari. Walang makasukat kung gaano daw kaitim ang pag-iisip ni kuya mo. Hindi nagsampa ng anumang kaso ang pamilya ng babae dahil na din sila ang nagsimula at nasa bahay sila ni Lando. 

Nanlalata ako sa kwento ni Mang Elmer. Sana ako yung pinagsasamantalahan ni Kuya Lando.

No comments:

Post a Comment