2014-07-02

Araro ni Kuya Lando [08]


Lalong lumalalim ang gabi. Kailangan na namin magpahinga para makabawi ng lakas. Tumayo na si Kuya Lando at nagsimulang ligpitin ang first aid kit. Habang nililigpit nya ang kit at inaayos ang kanyang inupuan ay pa-simple nya tinatabig ng kanyang braso ang bahagi sa ilalim ng pusod nya. Napansin ko na may naka-umbok dito ng pahilig. Sa loob-loob ko ay na-enjoy ni kuya ang masahe o meron syang kaliting-libog sa binti at hita. Hinatid ko sya ng tingin habang pumapasok sya ng bahay. Ang ganda ng likod ni kuya, mula balikat hanggang binti. Dapat siguro ilagay nya ang kanyang mga kamay sa magkabilang hamba ng pinto at ibuka ang kanyang mga hita, tapos ay yayakapin ko sya mula sa likod papunta sa bewang, paakyat sa dibdib, at paikot sa kanyang mga balikat. O di kaya'y hawakan nya ng parehong kamay ang pinakataas na hamba ng pinto para madilaan ko ang kanyang naglalakihang dibdib, padulas sa kanyang palikpik, paakyat sa kili-kili, tapos papunta sa kanyang braso.

Habang nasa loob si Kuya Lando ay inabot ko ang kanyang t-shirt na nasa upuan. Basa pa ito ng kanyang pawis. Gusto ko sana amuyin at ipatong sa akin kaya lang baka bigla sya lumabas at magtaka sa ginagawa ko. Napapangiti ako habang hawak at tinitingnan ang kanyang damit.

--- Kapag su-swertehin ka nga naman, makikita mo yung tipo mo na lalaki, magkakaroon kayo ng pagkakataon na magkakilala, at may quality time pa! Jackpot ang araw kahit madaming palpak. Pero gusto ko yung mismo nya katawan, at hindi t-shirt lang. Kung yung short nya kaya ang nabasa, tinanggal nya din kaya? Iiihhhh!

Kuya Lando: Alvin.

Pagtingin ko sa kanya ay nakapako pa din ang mga ngiti at kilig sa aking labi. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ulit sya. Bakas sa mukha nya ang pagtataka.

Kuya Lando: Bakit? Sobrang baho ba?

Alvin: Ah.. eh... kasi... anu ba yun? A yun nga, baka kasi kung nadulas tayo kanina ang putik siguro natin tapos ika-ika pa maglakad.

Tingin lang ulit ang sinagot nya, at ang trademark nya na tipid na ngiti with slight dimples on the side.

--- Pekpek. Lunud na lunod na ako. Para akong hihimatayin kapag nakikita ko ang kanyang maamo at gwapong mukha. Tapos may dimples pa! Suplado pero nakakapang-akit. At ngayon, wala pa syang damit! Baka bigla na lang ako mapayakap kay Kuya Lando o 'di kaya'y madakma ang kanyang pangangatawan, lalo na ang nasa pagitan ng kanyang hita.

Kuya Lando: Alalayan na kita papasok. Huwag mo ididiin ang kanang mo paa mo.

Hinawakan nya ang aking kanang braso.

Kuya Lando: Eto, kumapit ka sa balikat ko. Pasensya ka na at medypo malagkit na sa pawis.

Alvin: Talaga ba ganya ka-arte ang tingin mo sa akin?

Muli ay pinairal nya ang kanyang pagkasuplado at hindi pinansin ang tanong ko. Mas pinagtuunan nya ng pansin ang paglakad namin at pag-alalay sa akin. Hindi na din ako naiinis dahil alam ko nang ganyan ang gawi nya. Lalo pa nga at nakahawaka ako sa balikat nya ngayon. Halos kulang pa ang lapad ng kamay ko para buong mahawakan ang mga bilog na balikat ni Kuya Lando. Kung sa akin ay matigas dahil sa buto, sa kanya ay balot ng muscles. At ang mga linya ng kanyang mga biceps at triceps, parang ang sarap dumausdos dito. Parang ang sarap yakapin ng buong braso ni kuya at humilig dito habang naglalakad ng paika-ika. Pa-simple ko pinang-gigigilan ang kanyang mga muscles sa pagdiin ng bahagya at kunwari'y nadudulas sa pagkakahawak. Kung nang una'y ang malamig na pawis ni kuya ang nararamdaman ko, mabilis ay naging mainit ang kanyang balat sa aking mga palad. Sumisingaw ang init ng katawan ni kuya. Habang naglalakad kami sa loob ay naamoy ko ulit ang kakaibang pagkalalake ni Kuya Lando; nakakabaliw ang halong tamis at linis, na may kakaibang alat na nakakabitin.

Kuya Lando: Buhatin kita paakyat ng hagdan.

Alvin: Kuya, kuya sandali. Sandali!

Tumigil sya sa akmang pagbuhat sa akin.

Alvin: Baka maaksidente tayo sa pag-akyat kung buhat mo ako. Mahirap din maglakad ng ika-ika. Teka ha...

Habang nag-iisip ako ay napansin ko na lumilinga-linga si kuya sa bahay. Tinitingnan nya ang nakabitin na ilaw sa sala, ang kwarto sa itaas, ang flat tv sa dingding, pati na ang sofa sa sala at ang carpet..

Alvin: Ayun, para hindi tayo mahirapan. Dito na lang sa sala, sa carpet. Kuya, iupo mo muna ako sa sofa.

Sumunod naman sya at inalalayan ulit ako.

Alvin: Akyat ka sa itaas. Kwarto agad yan. Kapag nasa itaas ka na, matatanaw mo ako dito sa baba sa pinaka-terasa. Pwede ka dumungaw. Makikita mo pag-akyat mo, nasa sulok yung kama. May square na basket sa ilalim, hatakin mo. Sa loob nun, may makikita ka mga kumot. Kuhain mo yung brown. Tapos pati yung mga unan at manipis na  kumot na nasa ibabaw ng kama.

Kuya Lando: Sige. Nasa ilalim ng kama yung basket. Sige..

Matapos nya siguraduhin na ayos na ako sa pagkakaupo ay umakyat na sya ng hagdan. Ilang sandali lang ay dumungaw na sya.

Kuya Lando: Eto bang kumot na ito at ito?

Alvin: Oo.

Kuya Lando: Ilan unan?

Alvin: Ibaba mo na yung tatlo.

Hindi nagtagal ay pababa na si kuya. Hawak-hawak nya lang ang mga unan sa dulo ng punda pati na din ang mga kumot. Iniisip ko, pwede nyan naman yakapin lahat para hindi sya mahirapan, pero talagang iniiwasan nya lang na kumapit ang pawis nya sa mga gamit ko. Nakakatuwa na nakakahiya sa kanya. Inilapag nya na ang mga hawak nya sa isa sa mga sofa.

Kuya Lando: Alin ang ilalatag?

Alvin: Yung galing sa basket.

Nilatag nya na yung brown na kumot sa ibabaw ng carpet. Matapos ay inalagay ang unan at kumot. Kung paano ko iniayos at iniwan ang mga ito, na sya nyang nadatnan sa kwarto, ay ganun din ang ginawa nya na ayos. Matalino si kuya para isipin nya na may mga gawi ako sa loob ng bahay. Matapos nya iayos ang tulugan ay kumuha sya ng yelo mula sa maliit na ref na nasa bar sa ilalim ng hagdan para ilagay sa compress. Habang ginagawa nya ito ay umupo na ako sa tulugan. Pumwesto sya sa aking paanan at dahan-dahan inilagay ang compress.

Kuya Lando: Para mawala ang maga.

Alvin: Salamat. Dito ka na matulog.

Nakatingin lamang sya sa compress na kanyang pinapatong.

Kuya Lando: Nakakahiya. Mabaho at madumi ako. Bantayan na lang kita at balikan agad bukas.

Naisip nya na agad na kailangan ko sya para alalayan ako, at may solusyon na sya agad.

Alvin: Yun na nga. Salamat. Naisip ko lang din kasi paano kung magising ako sa kalagitnaan ng gabi, mas maigi lang din siguro na may kasama ako kahit ngayon gabi lang. Mawala lang yung maga at makagamit ng ng saklay o tukod bukas.

Hindi nya pa din ako tinitingnan. Minamasahe nya lang ulit ng konti ang aking binti.

Kuya Lando: Sige. Dito na lang ako paanan mo pupwesto para malapit din sa iyo.

Alvin: Mio Kuya Lando! Para kang ibang tao. Eto ang higaan. Kasya naman tayo. Hindi man ako sanay sa bukid, hindi din naman ako maarte. Isa pa, ang bango mo kaya! Ang tamis at ang linis ng pawis mo.

Napatigil sya sa ginagawa sabay tumingin sa akin.

Alvin: Ah...e... ang ibig ko sabihin ay yung amoy ng pawis mo! I mean yung amoy mo! Ang gulo mo!

Eto yung mga pagkakataon na matutunaw o di kaya ay malulunod ako dahil dinadale nya na naman ako sa mga tingin nya.

Alvin: Bakit ba ganyan ka makatingin?!? May problema ba?

Tahimik lang kaming dalawa. May dumaan na anghel. Napahinahon na ako at nawala na ang utal at pagkabigla sa isip.

Alvin: Baka naman kasi hindi ka sanay ng may katabi. E di ba may asawa ka na? Oo nga pala! Naku, baka inaantay ka na ng asawa mo.

Kuya Lando: Wala akong asawa. Medyo malikot lang ako matulog.

Alvin: Ah okay. Wala sa itsura mo.

Kuya Lando: Ang alin ang wala sa itsura, yung wala ako asawa o yung malikot ako matulog?

Sabay ngumit sya at nakita ko ulit ang mga pantay nya na ngipin.

Alvin: Hahaha. Yung may asawa. Sa gwapo mo na yan...

--- Ooops.

Kuya Lando: Tingin mo gwapo ako at mabango?

Natahimik ako at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko hanggang tenga. Nangagamatis na ako sa hiya! Baka kung ano isipin nya, baka mabuking nya ako, baka biglang may mangyari sa amin... Sana!

Kuya Lando: Biro lang. Bakit ka namumula?

Alvin: Ang gulo mo kasi kausap!

Kuya Lando: Pasensya na.

Parang pinalabas nya pa na sya ang napahiya sa usapan namin.

Alvin: Hay. Kuya Lando talaga. Gusto mo manghiram ng damit pantulog?

Kuya Lando: Ha? Ah e... Damit pantulog? Huwag na, sobrang nakakahiya naman.

Alvin: Huwag ka na mahiya please kuya. Tayong dalawa lang dito, maglolokohan pa ba tayo.

Kuya Lando: Ahahaha.

Mukhang medyo nagiging kampante at maluwag na kay kuya ang makasama ako at makakilos sya.

Alvin: Yan pinto kung saan malapit yung first aid kit, banyo at damitan yan. Pagpasok mo, sa kanan yung mismo banyo. Sa kaliwa yung damitan. Pili ka na lang ng damit. Kung gusto mo din maligo sandali, kuha ka na lang ng bagong tuwalya. Okay na ako, para makapahinga na din tayo.

Tumayo lang sya at tumungo na ng banyo. Malaking ginhawa talaga yung naidulot ng mga ginawa ni kuya sa bukung-bukong at binti ko. Naaliw ako ng sobra ng mga gawi ni Kuya Lando. Bakas sa kanya ang pagiging maingat. Kahit siguro pinagbilinan o inutusan ni ama, sigurado ako na hindi lahat ay kayang ibilin ni ama. May malasakit sya at sariling pag-iisip sa kilos. Mabait at mahinahon. Napaka-ideyal ni kuya. Pero walang asawa? Naalala ko bigla ang sinabi nya. Hindi naman siguro sya magsisinungaling sa ganun bagay. Baka naman hindi lang kasal, pero asawa na din yun dito sa amin. Ang hirap paniwalaan. Kung meron man mas mahirap paniwalaan sa wala syang asawa, yung ay kung virgin pa sya! Mapa-bakla man o tunay na babae e magugustuhan ang pisikal nya na katangian, kahit pa nga ang kanyang pagkasuplado. Pero mas lalo na ang kabaitan. Sigurado ako na madaming nagkakagusto sa kanya at mukha syang simpleng malibog. Yung appeal nya e higit sa lahat at sa totoo lang ay pang-romansa, pang-kama! Na-curious tuloy ako na makilala sya lalo, bukas siguro ipagtatanong-tanong ko.

Sa kakaisip ay nagawi ang tingin ko sa relo sa dingding. Pasado alas-diyes na pala! Gabing-gabi na sa probinsya. Naudlot ang pag-iisip ko sa oras nang lumabas ang Kuya Lando mula sa banyo.

Kuya Lando: Isinabit ko muna yung short ko sa loob ng banyo. Baka masira ko itong short mo, eto na yung pinakamalaki na parang pantulog...

Naka-boxer shorts sya pero kita ko ang puting garter ng brief nya; naka-brief pa din sya sa ilalim. Tama lang ang ginawa nya dahil hapit na hapit yung boxers sa kanya at magang-maga ang pag-aari nya sa harap na alam kong hindi man lang galit. Namamaga ang bukol ng bayag at burat ni kuya at hulmang-hulma ito sa short. Kung hindi sya nag-brief sa ilalim ay malamang sumilip na ang ari nya sa kung saan-saan o di kaya'y nag-mukhang tent na yung short sa harap nya. Yakap na yakap ang short pati sa hita nya. Pero malaki talaga ang ari ni kuya sa ilalim ng mga damit nya. Mas malaki pa kaya yung kapag nagalit o yun na yun? Pero kahit yun na yun, malaki talaga at mataba. At kung hindi man, mio amor! Baka mahiya ang kay Kuya Junior [see Kuya Junior]. Makakasakit si kuya!

Kuya Lando: Ayos lang ba?

Alvin: Ang alin? Bagay naman sa iyo e.

Kuya Lando: Ha? Ibig ko sabihin, ito yung kinuha ko at baka masira.

Alvin: Ah... Yun ba. Wag mo isipin yun.

--- Fiesta. Fiesta ngayon ang mga mata ko at imahinasyon.

Titig na titig ako kay Kuya Lando na naglalakad papunta sa aking tabi sa higaan. Nag-uumapaw ang ka-machohan nya sa tindig, sa itsura, at sa pangangatawan nya. Nakapalaki ng paghanga ko sa kanya. Ramdam ko ang libog ko ay sinasabayan ng kilig. Ang pagnanasa ko ay may bahid ng pag-asam na sana ay higit pa.

Kuya Lando: Sigurado ka okay lang?

Alvin: Ang alin?

Napapangiti si kuya habang umupo na sa higaan malapit sa aking tabi.

Kuya Lando: Na tabi tayo matulog. Ahaha. Ayos ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka. Sabagay, mahaba yung araw mo. Masakit pa ba yan. May gusto ka ba?

--- Ikaw. Ikaw sana Kuya Lando. Lando.

Alvin: Baka nga pagod lang. May mga maluluwag  na pantaas dun ah. Hindi ka kumuha?

Kuya Lando: Kuha ako. Pasensya na. Hindi kasi ako sanay matulog nang may pantaas, kung naiilang ka sandali lang...

Alvin: Kuya wag na..

Akmang tumatayo na si kuya at hahawakan ko sana sya sa braso para pigilan ngunit tumigil na pala sya at umupo ulit. Ang nahawakan ko ay ang kanyang dibdib. Napatitig lang ako sa aking kamay.

Alvin: Kuya Lando, yung dibdib mo...

Napatingin lang ako sa kanya na nakatingin na din pala sa akin. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

Kuya Lando: Yan? Dala ng pagtrabaho dito. Masasanay ka din at magkakaroon ka ng ganyan kapag madalas ka magbuhat. Natutuwa mga pamangkin ko dyan, tingnan mo...

Hinawakan nya ang aking kamay at inalis mula sa kanyang dibdib. Binaba nya na ito sa higaan ngunit hindi pa din inaalis ang pakakapatong. Ang init ng hawak ni Kuya Lando. Nakakapaso hanggang kaloob-looban.

Alvin: Ahahahaha!! Ang galing!!!

Natawa na lang ako bigla nang napansin ko na gumagalaw ng salitan ang kanyang mga dibdib. Naaliw ako at nabawasan ang pagka-seryoso. Parang tambol ito sa pagtaas at baba. Minsan ay pinagsasabay nya pa. At hindi nya ginagalaw ang kanyang mga balikat!

Kuya Lando: Sige, hawakan mo ulit.

Nagdalawang isip ako.

Kuya Lando: Okay lang yan, parehas naman tayong lalake.

--- Bakla po ako... na umiibig at nalilibugan sa iyo Kuya Lando.

Hinawakan nya ulit ang kamay ko at ipinatong ulit ito sa dibdib nya. Tinangka ko tanggalin ang kamay ko pero hinawakan nya na ito, hindi na binitawan, at ipinatong lang sa dibdib nya na gumagalaw. Naramdaman ko ang pag-kontrak ng mga muscles nya, ang pagtigas at paglambot, ang pagluwag at paghigpit. Naramdaman ko ang pagsayad ng naninigas nya na utong sa aking palad. Sa ilalim ng matipunong dibdib nya ay ang tibok ng puso nya, ang dugo na dumadaloy na parang kuryente. Ang init ni Kuya Lando. Hindi ko mapigilan, dinakot ko ang kanyang dibdib. Napatigil ang pag-galaw nito. Nilamas at pinisil ko ito ng bahagya. Sinalo ko ito mula baba at hinagod paakyat ng utong.

Kuya Lando: Macho ba?