2015-06-25

Araro ni Kuya Lando [13]


Umaga na. 

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Maliwanag na sa labas. Dahan-dahan akong tumayo at napansin na mabuti na ang pakiramdam ng paa ko. Tinanaw ko ang relos na pasado alas-otso na. Tanghali na sa batayan ng oras sa probinsya. Tumingin ako sa kung saan sana nakahiga si Kuya Lando, ngunit tanging unan na kanyang ginamit at nakatiklop na kumot ang nandoon. Dinampot ko ang ginamit nya na unan at humiga sa may sofa. Niyakap ko ito ng mahigpit at sinamyo ang naiwang amoy sa unan.

Alvin: Kuya Lando.

Muli akong pumikit at pilit sinariwa ang mga nangyari kagabi. Ramdam ko ang flag ceremony ng aking alaga at pilit ko itong tinuturo pababa upang pakawalan para pumalo sa aking pusod. Masarap. Mainit. Galit na galit ang titi ko kay Kuya Lando. Niyakap ko sa aking kaliwa ang unan habang dahan-dahan itong kinikiskis sa aking katawan. Sinakal ng aking kanan kamay ang aking titi mula sa labas ng aking shorts. Pinagpantasyahan ko ang unan na katawan ni kuya na kumiskis sa akin; na nagpapainit sa aking loob at dumudulas sa aking balat. Sabay inaamoy ito na para bang mukha ni kuya na malapit sa aking mga labi at ilong. Hindi ko mapigilan na tawagin ng buong libog ang pangalan ni kuya.

Alvin: Kuya Landooohh...

Nangangarap na nadidinig nya. Na darating sya. Na pagbukas ng aking mata ay nandoon mismo sya. Na susuklian nya ng pagtawag ng aking pangalan malapit sa aking tenga.

Alvin: Ang macho mo Kuya Lando... Ang laki ng katawan mo na puno ng matitigas na muscles.

Ang sarap yakapin ng unan; ng katawan ni kuya.

Alvin: Ang hot mo kuya. Sobrang nakakalibog ka. Sige pa, ang sarap ng katawan mo sa katawan ko.

Mas lalo ko sinakal ang aking titi at nagsimulang magjakol.

Alvin: Kuya Lando, paligayahin mo ako. Sundin mo ang gusto ko. 

Ramdam ko ang gaspang ng tela sa aking titi at ngalay sa aking mga palad sa pagjakol habang suot ang short. Mahapdi sa ulo ng burat ngunit may kung anong kakaibang sarap ang dulot ng sakit at sikip ng tela sa aking pagjajakol. Pati pwet ko ay sumasabay na kumadyot sa bawa't jakol ko.

Alvin: Ipakita mo yang mga pawisan mo na muscles! Patigasin mo! Pagsasawaan kita Kuya Lando!

Nanginginig na aking katawan sa nalalapit na langit. Tumakbo sa aking isipan ang itsura ni kuya habang nagjajakol sya kagabi; habang sinasabunutan ko sya; habang nakabuyangyang ang kanyang katawan, habang nagjajakol sya gamit ang parehong kamay; habang galit na galit din ang kanyang burat at naglalakihang mga muscles.

Alvin: Ang laki ng burat mo Kuya Lando!!! Ahhhhnngggg saaarrraapppp mooooo! Um! Um! Sige pa kuya! Ungghh! Ahhh!!! Etong tamod ko para sa macho mo na katawan!!! Aaahhh!! Ahh! Laki ng dibdib mo!! Ahh! yang muscles mo tigas!!! Aaahhh! At ang burat mo!! Ooohhh!! Ohh!! Aaaaahhhh....

Napakasarap! Walang kasing-sarap ang jakol na ito na para bang mawawalan ako ng ulirat. Libog na libog ako! Hindi ko alam kung nakailang putok ako pero alam ko na naipon ito mula pa kagabi. Hindi lang. Mula pa nang tanghali kahapon nang una ko makita ang kuya sa bukid.

Alvin: Haahh... haah...

Habol ako sa aking paghinga habang lumalapat ang shorts ko sa aking katawan na para bang inihian ng tamod.  Kahit nasa ilalim ng aking short ang aking burat nang jinakol ko ito, marahil sa sobrang dami at lakas ng putok ay tumalsik pa ito sa aking damit.

Naubos ang aking lakas at napapikit. Tumayo ako mula sa pagkahiga sa sofa at naglakad patungo ng banyo. Pasado alas-nwebe na nang masilip ko ulit ang oras. Napaisip ako. Ambilis ng oras. O baka hindi ko napansin na yung pagpikit ko ay napa-idlip na pala ako dala ng naubos na lakas sa pagjakol. Basa pa din ang shorts ko pero kalat na ang tamod. Malamang nga ay nakatulog ako. Papasok na sana ako ng banyo nang mapasin ko na may pagkain sa ibabaw ng bar. Kilala ko ang mga kubyertos na iyon. Galing sa bahay ni ama. Bigla ko naisip na baka nadatnan kami ng kasambahay ni ama nang hubad, o kahit ako lang. Baka i-tsimis ako! Yare. 

Naudlot ang aking alalahanin nang mag-ring ang aking telepono. Si ama tumatawag.

Ama: Buti at gising ka na. Dumaan dito ang kuya mo at sinabi ang nangyari sa iyo. Ano na ang lagay ng paa mo?

Alvin: Kagising lang po. Maayos na ho. Nakalakad na pero may konting kirot kapag masyado nadiin sa lakad.

Ama: Hindi ka kasi nag-iingat. Buti na lang at nandyan ang kuya mo. Sabi nya e baka kelangan mo pa nga daw ng pahinga at minabuti na dalhin nya na lang daw dyan ang almusal mo. Dyan ka na muna. Kumain ka at tawagan mo na lang ako kapag may kelangan ka. 

Alvin: Hindi na ho ako magpunta ng bukid?

Ama: Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko? Dyan ka na muna. 

Alvin: Sorry po. Sige ama.

Binaba na ng aking ama ang kabilang linya ng telepono. Napaisip ako sa sinabi ni ama na si kuya ang nagdala pala ng pagkain. Maaga sya nagising malamang. Maingat sya. 

Dumirecho na ako sa banyo at naglinis na ng katawan. Laking ginhawa ng aking pagligo at malilinis na suot. Pakiramdam ko, bago ako. Virgin. Malamig na ang almusal pero masarap pa din. Nang matapos ay inayos ko ang sala na pinaghigaan at hiniwalay ang mga mga marurumi. Nanood ako ng TV para pampalipas oras nang biglang may kumatok. Dahil nasa compound ako ay kampante ako na walang ibang tao ang pupunta sa akin kaya't pinagbuksan ko agad ng pinto.

Kuya Lando: Magandang tanghali.

Medyo nagulat ako at hindi agad nakapagsalita. Hawak nya ang tray ng pagkain na natatakpan para hindi madumihan. Sumenyas sya na idederetso sa loob ang pagkain. Tumabi lang ako at tinignan syang patungo sa bar area. Sumunod ako nang makita ko na nailapag nya na ang bagong tray at sinimulan ligpitin ang nauna na almusal.

Alvin: Kuya Lando.

Nahihiya ako. Walang imik ang kuya, patuloy lang sa kanyang ginagawa. Nang matapos ay nagsimula na sya maglakad papalabas. 

Alvin: Kuya Lando. Sandali... Uhm kuya. Galit ka pa din ba? 

Tumigil sya sandali sa paglakad.

Alvin: Kuya Lando, ayoko sana na...

Kuya Lando: Huwag ka mag-alala. Hindi ako madaldal.

Alvin: Hindi yun kuya. Ayoko sana na magalit ka o iwasan ako dahil sa nangyari.

Hindi sumagot si kuya at dire-direcho lamang na lumabas ng pinto. Nakadama ako ng pagsisisi at lungkot. Galit si kuya sa akin. Gago kasi ako, nagpadala sa libog. Guilty feeling. Napabuntong hininga lang ako. Nawalan ako ng gana kumain. Wala akong gustong gawin. Nanamlay ang aking pakiramdam. Humiga ako sa sofa at muli ay niyakap ang unan ni kuya. Binulungan ko ang unan.

Alvin: Kuya Lando. Sorry.

Nakatulog ako sa kakaisip sa kung paano kakausapin si kuya. Ayoko na matapos nang ganito. Nakakahiya ang ginawa ko sa kanya. Naging mapagsamantala ako. Ngunit hindi ako makatulog ng direcho. Nababalisa sa aking nararamdaman at iniisip. 

Si Kuya Lando. Galit sya. Sana burat nya na lang ang laging galit. Gago lang ako. Eto at nag-aalala kay kuya pero hindi makaligtas sa libog na dala nya.

Muli ay may kumatok. Na-excite ako at tumungo para pagbuksan ng pinto ang panauhin. May kutob ako na si kuya ang muling kumakatok.

Alvin. Kuya Lan... Ama?!

Ama: O bakit?

Alvin: Akala ko ho kase... Ipapadala ko lang sana itong tray pabalik sa bahay nyo.

Ama: Aba masaya ka ha. Hindi mo personal na utusan ang kuya mo kahit na ganyan ang lagay mo.

Alvin: Hindi naman po. Makisuyo lang sana.

Ama: Hoy ano ba at nandyan ka!

Alvin: Po?!?

Ama: Hindi ikaw. Lando, ano ba ang meron dyan? Dumito ka nga sa may mga bangko para hindi ako nakataas ng boses. Kalayo mo.

Dumungaw pa ako ng maigi palabas ng pinto at natanaw ko si Kuya Lando na nasa bungad ng terasa. Nakayuko ang ulong pumasok at tumayo sa tabi ng mga bangko.

Ama: Ano ba ang balak mo dyan? Ginawa yan bangko para maupuan.

Kuya Lando: Pasensya na po amang at salamat.

Umupo na si kuya. Suot nya ang de kolor na de kwelyong pantaas na may mahabang manggas. Hawig ito sa kanyang suot kahapon. Ngunit mas manipis ito dahil halos kita mo ang utong nya sa ilalim ng pawisan nya na suot. Puno din ng mga ipa at mga damo ang kanyang suot. Halos mamuti naman ang kanyang kupas na pantalon sa kapal ng alikbok at lupa. Dahil pawisan ang kanyang damit ay mas lalo ito numipis at dumikit sa kanyang katawan. Lalong namalas ang hubog ng kanyang mga malalaking balikat at matipunong dibdib. Hapit naman ang lumang pantalon kung saan namumutok ang kanyang mga hita. Ang macho talaga ni kuya. 

Ama: O ikaw. Sa susunod mag-ingat ka sa paglakad. Alam mo nang may pagka-lampa yang paa mo.

Kasambahay: Amang, saan ho ba ito ilalagay? 

Ama: Ipatong mo dyan sa lamesita at kuhain mo ang pinagkainan nito sa loob.

Dumating ang kasambahay na may dalang wari ko ay tinapay at pitsel ng juice. Matapos ay pumasok ito para kuhain ang tray ng aking pinanghalian.

Kasambahay: Ay Alvin, hindi ka pa pala nakakakain? Anong oras na iho.

Ama: Hindi ka pa kumakain ng pananghalian?

Alvin: Sorry ama. Medyo sumama pakiramdam ko ulit. Natulog na lang po ako.

Ama: May masakit ba?

--- Oo ama! Ang puso at puson ko dahil kay Kuya Lando.

Nagsusumigaw ang aking damdamin sa loob.

Alvin: Kaya naman po. Pahinga lang siguro.

Ama: Magsabi ka.

Alvin: Opo.

Ama: O sige. Si kuya mo ang nag-mani-obra dun sa mga hindi mo natapos kahapon. Magpagaling ka. Kung bukas masakit pa yan, patingnan na sa doktor. 

Ama: Ikaw naman. E kung hindi ka talaga pwede, wala ako magagawa. 

Alvin: Ang alin po?

Ama: Si kuya mo, nagsabi na baka hindi ka na nya masamahan at naka-kompromiso sa ibang tao. Sya ang kelangan. Tutal din naman hindi ka pwede, sa susunod na lang siguro kayo mag-ikot. O ayun lang. Napadaan lang kami para tingnan ka. Kung gusto mo dun ka muna sa bahay at...

Alvin: Oks lang ako ama. Mas gusto ko dito sa bahay ko.

Ama: Bahala ka sa gusto mo. Magsabi ka. Tutungo na ako sa bodega. Lando, mag-meryenda ka muna dyan at masamahan yan sandali. Dumaan ka sa bahay matapos ang araw.

Kuya Lando: Opo amang.

Naglakad na palayo ang ama. Hinatid ko lang sya ng tanaw. Nang malayo na sya ay binaling ko na ang atensyon ko kay kuya.

Alvin: Kumain ka na muna Kuya Lan...

Kuya Lando: Mauna na din ako. Salamat.

Alvin: Sandali.

Napahawak ako sa braso ng papalayong si kuya. Napatigil sya at humarap sa akin. Napatingin ako sa hawak ko. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanyang braso at dahan-dahan itong humaplos sa kanyang pawisang damit paakyat patungo sa kanyang balikat. Sumisingaw ang init sa kanyang damit na pawisan. Hindi ko naiwasan na hindi pisilin ang nagtitigasang muscles na papunta sa bilugang balikat nya. Tiningnan ko ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Pero muli ay binaling ko ang aking tingin sa hinahaplos ng aking kamay. Mula balikat ay naglakbay ito sa kanyang dibdib. Basang-basa ng pawis ang bahagi ng kanyang dibdib. Sinalo ko sa aking palad ang kabuuan ng kanyang dibdib kasama ang utong. Nakatayo ang utong ni kuya. Damang-dama ko ito sa aking palad. Lumatag ng pahiwalay ang daliri ng aking mga kamay, na parang pilit na dinadaklot ang buong dibdib ni kuya. Sabay sa pagkiskis sa kanyang mismong utong ay ang bahagyang paglamas ng kanyang dibdib.

Kuya Lando: Aaahh. Huwag... Nakikiusap ako..

2015-06-24

Araro ni Kuya Lando [12]


Pinipilit ko matulog, ngunit laman ng puson at isip ko ang hubo't hubad na nakahigang si Kuya Lando. Kahit sa pagpikit, buhay na buhay ang kanyang imahe. Ramdam ko ang bawa't tibok ng libog sa aking dibdib.

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung ilan tupa na ang binilang ko, sinama ko na ang mga kalabaw, baka, at iba pang hayop na alam ko sa bukid. Sa dami siguro, para na silang de lata sa kulungan na nagsisiksikan. Pero ayaw pa din ako dalawin ng antok. Sinisilaban pa din ang aking damdadamin.

Umupo ako mula sa aking pagkakahiga at tinanaw si Kuya Lando.

Ang kanyang ulo, salo ng kanyang mga kamay na nakapatong sa unan. Ang isang paa, nakatupi. Ang burat, nakabuyangyang sa kanyang pusod. Kumukurba ang karampot na liwanag sa kanyang mga muscle, na syang lalong nagbigay ng depenisyon sa mala-Adonis nyang katawan. Lubak-lubak ng kamachohan ang buo nyang pangangatawan mula balikat paakyat sa bundok na dibdib, patungo sa mala-troso na mga hita. Nakabilad man ang kanyang katawan sa ilalim ng malamig na kisame, pero hindi ang gabi na patuloy na nag-iinit dahil sa kanya."

Humiga ito ng patagilid at patalikod sa akin. Kahit sa kanyang pagtalikod ay hindi ko maiwasan na humanga sa hubog ng kanyang katawan. Sa isip ko ay napakasarap hagurin ng kanyang malapad na likod na puno din ng muscle. Kita ko ang kanyang mga bilugan na balikat at muscled na mga braso. Ang kanina na niromansa ko na hita at pwet, ngayon ay mas lalo ko kinasasabikan. Bilugan ang mga pwet ni kuya na para bang nang-e-engganyo na paluin ito.

Namumutok ang kanyang mga muscles sa tamang lugar, na may tamang laki, at umaayon sa iba nya pang mga muscles. Kulang na natatanaw ko ang katawan ni kuya. Gusto ko ito madama at maangkin itong muli. Hindi! Maangkin ito ng higit pa! Gusto ko lakbayin ang bawa't sulok ng kanyang katawan at subukin ang hangganan ng kanyang lakas.

Kung ang lumpia ay may variety na hubad, si Kuya Lando naman ay hubad na Superman.

Gusto ko syang ibalikwas paharap sa akin at biglang upuan ang kanyang burat, ngunit muli ay nabato-balani ako sa kanya at napatigil lamang sa aking pagkakaupo.

Kinuha ko ang kumot at dahan-dahan ay ipinatong sa kanyang hubad na katawan hanggang ibaba ng mga balikat. Humiga ako ng diretso sa kanyang tabi at nagpatong ng sarili ko na kumot. Habang nakatanaw ako sa kisame ay kung anu-ano ang pumapasok sa aking isipan. Pagsisisi na sana ay hindi ko hinawakan si kuya at hindi nagpamalas ng kabaklaan. Panghihinayang sa maayos na relasyon. Pagsisis na bakit hindi ko pa tuluyan inangkin si Kuya Lando tutal nangyari na naman. Panghihinayang sa sana ay naging masarap na gabi para sa akin kahit pa saktan nya ako or kung ano man. Umaasa ako na magkakaayusan kami, at mas lalong umaasa na higit pa ang mangyayari sa pagitan namin. Katabi ko sya pero wala akong lakas para hawakan sya ulit.

So close, yet so far.